Kabanata 9

375 58 25
                                    

HALOS manuyo ang lalamunan ni prinsipe Arkin dulot ng alat sa tubig nang tuluyan siyang umahon mula sa ilalim. Una niyang hinanap ang kaibigang kasama nang hindi niya ito makita sa kung saan. Ilang sandali pa lamang lumutang ang walang malay nitong katawan sa ibabaw. Nanlaki ang mga mata ng binata nang hindi na ito gumagalaw. Patuloy rin sa pag-agos ang dugo nito mula sa natamong sugat kung kaya't humalo ang kulay pulang likido nito sa tubig.


Lumangoy ang prinsipe papalapit sa kaniyang kaibigan. Inakay niya ito patungo sa gilid at hiniga ng binata sa matigas at malapad na bato.


Doon lamang din siya nagkaroon ng pagkakataong titigan ang buong paligid kung nasaan sila ngayon naroon. Nasa isang malaking hugis parihaba silang lugar na siyang pinupuno ng kulay asul na tubig. Kamangha-mangha rin ang bubungan ng nasabing lugar sapagkat sintayog nito ng kanilang kaharian habang nakikita niya rin ang mga malalaking bintana at pinto na gawa sa salamin.


Napapansin ng lalaki ang mga kulay dilaw at puting bola na lumulutang sa ibabaw ng tubig. Isa pang nagbigay ng labis na pagtataka sa kaniya ay ang maliliwanag na ilaw na nakasabot sa itaas ng kisame. Kumunot ang noo ni Arkin nag walang kahit na anumang bagay ang pamilyar sa kaniya.


Doon na sumagi sa kaniyang isipan ang huling nangyari. Hindi siya makapaniwalang pinagtangkaan ni Dagen ang kanilang mga buhay. Upang makaligtas, walang siyang ibang nagawa kundi ang pumasok na lamang sa lagusan. Naisama niya ang sugatang kaibigan. Ngunit, tiyak rin naman siyang manganganib rin ito kung iniwan niya ito sa kanilang mundo.


Muli niyang inilibot ang kaniyang paningin sa buong lugar. Kung gayon, ito na nga ang mundo ng mga tao.


Tiningnan ni Arkin ang kaniyang kasama. Nagsalubong ang kaniyang kilay nang makitang hindi pa rin tumitigil sa pagdurugo ang sugat nito. Marahil ay malalim nga ang tinamo ng lalaki. Mabilis niyang pinunit ang laylayan ng kaniyang suot na damit at ginamit ito upang takpan ang sugat ni Gilead. Bukod doon, napapansin niya ring hindi na ito huminga kung kaya't hindi na siya nagdalawang isip na gamitin ang kaniyang kapangyarihan upang bigyan ito ng hangin.


Ilang beses na ikumpas ni prinsipe Arkin ang kaniyang kamay ngunit walang nangyayari. Pawang hindi sumusunod sa kaniya ang hangin. Kahit na anong pilit niya sa kaniyang sarili walang lumalabas na maliliit na alimpuyo sa palad niya tanda ng kaniyang kapangyarihan kung kaya't nagsimula na siyang kabahan.


Hindi ito maaari. Bakit hindi niya kayang kontrolin ang hangin sa mundo ng mga tao? Nawala ba ang kaniyang kapangyarihan nang tumawid sila sa lagusan?


Hindi makapaniwala ang binata sa kaniyang naiisip sapagkat napaka-imposible n'yon. Kung kaya't muli niyang sinubukang utusan ang hangin ngunit kagaya ng kaniyang unang subok, hindi ito tumalab. Naubos na ang kaniyang lakas at pasensya ngunit hindi pa rin niya natutulungan si Gilead.


Wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumigaw at humingi ng tulong.


"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ng binata.


Ilang sandali pa lamang sumilip ang isang lalaki mula sa nakabukas na pintuan. Nabuhayan ng loob ang prinsipe nang mabilis itong tumakbo sa kanilang kinaroroonan upang tulungan sila.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now