Kabanata 24

441 56 4
                                    

LABAG man sa kalooban ni Denali. Napilitan siyang sumama sa brievamusa ng kanilang kaharian na si Casari upang bisitahin ang palasyo ng Veercan sa dakong Kanluran. Inutusan siya ng kaniyang amang hari na samahan si Casari sapagkat may ilang handog na mga kahon-kahon ng mga ginto at ilang mga alahas ang ibibigay sa hari at prinsipe ng mga Veercano. Walang ganang magliwaliw ang prinsesa ngunit ayaw niyang magalita ng kaniyang ama kaya wala siyang mapamimilian.


Tulad ng isang prinsesa, sumakay sa isang malaki at marangyang karwahe si Denali. Nakasunod naman sa kaniya ang mga kabayo lulan ang mga kawal sa pamumuno ng brievamusa. Isa pang karwahe ang nakasunod sa kanila kung saan nakakarga ang mga kahon ng ginto. Hindi batid ni Denali kung ano ang layunin ng kaniyang ama sa ginagawa nito ngunit nakakatiyak siyang unti-unti na nitong kinukuha ang loob ng nasabing kaharian.


Isang digmaan ang nakaambang mangyar ngayon sa kanilang mundo. Sa labanan, malaki ang pag-asang manalo ng isang koponon kung mayroon itong kakampi. Gayunpaman, kung kakampi man lamang ang pag-uusap, hindi niya nakikitang magandang kasangga ang lahi ng mga Veercano. Kilala ito ng lahat sa pagiging tuso.


Hindi man mahusay sa pakikipaglaban si Casari ngunit bihasa naman siya sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan. Kung hahayaan lamang siya ng kaniyang ama ay nakakatiyak siyang maipagtatanggol naman niya ng mabuti ang kanilang lahi.


Ilang sandali lamang ang tinagal ng kanilang paglalakbay nang matanaw na ng dalaga ang malaking kaharian sa 'di kalayuan. Hindi ito ang kauna-unahang pagbisita niya sa lugar ngunit hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa itsura nito. Tulala lamang si Denali habang nakadungaw sa bintana ng kaniyang sinasakyang karwahe.


Maganda ang palasyo ng mga Veercano. Tulad ng kanilang sagisag na kulay ng puti, gawa sa tanyag na pilak ang buong kaharian. Nagniningning ito sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw. Ang kanilang bandilang kulay puti ay marahang winawagayway ng hangin sa pinakamataas na tore kung saan isang ulo ng ahas ang nakaukit sa gitna.


Napaayos ng upo si Denali nang sumulyap si Casari sa kaniyang gawi. Kaagad niyang isinara ang bintana ng kaniyang karwahe. Tiyak siyang magsusumbong ang brievamusa sa kaniyang ama kung may kapalpakan siyang gagawin sa kanilang pagbisita.


"Mahal na prinsesa, narito na tayo!" anunsyo ni Casari gayong batid niyang nakita na ng prinsesa ang kanilang kinaroroonan.


Mula sa loob ng karwahe, tumikhim si Denali. Animo'y walang nangyari nang muli niyang hinawi ang makapal na kurtina ng kaniyang binata upang silipin ang labas.


Ngumiti siya ng matamis nang bumungad sa kaniya ang walang emosyong mukha ni Casari.


"Narito na pala tayo," pagkukunwari niya.


"Siyang tunay, kamahalan. Kaya't kung maaari ay bumaba ka na sa inyong karwahe nang sa gayo'y maiharap na natin ang ating handog na mga regalo sa hari at prinsipe ng mga Veercano."


Tumango na lamang ang prinsesa. Sa kaniyang pagbaba, isang hagdan na may tatlong baitang ang inihanda ng mga mandala o aliping mga kasama niya upang hindi siya mahirapan. Isang kawal pa ang nag-alok ng balikat upang maging hawakan niya nang sa gayo'y hindi siya matumba.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now