Kabanata 15

395 58 6
                                    

KALAT na sa buong Catharsis ang hidwaang namumuo sa pagitan ng bawat makapangyarihang kaharian. Isa ang digmaan sa mga iniiwasang maganap ng mga pinuno nito. Sa loob ng mahabang panahon, iningatan ng mga kahariang Avaerze, Ruemania, Eubithia at Veercan ang kapayapaan. Batid nila kung gaano kadugo ang bawat labanan. Batid nila kung ano ang mawawala. Nakita at naranasan nila ito ilang daang taon na ang nakalipas.


Hangga't maaari, wala silang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang tahimik ang bawat nilalang sa Catharsis. Hindi lamang para sa kaayusan ng apat na kaharian ngunit pati na rin ng mga nasasakupan nito. Sa digmaan, ang mga walang labang nilalang tulad ng mga bata at matanda ang tunay na biktima.


Kalakip sa katungkulan bilang hari, nararapat lamang na sila ang kauna-unahang magpatupad ng kaayusan. Nanumpa ang mga ito hindi lamang sa harapan ng mga mamamayan kundi pati na rin sa harapan ng konsejo-- ang kanilang mga ninuno.


Bukod pa doon, hindi lamang ang pagsiklab ng digmaan ang ikinatatakot ni haring Maceo. Nag-aalala siya sa maaaring kahihinatnan ng hindi pagkakaintindihan nina ni haring Malfas. Ito ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan at ang makaharap ito sa isang labanan ay bagay na hindi niya hiniling na maranasan ni sa kaniyang panaginip.


"Kamahalan."


Napatigil sa pag-iisip ang hari nang marinig niya ang boses ng kanilang brievamusa. Mula sa bintana kung saan natatanaw niya ang malaking lupain na sakop ng kanilang kaharian, idinako niya ang kaniyang atensyon sa binatang nakatayo sa kaniyang likuran.


"Aticus? Nagawa mo ba ang ipinag-uutos ko?"


Umiling ang lalaki. Muli niyang inabot ang isang pergamino na siyang naglalaman ng sinulat na mensahe para sa hari ng Eubithia.


"Ipagpaumanhin niyo, Kamahalan. Hindi ko naihatid ang iyong mensahe para kay haring Malfas sapagkat hindi ako makapasok sa lupaing sakop ng lupain ng Eubithia."


Kumunot ang noo ni Maceo.


"Anong ibig mong sabihin? Ika'y bay hinarang ng kaniyang mga kawal?"


"Hindi po, mahal na hari. Hindi ko batid kung paano ko ito ipapaliwanag ngunit animo'y may isang malakas na puwersa ang pumipigil sa akin kaya hindi ako makapasok sa Eubithia. Sinubukan ko itong labanan ngunit walang silbi ang talim ng aking sandata."


Nagpantig ang tenga ng hari. Dahan-dahan niyang nilingon ang bintana kung saan natatanaw niya ang kaharian ng Eubithia.


"Kung gayon, gumawa na nga ng kalasag si Malfas," sambit niya.

The Wandering PrinceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt