Kabanata 10

445 58 9
                                    

WALANG emosyon ang mukha ni prinsipe Dagen nang maglakad siya papasok sa bulwagan ng kahariang Eubithia. Kita sa buong paligid ang karangyaan ng nasabing palasyo. Pinupuno ng mga asul na diamante ang mga matatayog na kisame habang gawa naman sa kulay dagat na marmol ang sahig. Nakasabit pa sa bawat haligi na kaniyang madadaanan ang bandila ng palasyo kung saan nakaburda sa gitna ang simbolo ng alon ng dagat.


Nakahanay sa gilid ang mga hindi mabilang na mga kawal suot ang kani-kanilang kalasag pandigma upang bigyan ng daan ang panauhing paparating.


Samantala, nakaupo si haring Malfas sa kaniyang trono nang natanaw niya ang papalapit na prinsipe kasama ang mga kawal at brievamusa nito. Kumunot ang kaniyang noo sapagkat hindi niya inasahan ang pagbisita nito.


Diretso lamang ang lakad ni Dagen papalapit sa trono ng hari. Hindi man lamang kakikitaan ng kaunting pagkabahala angkaniyang mukha.


Nasa gilid ng trono si Senir, ang brievamusa ng kahariang Eubithia kung kaya't siya unang sumalubong sa mga ito.


"Aviadeya prinsipe Dagen ng kahariang Veercan," pagbati ng brievamusa. "Ano ang inyong sadya sa aming kaharian?"


Yumuko si Dagen sa harapan ng hari ngunit imbes na sagutin ang tanong ni Senir. Tiningnan niya ng mabuti si haring Malfas. Batid niyang hindi ito maniniwala sa kaniyang sasabihin kung kaya't kailangan niya ng matibay na ebidensyang makapagpatunay sa kaniyang ihahayag.


"Aviadeya sa lahi ng mga Eubithian, lalo na't sa kataas-taasang hari nito na si haring Malfas, marahil ay nabigla kayo sa aming pagdating."


Tumikhim ang matandang hari. "Ano ang inyong sadya rito prinsipe Dagen? Hindi ba't dapat ay nasa Ilog ng Kausrel kayo ngayon kasama ang aking anak upang ihatid si prinsipe Arkin sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao?"


Umangat ang tingin ni Dagen. "Iyon nga aking ipinunta rito, mahal na hari."


Napaayos ng upo ang matanda. "Ano ang ibig mong sabihin?"


Bahagyang gumalaw si Dagen upang ipakita ang kaniyang sugatang likuran. Nanlaki ang mga mata ng matanda nang maaninag iyon. Kulay puti ang suot na gayak ni prinsipe Dagen kung kaya't litaw na litaw ang dugong kumapit sa damit nito mula sa naghilom na sugat na natamo.


"Ya Alhi! Ano ang nangyari sa inyo prinsipe Dagen? Mga mandala, magmadali kayo at gamutin ang prinsipe!"


Gumalaw ang mga mandalang nakatayo lamang sa magkabilang gilid ng trono ngunit kaagad rin itong napatigil sa paglapit nang itinaas ni Dagen ang kaniyang kaliwang kamay upang pigilan ang mga ito.


"Huwag na kayong mag-abala pa, mahal na hari. Isa akong Veercano, may kakayahan akong gamutin ang aking sarili. Isa pa, naghilom na rin ang aking sugat kaya't wala na kayong dapat pang alalahanin."


"Nakakatiyak ka bang maayos ka lamang, prinsipe? Sino ba ang mapangahas na nilalang ang may gawa nito sa iyo nang sa gayo'y maparusahan natin siya?"

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now