Kabanata 32

367 55 22
                                    

HALOS takbuhin na ni Claire ang lobby papuntang elevator upang makarating lang ng mas mabilis sa condo ni Arkin. Kilala na siya ng mga guards at ibang mangagagawa ng building kaya hindi na siya nito pinigilan. Paulit-ulit niyang tingnan ang kaniyang telepono habang tumatakbo. Limang minuto na lang ang natitira sa ibinigay na palugit na oras ng binata sa kaniya. Kailangan niyang marating doon bago pa man ito maubos.


"O, si Manager Claire ba 'yon? Teka! Manager Claire!"


Napatigil si Claire sa pagtakbo nang may tumawag sa kaniya. Lumingon siya sa paligid at kaagad na namataan sina Deanu at Milo habang nagpapahinga sa isang malaking couch.


Kumunot ang kaniyang noo nang makita ang mga kalagayan nito.


Maaliwalas ang mga mukha nito at mukhang mabango tingnan. Malayo sa kaniyang itsura ngayon, pawisan, magulo ang buhok at humihingal.


Nawala sa kaniyang isipan ang dapat niyang gawin at imbes na dumiretso sa elevator. Naglakad siya upang lapitan ang dalawa.


Bakit nakaupo lamang ang mga ito rito? Huling pagkakatanda niya ay siya ang boss rito.


"Manager Claire!" bati ni Milo. "Bakit ka tumatakbo? Nagmamadali ka ba? Pawis na pawis ka na, ah."


"Anong ginagawa niyo rito?" tanong niya. "Hindi ba't may ipinapagawa ako sa inyo?"


"Naihatid ko na kay Sir Arkin ang mga regalo ng mga fans niya tapos si Jasper naman sinusundan si Sahara kaya wala siya ngayon rito. Nakastand-by lang kami ni Deanu rito sa lobby, baka kasi may iuutos si Sir Arkin sa'min."


"You mean, nandito lang kayo the whole time habang ako pumunta sa presinto para hanapin ang taong ipinapahanap ni Arkin!? Ako na nga itong nagpapasweldo sa inyo, bakit parang ako pa yata ang pagod rito?"


Napakamot si Milo sa kaniyang batok at nilingon si Deanu na ngayo'y nagkibit-balikat lang dahil wala siyang alam sa mga nangyayari.


"Hindi ba nga po sinabi namin kanina kung gusto niyong magpasama? Tumanggi naman po kayo kaya wala kaming ginagawa ngayon," sagot naman ni Milo.


Umiling si Claire. Sumagi sa kaniyang alaala na inalok nga siya ni Jasper at Milo upang samahan siya bago sila maghiwalay kanina.


Tumikhim ang dalaga bago pa siya mapahiya.


"Oo nga pala, Manager Claire," sabad ni Deanu. "Bakit nga pala kayo tumatakbo? May problema ba si Sir Arkin?"


Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang muling maalala ang dapat niyang gawin. Napatingin siya sa kaniyang relos--tatlong minuto na lamang ang natitira.


"Naloko na! Hoy kayong dalawa! Sumunod kayo sa'kin, dali!"


Walang sabi-sabing muling tumakbo ang dalaga papunta sa elevator. Hindi ito maintindihan ni Milo at Deanu ngunit sumunod na lang din ang dalawa rito. Walang tao sa loob ng elevator kaya't pagkasakay pa lamang ng tatlo ay kaagad nang pinindot ni Claire ang pinakamataas na floor. Nakatuon lamang ang kaniyang mga mata sa numero na nakadikit sa dingding habang nagbibilang ito ng kung ilang floor na ang kanilang dinaanan.

The Wandering PrinceKde žijí příběhy. Začni objevovat