Kabanata 5

434 64 8
                                    

TANAW mula sa kanlurang tore ang pagdating ng iba't ibang kinatawan ng tatlong kaharian. Umalingawngaw ang tunog ng trumpeta sa buong palasyo ng Avaerze hudyat ng muling pagsisimula ng huling paglilitis sa nasasakdal.


Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni prinsipe Arkin habang pinapanuod ang pangyayari sa labas mula sa malaking bintana ng kaniyang silid. Malayo sa karaniwang suot ng isang kagalang-galang na prinsipe ang kaniyang gayak ngayon. Tanging isang ordinaryong pares ng kulay berdeng damit ang suot niya. Walang korona. Walang palamuti kahit na ano. Walang alahas na maaaring makapagpatunay sa mataas niyang katungkulan.


Hindi pa man siya pinaparusahan ngunit nagdudurusa na siya. Isa lamang ito sa maraming kahihinatnan ng isang nilalang na nagtaksil. Hindi lamang kamatayan ang kaniyang masasapitin kundi matatanggalan rin siya ng katungkulan at karapatan bilang isang nilalang na may dugong bughaw.


Wala pa man ngunit nag-uumpisa nang sumibol ang takot sa loob ng binata. Batid niyang isang malaking kasalanan ang kaniyang ginawa ngunit kung hindi man umayon sa kaniya ang lahat, naniniwala siyang hindi lamang siya ang mapapatawan ng parusa kung tama nga ang kaniyang narinig mula sa kay Denali. Maaaring mapaparusahan rin ang brievamusa Casari dahil sa pagtulong nito sa mga taong-ligaw. Hindi lamang siya ang mananagot sa kasalanang iyon.


Kung sisilipin ng isang mangkukulam ang lahat ng nangyari sa nakaraan, tiyak siyang malalaman rin ng lahat ang tungkol doon.


"Mahal na prinsipe?"


Natauhan si Arkin nang isang malamig na boses ang biglang nagsalita. Napalingon siya sa pintuan at nakitang nakatayo doon si Aticus.


"Ipinapatawag na kayo ng konsejo," paalala nito.


Tumango lamang ang prinsipe. Naglakad siya papalapit rito. Nakatungo lamang ang brievamusa ngunit ramdam niya ang lungkot at takot nito. Isang mahinang tapik sa balikat ang kaniyang iginawad sa binata. Si Aticus, isang matalik na kaibigan at kakampi. Siya ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat. Ayaw niya itong madamay sa gulong kaniyang pinasok kaya't kung hindi aayon sa kaniyang inaasahan ang lahat, hiling niya ang kaligtasan nito palagi.


"Naroon na ang isang mangkukulam sa bulwagan. Dinala siya ni haring Ulysses kaya't masama ang aking kutob rito," saad ni Aticus.


"Mainam sapagkat malalaman na rin ng lahat ang totoo."


Umangat ang tingin ng brievamusa dahil sa narinig.


"Malalaman ng lahat ng ika'y nagkasala, mahal na prinsipe."


"Hindi lamang ako ang natatanging nilalang ang dapat managot."


"Ano ang ibig niyong sabihin."


Matipid na ngumiti ang prinsipe.


"Magtiwala ka na lamang sa akin."


Akmang lalabas na sana ng pinto si Arkin nang biglang iniharang ni Aticus ang kaniyang sarili sa dadaanan. Kumunot ang noo ng binata.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now