Kabanata 40

427 68 74
                                    

LUMUWAG ang pagkakahawak ni Victor sa kaniyang panulat nang maramdaman niyang biglang lumamig ang hangin sa loob ng silid kung nasaan siya ngayon. Sinipat niya ang bintana ngunit nakapinid ang lahat ng mga ito kung kaya't imposibeng makapasok ang malamig na hangin sa loob. Umiling na lamang ang matanda at ibinalik ang kaniyang atensyon sa dokumentong binabasa. Ilang sandali pa lamang napansin niyang marahang hinawi ng hangin ang mga kurtina na siyang labis na niyang pinagtataka.


Napatigil siya sa kaniyang ginagawa nang may maramdaman siyang kakaiba sa paligid. Bakante ang kaniyang opisina at tanging siya lamang ang narooon. Animo'y nag-iba ng simoy ng hangin, lumamig ito na para bang may kung anong isang hindi ordinaryong nilalang ang paparating.


Tuluyang binitawan ng matanda ang hawak niyang panulat at isinarahan ang lalagyan ng dokumento. Tinanggal niya rin ang suot niyang salamin sa mata saka napasandal sa upuan niya.


Huminga nang malalim si Victor. Sa palagay niya ay may panauhin siya.


Ilang sandali pa lamang, nakumpirma ang kaniyang mga hinala nang biglang lumitaw sa kaniyang harapan ang grupo ng mga kabataan. Kasabay ng kanilang pagdating ang malakas na simoy ng hangin dahilan upang magsiliparan ang mga dokumento sa kaniyang mesa at maging ang mga kurtina sa malaking bintana ay nawala rin sa ayos.


Napakurap si Victor nang mamukaan niya ang mga bagong dating. Nakita niya kung paano ngumiti sa kaniya si Sam mula sa likuran ng kumpulan ng grupo nang makita siya. Kumaway rin si Ciara sa kaniya habang nakasukbit ang mga braso nito sa nobyo nitong si Eujin. Si Harith na nakapamulsa sa suot nitong jacket ay tinanguan lamang siya. Sunod niyang nakita ang tatlong binatang nakasuot ng puting long sleeves na nakahanay sa gilid na animo'y mga tagabantay, kasama ng mga ito ang isang dalagang may maikling buhok.


Nahuli ng mga tingin ng matanda ang dalawang matatangkad na binatang nakatayo sa gitna ng kumpulan. Napatayo si Victor nang makilala niya ang mga ito. Ang prinsipe ng Avaerze at ang prinsipe ng Eubithia--paano ito napunta sa kanilang mundo?


"I've been calling you so many times. Why aren't you answering?"


Natauhan ang matanda nang marinig niya ang boses ng kaniyang apo. Dumako ang kaniyang mga mata sa papalapit na lalaki. Nakakunot ang noo ni Leiter habang tinitingnan siya. Lumapit ito sa kaniya at nagmano.


"Leiter, apo! Anong ginagawa niyo rito? Paanong---"


"Mahabang kwento, Mang Victor," saad ni Alira.


Lumapit rin ang dalaga sa kaniya at hinagkan siya sa pisngi.


Doon lamang din napagtanto ng matanda ang itsura ng dalaga. Halata sa mukha nito ang pagod. May napapansin rin siyang mga sugat sa gilid ng labi nito, ilang kalmot sa leeg at pasa sa mga braso na animo'y galing ito sa isang digmaan.


"Alira, hija! Ano ang nangyari sa iyo?" alalang tanong niya.


Ngumiti lamang ang dalaga bilang sagot ngunit hindi na ito nagpaliwanag. Nilingon naman ni Victor ang kaniyang apo upang sana'y ito na ang magkwento ngunit isang tapik sa lamang din sa balikat ang ibinigay nito sa kaniya.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now