Kabanata 4

423 62 9
                                    

DUMAONG ang sinasakyang paraw ni haring Ulysses sa pampang ng ilog malapit sa pamayanan ng mga vidar. Kasama ng hari ang kaniyang pulutong gayak ang kani-kanilang mga gamit pandigma. Nasa tabi naman niya ang brievamusa Casari na hanggang ngayon ay pinipilit pa rin siyang bumalik na lamang sa palasyo. Isa sa mga pinakamakapangyarihang nilalang sa Catharsis ang mga mangkukulam, may kakayahan ang mga ito na saktan o sumpain ang sinuman kung kanilang maibigan.


Bagama't sakop ng kahariang Ruemania ang lupain ng mga vidarje, hindi ginagalang ng mga ito ang kaniyang pagiging hari. Ilang taon na ang nakakaraan nang hilingin ng pinuno nitong si Nana Wilma ilang taon na ang nakaraan na bumukod sa isang lugar malayo sa mga Ruemano. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lamang din muling nakatuntong si haring Ulysses sa Erewhon; ang lupain ng mga mangkukulam.


Kilala ang mga vidar bilang mga nilalang na nakasuot ng itim na damit at hawak sa kanilang mga kamay ang isang tungkod kung saan nanggagaling ang kanilang mga kapangyarihan. Hindi rin lamang mahuhusay ang mga ito sa mahika kundi ang kanilang pinuno ay biniyayaan rin ng mga matang kayang silipin ang nakaraan at hinaharap kaya't hindi na nagulat pa si Ulysses nang matanaw niya ang mga ito na nakanay at nakahanda na bago pa man sila makarating.


Nasa unahan ng linya ang isang matanda. May kulubot man sa mukha ngunit agad itong nakilala ni Ulysses. Kung paano siya tingnan ni Wilma noon, ganoon pa rin ito ngayon, hindi nagbabago. Matalim at malamig.


Tumaas ang kaniyang kilay nang makita ang isang babaeng katabi nito hawak-hawak sa kaniyang kamay ang isang batang paslit na lalaki. Kung gayon, isang batang mangkukulam na rin ang isinilang sa pamamagitan ng lagertha.


Nakaporma na ang pulutong ng mga kawal nang lumapit ang hari sa mga mangkukulam. Nakangiti lamang si Ulysses habang malalamig naman na titig ang ibinigay ng mga ito sa kanila.


"Nahulaan ko na ang iyong pagdating ngunit hindi ko akalaing magpaparito ka talaga," bungad ni Nana Wilma.


"Hindi ko akalaing iyan ang una mong sasabihin sa akin pagkatapos ng mahabang panahon," komento naman ng hari.


"Hindi ako nalulugod na ika'y makita."


"Mierda!" sigaw ni Casari. "Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang aming hari! Magbigay galang ka sapagkat siya pa mismo ang bumisita sa inyo ngayon!"


Tumaas ang kilay ni Wilma nang punain siya ng dalagang brievamusa.


"Baka nakakaligtaan ninyong kayo'y nasa aming lupain. Ang inyong hari ang may kailangan rito, hindi ba't kayo dapat ang magbigay-galang sa amin?"


"Mierda!"


Akmang huhugutin na sana ni Casari ang kaniyang pana sa likuran ngunit pinigilan siya ng kaniyang hari.


"Tumigil ka, Casari," saway ni Ulysses.


"Ngunit, mahal na hari—"


"May punto ang kaniyang sinabi. Sa aming dalawa, ako ang may kailangan sa kaniya."


The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now