Kabanata 51

418 48 9
                                    

NAPATIGIL si Alira sa pakikipaglaban nang maaninag ang isang apoy sa 'di kalayuan. Kumunot ang kaniyang noo nang makitang nakatayo sa harapan nito si Pinunong Elwin.


Sinaksak ng dalaga ang isang kawal na papalapit sa kaniya bago tumakbo upang tingnan ang kalagayan ng matanda. Nang tuluyang makalapit, doon niya lamang napagtanto na isang katawan ng babae ang kasalukuyang nilalamon ng apoy.


"Anong ginagawa niyo?" tanong ng dalaga ngunit walang imik lamang ang matanda.


Pinagmasdan niya ang itsura nito ngunit tulala lamang ang lalaki habang nakamasid sa nasusunog na bangkay ng isang babae. Hindi man lamang kakikitaan ng bahid ng pagkakonsensya o awa ang mga mata nito. Nilibot ni Alira ang kaniyang tingin sa paligid ngunit hindi niya mahanap ang pinuno ng mga kawal na umatake sa kanila na ayon sa kaniyang mga kaibigan ay Casari ang pangalan, marahil ito ang babaeng iyon.


Hindi na niya tatanungin ang dahilan sa likod ng karumal-dumal na pagpaslang niya sa dalaga sapagkat sa kaniyang nakikita, mukhang malaki ang kasalanan nito sa matanda.


Malalim na bumuntong hininga si Alira upang patigilin ang ang sarili sa paghingal dulot ng pagod sa pakikipaglaban. Tiningnan niya ang kinaroroonan ng kaniyang mga kasama. Kaunti na lamang ang mga kaaway at mabibilang na lamang sa kamay ang kanilang hanay ngunit ngayo'y wala na ang pinuno ng mga ito, tiyak na ang kanilang panalo.


"Ayos lang po ba kayo?" muling tanong ni Alira kay Elwin sabay tapik nang marahan sa braso nito upang agawin ang kaniyang atensyon.


Sunud-sunod na kumurap ang matanda at napatingin sa kaniya.


"Ayos lamang ako," sagot nito. "Kailangan na nating sundan ang dalawang prinsipe."


Napatingin ang matanda sa paligid. Nagulat siya nang makitang isang kawal na lamang ang nakatayo sa dalampasigan na siyang kasalukuyang nilalabanan ni Leiter ngunit agad na rin itong natumba nang mabilis nitong sinaksak sa tiyan. Nagkalat ang mga bangkay ng kanilang kaaway sa gilid ng dalampasigan at tanging sila na lamang ang natitira sa lugar.


Isa-isa nang nagsilapitan ang kanilang mga kasama kay Elwin. Unang nagtungo si Leiter na bagama't humihingal ngunit walang kahit na anumang galos sa mukha o katawan.


"Are you okay, Alira?" tanong ni Leiter sa dalaga sabay marahang tiningnan ang katawan nito.


"Ayos lang ako, Leiter. Hindi ka ba nasaktan?" alalang tanong rin sa kaniya ng babae.


"Nagkasugat ako kanina pero gumaling rin naman agad--kagaya ng dati," turan nito na animo'y naiinis pa.


Tumangu-tango na lamang ang dalaga. Ipinagpapasalamat niyang mayroong kakayahan si Leiter na pagalingin ang sarili nitong sugat. Bagama't naninibago pa rin siya sa katotohanang iyon ngunit malaking tulong ito sa kanila ngayon.


Sumunod naman si Harith na halata rin ang pagod sa pakikipaglaban. Dinaluhan rin ito ni Alira upang tingnan ang kaniyang kalagayan. Kumunot ang noo ng dalaga nang mapansin niya ang hiwa braso nito. Nabitawan ni Alira ang hawak niyang espada upang tulungan ang kaibigan.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now