Kabanata 36

419 87 71
                                    

NAGPANTIG ang tenga ni Alira nang ipinakilala ng dalaga ang kaniyang sarili sa kaniya. Pamilyar sa kaniya ang pangalang iyon, sigurado siyang isa rin ito sa mga artistang hinahanap ng mga reporters na nakasalubong nila sa labas. Kung totoo ang sinabing nitong on-screen partner ng babae si Arkin, marahil ay malapit sila sa isa't isa.


Gayunpaman, hindi mabilis magtiwala si Alira sa ibang tao. Lalo na't may napapansin siyang kakaiba sa mga kinikilos nito.


"Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" nakangiting turan ni Sahara sa kaniya.


Akmang hahawakan na sana nito ang mga kamay ni Alira upang imbitahan siya ngunit tumanggi ang dalaga.


"Hindi na," turan niya. "Kung kakilala mo si Arkin, sabihin mo na lang sa'kin kung nasaan siya ngayon. Saang condo unit ba siya nakatira?"


Lalo pang lumawak ang mga ngiti ng dalaga. Hindi mabasa ni Alira ang iniisip ni Sahara sapagkat magaling itong magtago ng tunay na nararamdaman. Magaling itong umarte, artista nga ito. Kanina lamang ay magaspang ang pakikitungo nito sa kaniya ngunit nang marinig nito ang pangalan ng taong hinahanap ay bigla itong nagbago.


Nakakatakot ang mga taong mahirap basahin.


"Ako na lang ang pupunta sa kaniya, ano bang room number niya?" tanong niyang muli.


Umiling-iling ang artista. "I think that's not possible, Alira. Hindi mo ba alam kung gaano na kasikat si Arkin ngayon? Look around, maraming CCTV. Masisira ang image niya bilang artista kung isang ordinaryong babae ang papasok sa condo niya. I'm sure, magiging headline na naman ito bukas."


"Kung ayaw mong sabihin sa'kin, aalis na lang ako."


Akmang tatalikuran na sana ito ni Alira nang bigla siyang hinigit ni Sahara sa kaniyang braso dahilan upang mapatigil siya. Sinamaan niya ng tingin ang dalaga sa kakaibang kinikilos nito.


"What if, pumasok ka na lang muna sa loob ng condo ko tapos tatawagan ko na lang si Arkin at sabihin kong nandito ka para siya na lang ang pumunta rito? Isn't that great?" suhestiyon ni Sahara.


Mataman na tiningnan ni Alira ang mga mata nito. Hindi niya masabi ngunit may kakaiba sa babaeng kausap niya ngayon. Ramdam niya ang tensyon nito sa katawan habang nakahawak ito sa kaniyang braso. Hindi niya batid kung bakit ito nanginginig.


Gumalaw si Alira at tinanggal ang pagkakahawak nito sa kaniya. Napansin naman iyon ni Sahara kung kaya't natauhan siya sa kaniyang ginawa.


"I'm sorry," paumanhin nito. "Gusto ko lang talagang makatulong."


Yumuko pa ang dalaga na animo'y hiyang-hiya sa sarili.


Tumikhim si Alira. Wala siyang tiwala sa babae ngunit pagbibigyan niya ito. Susugal siya sa laro nito upang tingnan kung anong klaseng tulong ang kaya nitong ibigay para sa kaniya--iyon ay kung tutulungan nga ba talaga siya nito.


Wala siyang karapatang husgahan ito dahil hindi niya ito kilala at wala rin siyang tiwala rito dahil hindi nga niya ito kilala.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now