Kabanata 29

396 72 30
                                    

HINARANG sina Gilead at Sam ng isang guwardiya ng hospital bago pa man sila makapasok sa loob. Isang sikat at pribadong hospital ang kanilang pinuntahan kaya't hindi na nagulat si Samuel kung mahigpit ang seguridad ng gusali. Gayunpaman, dahil naniniwala siyang matalino siya at may dignidad. Hindi siya nag-aksaya ng laway o lakas upang makipagtalo man lamang sa tatlong guwardiya--bagay na ipinagtataka ni Gilead.


Tahimik niyang sinundan si Samuel nang bumalik ito sa gilid ng daan na animo'y aalis na ngunit ang totoo'y nagtago lamang ito saglit upang makapag-isip ng paraan para makapasok sa loob nang hindi sinisita.


"Ang OA ng security ha!" maktol niya nang maupo sa isang kalapit na bench. "Hindi tayo makakapasok sa loob dahil wala naman tayong bibisitahing pasyente."


Naguguluhan man ngunit nanatiling nakatayo si Gilead habang tinatanaw ang malaking pintuan ng gusali na ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang kinaroroonan.


"Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi ngunit sa tingin ko ay hindi madaling makapasok sa loob," puna rin ng lalaki. "Kung may kapangyarihan pa sana ako, hindi sana tayo mahihirapan ng ganito."


Nagsalubong ang kilay ni Samuel sa narinig.


Hindi na bago sa kaniya ang mga minumutawi nito. Hindi na yata niya mabilang kung ilang beses nang binanggit ni Gilead sa kaniya ang kakayahan nitong maglaho, kausapin ang mga hayop at kontrolin ang kalikasan. Noong una ay natawa pa siya sa pag-aakalang nagbibiro lamang ito, ngunit habang tumatagal ay hindi na siya natutuwa. Minsan ay napagkakamalan na niya itong baliw.


"Ayan ka na naman sa mga sinasabi mo," kontra ni Sam. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mong kapangyarihan kaya imbes na magdrama diyan, sumunod ka na lang sa'kin."


Tumayo si Samuel mula sa kaniyang kinauupuan at naglakad paalis ng hospital.


"Sandali! Saan tayo magtutungo!" pigil sa kaniya ng kasama. "Hindi tayo maaaring umalis na lamang!"


Lumingon naman sa kaniya si Sam. Kapansin-pansin ang malawak nitong ngiti.


"Kung ayaw nila tayong papasukin sa front door! Aba, anong silbi ng back door kung hindi natin gagamitin?"


Lalong kumunot ang noo ng prinsipe. Wala siyang naintindihan sa mga sinasabi nito. Ilang linggo pa lamang siya sa mundo ng mga tao kung kaya't hindi pa niya gamay ang pananalita nito ngunit base sa mga ngiti ni Samuel, batid niyang nakaisip na ito ng magandang paraan.


Imbes na magtanong, tahimik niyang sinundan ang kaibigan nang lumiko ito sa isang makitid na daan sa gilid ng malaking gusali ng hospital.


Sumuot ang dalawa sa mga halamanan at nagtago sa likuran ng bawat maliliit na puno na animo'y mga taong hinahanap ng mga awtoridad. Tahimik ang kanilang mga lakad at tinatansiya ang mga galaw upang hindi makaagaw ng pansin hanggang sa marating nila ang isang maliit na pinto na may malaking karatola ng mga letra na hindi niya maintindihan ngunit kaiba sa naunang pinto na sa unahan ng gusali, walang tao sa bahaging ito at wala ring mga bantay kung kaya't malaya silang makakapasok sa loob.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now