Kabanata 31

340 65 23
                                    

ILANG beses na sinubukang kumurap si Arkin upang kumbinsihin ang sarili na totoo ang nakikita. Nagdalawang-isip pa siya sa pag-aakalang kamukha lamang ni Alira ang babae sa litrato ngunit hindi siya maaring magkamali. Sa maikling panahon na nakasama niya ang dalaga, isa lamang ang palagi niyang napapansin rito--ang mga mata nito--wala itong katulad.


Animo'y nawala sa sarili ang prinsipe. Mabilis siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at hindi na nag-abalang tingnan pa ang laman ng natitirang kahon. Dala-dala ang wallet ni Alira, tumakbo siya patungo sa kwarto saka dinampot sa kama ang kaniyang cellphone.


Mabibilis ang kaniyang mga daliri na tumipa doon at hinanap ang pangalan ng taong dapat niyang tawagan. Hindi na mapakali ang binata habang hinihintay sagutin ni Manager Claire ang tawag niya. Pabalik-balik ito kung maglakad sa loob ng kaniyang silid.


"Manager Claire?"


Isang buntong hininga mula sa dalaga ang unang bumungad sa kaniya.


"Bakit? Ano 'yon? Hindi ba dapat busy ka ngayon sa pagtingin ng mga regalo ng fans mo? Bakit napatawag ka?"


Halata ang pagkainis sa boses nito.


"Nasaan ka ngayon?" tanong ni Arkin.


"Bakit ba? Nasa presinto ako."


Isang alaala ang sumagi sa isipan ni Arkin nang marinig niya ang pangalan ng lugar na iyon. Minsan na rin siyang napadpad sa isang presinto--isa itong kulungan ng mga taong makasalanan. Sariwa pa sa kaniyang isipan ang itsura ng lugar, magulo, mabaho at maingay. Ayaw na niyang balikan ang lugar na iyon.


"Presinto? Anong ginagawa mo d'yan? May kasalanan ka bang nagawa?" Sunud-sunod niyang tanong.


"May ipinaphanap kang tao, 'di ba?" pagbabalik tanong ng dalaga. "Baka sabihin mong hindi ako tumutupad sa pangako ko sa iyo kaya nandito ako sa presinto ngayon, baka sakaling may update na sa mga taong ipinapahanap mo pero huwag kang umasa muna, ha! Hindi pa ako sure."


"Huwag mo nang ituloy," maikling sabi ng prinsipe.


"Huwag ituloy ang alin? Hoy, para sa sabihin ko sa iyo ha! Hindi ko lang ito ginagawa dahil pinagbantaan mo akong titigil ka sa pag-aartista. Ginagawa ko ito dahil alam kong deserve mo rin ito. Gusto ko lang maging mabuting manager sa iyo. Mahirap na baka magtampo ka tapos lumipat ka ng ibang management."


"Bakit naman ako lilipat? Sabi mo nga, kailangan kong magtrabaho para mabuhay."


Isang mapaklang tawa ang kaniyang narinig mula sa kabilang linya.


"Wala ka ba talagang ideya kung gaano ka na kasikat ngayon!?" sigaw ni Claire.


Bahagya pang nailayo ni Arkin sa kaniyang tenga ang hawak niyang telepono.


Bumuntong hininga siya.


"Hindi na 'yan ang mahalaga ngayon. Puntahan mo ako rito. May iuutos ako ngayon din."

The Wandering PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon