Kabanata 42

524 63 50
                                    

PADABOG na sinarhan ni Ciara ang pinto nang makarating siya sa kaniyang silid. Lumapit siya sa kaniyang kama ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakaupo roon, biglang nagbukas ang pintuan at iniluwa nito si Eujin.


Napairap na lamang si Ciara nang makita ang alalang mukha ng binata. Gusto niyang mapag-isa upang bigyan ang sarili ng panahong makapag-isip kaya kung maaari ayaw niyang makakita ng kahit na sino--kahit pa man ang kaniyang nobyo.


"Ciara, hindi tama 'yong ginawa mo," puna sa kaniya ng lalaki.


Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay humiga siya sa kaniyang kama, hinila ang kumot sa sarili saka nagtalukbong. Ayaw niya itong makausap.


Napabuntong hininga na lamang si Eujin nang makita ang inaasal ng babae. Imbes na sigawan at pagalitan ito sa ginawa ng dalaga sa harapan ng matanda kanina, pinili niyang pakalmahin ang kaniyang sarili. Maingat siyang umakyat sa kama at umupo sa tabi ni Ciara saka marahang hinila ang kumot na nakatakip sa mukha nito.


Natigilan si Eujin nang makitang umiiyak ang dalaga. Nawala ang galit sa kaniyang dibdib at napilitan ito ng pagkaawa nang makita ang kalagayan nito. Nakatakip ang dalawang palad nito sa mukha kung kaya't hindi niya maaninag ang buong itsura nito. Gayunpaman, nasaksihan niya ang mga luhang umalpas sa gilid ng mga mata nito pababa sa tenga ng babae.


Napakurap pa siya dahil ito ang unang beses na makikita niyang umiiyak si Ciara.


"Hey, why are you crying?" bulong ni Eujin.


Hindi sumagot ang dalaga. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin.


Hinaplos na lamang ng lalaki ang balikat nito upang aluin sa pag-iyak, ngunit imbes na tumigil, gumalaw si Ciara at tinalikdan siya.


"I'm sorry," paumanhin ng binata gayong hindi naman niya alam kung bakit at saan siya humihingi ng tawad. "I'm sorry if things turned out this way. Believe me, hindi ko rin gusto ang mga nangyayari. Kung masama ang loob mo kay Mang Victor, ano na lang ang nararamdaman ni Leiter ngayon, 'di ba?"


Napaayos ng umupo ang dalaga. Tinanggal nito ang pagkakatakip sa kaniyang mukha at marahas na tiningnan ang kasama. Napakurap naman si Eujin nang maramdaman niyang sa kaniya ibinaling ng nobya ang galit nito.


"That's not the point kung bakit ako umiiyak," maktol nito. "I just can't imagine na matagal na palang may nararamdamang kakaiba si Leiter sa katawan niya pero hindi man lang niya sinasabi sa'kin."


Inabot niya ang kamay ni Ciara at marahan itong hinawakan.


"Dahil hindi siya sigurado. . . and maybe he was afraid," rason naman ng lalaki. "Who wouldn't be surprised kung malalaman mong namatay at nabuhay ka na pala?"


Umiling-iling si Ciara.


"No, he's normal for me. He's not someone I should afraid of. He is my cousin--the only one. Hindi ko alam na may pinagdadaanan na pala siya. All I did was to pissed him off."

The Wandering PrinceDär berättelser lever. Upptäck nu