Kabanata 39

380 60 23
                                    

SA dalampasigan ng Ilog ng Kausrel.


Nakakubli sa likuran ng malaking puno sina Pinunong Elwin, Gnowie at ang anak nitong si Enoch. Tahimik lamang ang tatlo habang minamanmanan ang bawat galaw ng mga kawal na nagbabantay sa dalampagisan. Maya't mayang sumisilip ang matanda upang siyasatin ang paligid habang si Gnowie nama'y nakayakap ang kaliwang braso sa anak at ang isang malaya niyang palad ay tinatakpan ang bibig ni Enoch upang hindi ito makagawa ng kahit na anumang ingay na maaring ikapahamak nila.


Sa bilang ng matanda, nasa sampung kawal ang nagbabantay sa dalampasigan. Ang lima'y nakaharap sa kanilang gawi na animo'y binabantayan ang ilog mula sa kung sinuman man ang maaaring lumapit roon habang ang lima nama'y nakaharap sa tubig na tila ba'y naghihintay ito ng mga nilalang na maaaring umahon mula roon.


Ang mga kawal ay nakasuot ng mabibigat na bakal at metal bilang baluti. Ang mga sandata ng mga ito ay kulay puti ang hawakan, maging ang suot na panloob na damit ng mga ito ay kulay puti rin. Sa paligid, makikita ang mga watawat ng kahariang Veercan. Nakabitay ito sa mga kawayan at nakatusok sa lupa na siyang marahan namang winawagayway ng malamig na hangin.


Nakakatiyak si Pinunong Elwin na kagagawan ito ni Haring Dorcas, ang hari ng mga Veercan. Marahil ay natatakot ito sa muling pagbabalik nina Prinsipe Arkin at Prinsipe Giled kung kaya't mahigpit nitong binabantayan ang lagusan.


"Ano ang iyong binabalak, pinuno?" bulong ng katabi.


Napadako ang atensyon ng matanda kay Gnowie at sa batang kasama nito. Napatingin si Elwin kay Enoch na tahimik naman siyang pinagmamasdan.


"Hindi ako sigurado kung makakalusot ako ngunit kailangan kong subukan," saad niya. "Kaya ko na ang aking sarili. Bumalik na lamang kayo sa Erewhon. Lubhang mapanganib ang lugar na ito para sa iyo at sa iyong anak."


Umiling ang babae. "Aalis lamang kami kapag nakatawid na kayo sa kabila."


"Ngunit--"


"Wala kayong dapat na ikabahala," dagdag ni Gnowie. "Kaya ko rin protektahan ang aking sarili at ang aking anak. Isa pa, hindi rin ako mapapanatag kung babalik ako sa aming bayan at iiwan kayo rito nang hindi nasisigurado ang iyong kaligtasan."


"Mashala-hasne, Gnowie. Ngunit, hindi ko maaaring ilagay ang inyong mga buhay sa kapahamakan. May naisip ka bang hakbang na dapat nating gawin upang maiwasan silang makasagupa?"


Tumango ang babae. Nilingon ni Gnowie ang buong dalampasigan. Naglakbay ang kaniyang mga mata sa paligid at animo'y binilang ang kawal na nagbabantay.


"Sampung mga kawal," sambit niya. "Bibigyan ko sila ng enkantasyon upang matuod sila sa kanilang kinatatayuan nang sa gayo'y malaya kayong makakalapit sa ilog. Ngunit, sandali lamang ang itatagal ng aking enkantasyon sapagkat limitado lamang ito sa bilang ng mga taong paggamitan ko."


Tumango ang matanda nang maintindihan niya ang ibig ipahiwatig ng kausap.


"Pipilitin kong makatawid sa lagusan sa loob ng maikling panahong iyon."


Sumang-ayon si Gnowie. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa lupa dahilan upang mapalayo si Enoch sa kaniya. Gumalaw naman ang matanda at hinawakan sa kamay ang bata habang sabay na pinanuod ng dalawa ang pag-angat ni Gnowie ng hawak niyang tungkod sa ere at sinambit ang naturang enkantasyon.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now