Kabanata 22

413 50 2
                                    

MULING lumitaw si pinunong Elwin sa isang madilim na gubat. Hindi niya batid kung anong klase ng lugar ang kaniyang kinaroroonan ngunit ang mahalaga ay nakalayo na siya sa mga humahabol sa kaniya. Hinang-hinang napasandal ang matanda sa kalapit niyang malaking puno. Nagpalinga-linga siya sa lugar ngunit wala siyang ibang nakikita kundi ang tahimik at malamig na paligid ng kakaibang gubat.


Sinuri niya ang kaniyang sugat na natamo. Lumusot ang palaso sa kaniyang binti dahilan upang tuluy-tuloy ang agos ng dugo mula rito. Sinubukan niyang tumayo ngunit animo'y nawalan na ng lakas ang kaniyang buong katawan. Sumagi sa kaniyang isipan ang kaniyang mga kasama. Sina Koa, Mirano, Tirso--kailangan niyang balikan ang mga ito.


Batid niya ang maaaring kinahitnan ng kaniyang mga kasapi ngunit nais niya pa ring bumalik. Nais niyang gumawa ng paraan upang iligtas ang mga ito hanggang sa huli.


Gayunpman, anumang pilit ng matanda sa kaniyang sarili. Hindi na niya makayanan pa maski ang tumayo. Unti-unti na ring nanlalabo ang kaniyang paningin. Hindi niya mawari ngunit mabigat ang kaniyang pakiramdam sa gubat na kaniyang kinasasadlan. Batid niyang hindi lamang ito isang ordinaryong kagubatan.


Bago pa man siya mawalan ng ulirat, hinigpitan niya ang kapit sa kaniyang tungkod. Gamit ito, inutusan niya ang kaniyang kapangyarihan na maghanap ng isang nilalang na may sapat na kakayahan upang siya'y tulungan.


SA kabilang dako ng gubat ng Paruay, abala si Enoch sa pagsisiga ng kaniyang ginagawang apoy upang paiitin ang kaniyang sarili. Mahaba pa ang gabi kaya't kukulangin ang kaniyang panggatong. Ngunit, hindi na niya kailangan pang tumayo upang maghanap ng mga patay na sanga sa paligid sapagkat kusang lumalapit na ang mga kahoy sa kaniya. Animo'y nagkaroon itong buhay at naglalakad nang mag-isa.


Isa sa mga natutunan niya sa mula sa libro ng enkantasyon ay kung paano pagalawin ang mga bagay-bagay. Malaking tulong sa kaniya ang kaniyang kaalaman lalo na sa ganitong sitwasyon. Nakaupo lamang ang bata sa isang malaking ugat ng puno habang nakakandong pa rin sa kaniya ang maliit na kuneho.


Mistulang nawala sa isipan ni Enoch ang klase ng lugar na kaniyang kinaroroonan sapagkat labis na nawiwili ang bata sa kaniyang bagong kaibigan. Pagkatapos niya itong gamutin ay bigla na lamang itong nahimbing. Namamanhid na ang mga binti ni Enoch sapagkat mula nang ito'y magpahinga ay hindi siya gumagalaw sa takot na baka ito'y magising.


Nang mapansin niyang marami-rami na siyang mga sangang naipon, binawi niya ang kaniyang enkantasyon dahilan upang mapatigil sa paggalawang ang mga malilit na sanga at bumagsak na lamang ang mga ito sa lupa.


Walang ibang namayani sa buong lugar kundi ang mga langitngit ng mga nasusunog na dahon at kahoy.


Napakurap si Enoch nang biglang tumunog nang malakas ang kaniyang sikmura. Wala sa sariling nakapa ng bata ang kaniyang tiyan nang makaramdam siya ng gutom. Nang gumalaw siya, unti-unti na ring nagising ang maliit na nilalang na nasa kaniyang kandungan. Agad itong 

nagmulat at bumungad sa kaniya ang mapupula nitong mata. Pagkuwa'y napatingin pa ito sa paligid na parang sinusuri ang kaniyang kalagayan. Bigla tuloy nakonsensya ang bata. Kung hindi lamang siya naging malikot ay tiyak siyang natutulog pa ito ngayon.

The Wandering PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon