Kabanata 50

397 57 11
                                    

PAHINTO-HINTO si Wilma sa paglalakad at maya't mayang napapatingin sa kaniyang likuran na animo'y hindi mapalagay. Kumagat na ang dilim nang umalis siya sa kaharian ng mga Veercano. Batid na niya ngayon ang tunay na dahilan ng pagsugod ng mga ito kaya dapat silang lalong mag-ingat. Naroon ang mag-inang Gnowie at Enoch sa mundo ng mga tao kaya kahit papaano'y napapanatag ang kaniyang loob dahil ligtas ito sa lupain ng mga mortal. Ito man ang dahilan ng kaguluhan ngunit saka na niya pangangaralan ang dalawa sa susunod nilang pagkikita.


Tanging nasa isipan niya ngayon ay kung paano poprotektahan ang mga nalalabi pang mga mangkukulam.


Napahinto sa paglalakad ang matanda nang mahagip ng kaniyang mga mata ang gumagalaw na halaman sa gilid. Nasa gitna siya ng gubat ngunit walang patutunguhan ang kaniyang nilalandas sapagkat kanina niya pa nararamdamang may sumusunod sa kaniya. Hindi siya maaaring bumalik sa Erenor kung nasaan ang kaniyang mga kalahi, ayaw niyang mapahamak ang mga ito.


Nilingon at pinag-aralan niya ang paligid. Ang sinag ng buwan ay nagbibigay tanglaw sa kaniya upang aninagin ang lugar. Mahina lamang ang bugso ng hangin kaya hindi maaaring ito ang dahilan ng paggalaw ng mga dahon ng halaman.


Humigpit ang kaniyang hawak sa dala niyang tungkod. Sa lahat ng kaniyang mga pinagdaanan, wala na siyang nilalang pa na kinakatakutan. Sinuman ang sumusunod sa kaniya ngayon, haharapan niya ito ng walang pag-aalinlangan.


"Batid kung may nilalang sa paligid! Ibunyag mo ang iyong sarili!" utos niya.


Naghintay ng ilang sandali ang matanda ngunit walang sinuman ang lumabas mula sa kahit anong parte ng madilim na gubat na kinaroroonan niya ngayon. Hindi naniwala si Wilma sa kakaibang katahimikang bumabalot sa paligid kung kaya't itinaas niya ang kaniyang tungkod at nagpakawala ng liwanag upang tuluyang makita ang lugar. Unang lumantad sa kaniya ang mayayabong at malalapad na dahon ng mga halaman. Nang inilibot niya ang kaniyang tungkod sa gawing kanan, hindi na siya nagulat pa nang tumambad sa kaniya ang isang matipunong lalaking nakatayo sa gilid ng isang malaking puno. Lantad na lantad ang suot nitong puting baluti.


Nakangisi at nakahalukipkip si Prinsipe Dagen na ngayo'y nakatitig rin sa kaniya.


"Aviadeya, vidar!" bati sa kaniya nito.


Tumaas ang kilay ni Wilma. Hindi niya ibinaba ang kaniyang tungkod, sa halip, tinutok niya ito sa direksyon ng kaniyang kalaban.


"Anong kailangan mo?" tugon niya rito. "Hindi pa ba sapat ang inyong ginawa sa aking lahi? Winasak ng inyong brievamusa at mga kawal ang Erewhon!"


Nagkibit-balikat si Dagen. Hindi kakikitaan ng pagkakonsesya ang kaniyang mukha.


"Batid mo na ang dahilan kung bakit sinalakay ng aming kawal ang Erewhon at mukhang batid mo ring sinusundan kita kaya ba't paikot-ikot ka lamang rito sa gubat?"


"Hindi ko ipagkakanulo ang aking mga kasama."


Umayos ng tayo si Dagen at naglakad patungo sa matanda. Imbes na umatras, nanatili si Wilma sa kaniyang puwesto at hindi nagpatinag. Walang kapangyarihan ang mga Veercano, maliban sa kakayahan nitong pagalingin ang sarili kaya hindi siya kaya nitong saktan. Hindi niya ipapakita ang kaniyang kahinaan rito.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now