Kabanata 49

522 53 17
                                    

SA palasyo ng Avaerian.


Wasak ang Kanlurang tore ng kaharian habang kasalukuyang tinutupok naman ng apoy ang bawat unang bulwagan. Pinuno ng makapal na usok ang himpapawid kung saan tuloy -tuloy ang pagdating ng mga kawal ng Eubithia sakay sa isang sasakyang pandigma. Walang awat naman sa pagdepensa ang kabilang panig, nahihirapan man sapagkat kaunti na lamang ang kanilang bilang, pinilit ni Aticus ang kaniyang sarili na sumakay sa likuran ng isang malaking agila upang labanan ang mga paparating.


Dehado ang kanilang panig sapagkat wasak na ang kanilang kampo dahil sa ginamit na pampasabog ng mga Eubithian. Bagama't marami nang kawal ang nalagas sa magkabilang panig ngunit hindi kakikitaan ng pagsuko ang bawat isa sa kanila. Buo ang loob ng mga ito na ubusin ang katunggaling lahi. Walang nagpapatalo at handang makita ang kahahantungang dulo ng digmaan.


Humawak ng mahigpit ang brievamusa sa bakas na nakapulot sa leeg ng agila habang umuusad ito paitaas. Kaagad niyang namataan ang hindi mabilang na mga sasakyan pamhimpapawid mula sa Eubithia habang ang mga alaga nilang agila ay nilalabanan ang mga ito hanggang sa bumagsak sa kalupaan.


Pinalipad ni Aticus ang kaniyang hawak na sibat patungo sa isang sasakyang pangdigma, tumama ito sa malaking kaban na naglalaman ng mga pampasabog kung kaya't ilang sandali lamang ay nagkalasug-lasog ang sasakyan at nilamon ng malaking apoy. Lumapit pa ang agila nito sa kabilang sasakyan at dinakma ang mga Eubithian na nagmamaneho doon at hinulog sa lupa.


Ilang mga sasakyang pamhimpapawid pa ang winasak ni Aticus bago niya napagpasyahang muling lumapag sa lupa upang magtungo sa bulwagan kung nasaan ang hari. Tiyak siyang naroon na ito sa loob dahil nagawang pasukin na ng kalaban ang kanilang palasyo gawa ng pagsabog nitong ginawa sa tarangkahan.


Tumalon si Aticus mula sa agila at nilapitan ang huling kalaban na kaniyang napatay saka hinugot sa likuran nito ang kaniyang espadang nakatusok pa. Puno na ng dugo ang dulo ng kaniyang sandata gawa ng napakarami niyang napaslang.


"Sumunod sa akin ang mga unang kawal!" anunsyo niya sa gitna ng digmaan.


Ang mga unang kawal ay ang sunod na pinakamataas na katungkulan na maaring taglawin ng isang mandirigma. Ang mga unang kawal ay ka-hanay ng brievamusa sa bilang tagapangalaga ng palaasyo. Sila ang mga pinakamagaling na sundalo ng kaharian kung kaya't ang mga natitirang unang kawal ng mga Avaerze na nakarinig ng anunsyo ay walang pagdadalawang-isip na iwan ang kanilang ginagaw at sumunod sa brievamusa upang sumulong papasok.


Ilang mga kalaban pa ang kanilang pinatumba upang tuluyang marating ang bulwagan. Hindi nga sila nagkamali sapagkat sa harapan ng trono, naroon si Haring Maceo, nakatayo, hawak-hawak ang sandata na animo'y pinoprotektahan nito ang trono. Samantala, nasa harapan naman ng hari si Haring Malfas kasama ang brievamus nitong si Senir at ang mga natitirang kawal.


Kaagad na pumalibot sa bulwagan si Aticus at ang mga kawal niya upang protektahan ang hari. Napansin naman ni Maceo ang pagdating ng kaniyang mga kakampi. Kahit papaano'y nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang mapagtantong may natitira pa sa kaniyang mga kasapi.


Samantala, hindi man lamang natinag sa kaniyang kinatatayuan si Malfas gayong nadagdagan ng bilang ang kaniyang mga katunggali. Buo ang kaniyang loob na salakayin ang Avaerze. Batid niyang marami na ang nagbuwis ng buhay ngunit wala siyang pinagsisihan. Hindi niya ito nais gawin sapagkat kahit papaano'y naging matalik niyang kaibigan si Maceo ngunit nararapat lamang na ipaghigante niya ang kaniyang anak. Ang pagkawala ni Gilead at ang pagtataksil sa kanila ng Avaerze ang naging dahilan niya upang piliin ang dahas.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now