Mula sa Manunulat

559 60 20
                                    

Bitin no?


Alam kong lahat sa inyo ay nagulat sa ending at alam ko ring marami sa inyo ang nagtanong na ending na pala 'yon? HAHAHA. Ito ang una at huli kong Author's Note kaya pagbigyan niyo na ako kung mahaba ito.


Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga sumubaybay sa kwento ni Arkin. Mula sa kung paano siya ipinatapon sa mundo ng mga tao at pagbabalik niya sa Catharsis. Maraming salamat sa nag-iwan ng mga mensahe sa bawat kabanata, sa mga bomuto at sa mga masugid kong mambabasa na walang sawang nagpapadala ng mga mensahe sa aking inbox at nagsusulat ng mga "udpate ka na author" sa aking wall. HAHAHA. Lahat ng mga ginawa niyo ay nagbigay sa akin ng inspirasyon at motibasyon upang tapusin ang kwento.


Pangalawa, nais kong ipaabot ang aking pasasalamat sa lahat ng mga nagbasa ng "Wanderers of the World Below" ang unang parte ng Chronicles of Catharsis, hanggang ngayon ay may napapansin pa rin akong nagbabasa ng kwento kong iyon. Kung naabot ka rito, ibig sabihin ay nabasa mo na rin ang unang kwento. Maraming Salamat!


Pangatlo, sa lahat ng nagtatanong kung may susunod pa bang libro, ngayon pa lamang ay sinasabi ko na sa inyo na---MERON! HAHAHA alam kong napapatanong rin kayo kung anong nangyari kay Alira, bakit nabuhay si Arkin? Sino ang pumana sa kaniya? Ako rin, curious ako sa mga ganyang bagay. Pero, sa kasamang palad, hindi ko muna sisimulan ang pagsusulat ng susunod na yugto ng kwento nila dahil nais ko munang ibahagi sa inyo ang kwento ng Catharis bago pa man dumating ang mga taong ligaw. Ang alamat kung saan nanggaling ang lahat at ang isang tanong na paulit-ulit kong nakikita sa comments na "Paano nalaman ni Lolo Timo at Victor ang tungkol sa Catharis?" Lahat ng iyon ay masasagot sa kwentong aking isusulat pa.


Maikli lamang ang kwentong gagawin ko na pinamagatang "Legend of the World Below" kaya madali ko lamang iyon matatapos (char!) HAHAHA Alam kong mamimiss niyo si Alira at Arkin kaya bibilisan ko na po, opo. HAHAHA


Kung kailan ko ipo-post ang TLOC, manatiling nakasubaybay sa aking profile at siguraduhing naka-follow kayo for more announcements and updates.


Nota Bene: Habang naghihintay, sana ay magkaroon rin kayo ng oras na basahin ang "The Mutiny Muse," historical fiction ito at nakapasok siya sa Watty's Shortlist ngayong taon. Kung gusto niyo itong basahin, tingnan lamang ang works sa aking profile.


Muli, mashala-hasne! Siera vidi luna, mga taong ligaw!


Hanggang sa Muli,

Altatine.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now