Kabanata 37

451 67 59
                                    

NAKAPILA sa isang hanay ang lahat ng mga taong nakasaksi ng buong pangyayari. Mula sa grupo ng security team na humabol kay Alira, mga staff ng building, mga reporters na naghihintay sa labas ng gusali na nadamay sa epekto ng kapangyarihan ni Arkin at mga karaniwang tao na napadaan lamang ngunit nasilayan ang sitwasyon.


Mahirap tipunin ang mga taong ito kung kaya't walang emosyon ngayon ang mukha ni Leiter habang nakamasid sa mahabang pila. Kasali doon si Senator Laorden na kaibigan niyang hiningan ng tulong at ang manager ng gusali na si Rowell na kamag-anak nito.


Isang kakaibang bagay ang nasaksihan ng lahat ngunit kapansin-pansin ang mga walang emosyong mukha ng mga ito habang nakapila. Tahimik lamang ang lahat at animo'y tulala sa ere. Wala reklamo, bulungan o usapan siyang naririnig mula sa mga ito. Hula niya ay ginamitan sila nito ng enkantasyon.


Sa unahan ng pila, naroon si Gilead na maya't mayang inilalapat ang dulo ng daliri sa noo ng bawat tao sa pila upang gumana ang kaniyang kapangyarihan. Katabi nito si Harith na nakahalukipkip habang hinihintay matapos ang ginawa ng lalaki. Naroon rin sa gilid si Eujin na hawak ang isang nakabukas na brief case kung saan bugkos-bugkos na pera ang makikita na siyang isa-isa namang kinukuha ni Harith upang ilagay sa mga bulsa at bag ng mga taong tapos nang tanggalan ni Gilead ng alaala.


Hindi na siya nagulat pa nang malaman niyang may kakayahan itong kontrolin ang tubig at gamit ito ay kaya niya ring hugasan ang isipan ng isang tao upang tanggalan ito ng mga alaala.


Kung mayroon mang nakakagulat sa mga nangyayari ngayon, iyon ay ang katotohanang nahulog si Alira mula sa pinakamatas na bahagi ng gusali. Kung hindi dahil kay Arkin na siyang nakakita at nagligtas sa dalaga ay malamang may masama nang nangyari sa babae.


Ngunit, hindi lamang ang mga taong ito ang dapat nilang pagtuunan ng pansin sapagkat kailangan rin nilang ibalik sa dating itsura ang buong paligid ng La Premia Tower na siyang nawasak gawa ng labis na kapangyarihan ni Arkin nang ito'y bumagsak sa lupa.


Kung kaya't puno ng tao ang labas ng gusali na aligagang inaayos ang bitak sa daan, mga ilaw at salamin na nabasag at iba pa. Si Ciara, ang kaniyang pinsan na ngayo'y hawak ang isang listahan sa kamay ay nagpamewang sa harapan ng mga mangagagawa na animo'y sinusuri nito ang mga dapat pang gawin.


Si Sam nama'y nakaupo sa isang bench upang isa-isang tawagan ang lahat ng may-ari ng nawasak na kotse sa parking lot.


Hatinggabi na at wala pa silang pahinga kung kaya't kita ni Leiter ang pagod sa mukha ng kaniyang mga kasama.


Malakas ang kapangyarihan ni Arkin kaya't malaki rin ang epekto nito. Naroon sila sa ikasampung palapag ng gusali noong makaramdam sila ng pagyanig ng lupa. Buong akala nila'y isang lindol lamang iyon ngunit nang marinig nila ang sigawan sa labas ay dumungaw silang lahat sa bintana upang tingnan ang nangyayari.


Doon na napagtanto ni Leiter na nagkita na sina Arkin at Alira.


Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang narito ang lalaking iyon sa kanilang mundo. Dalawang Catharian ang napadpad sa kanilang lugar at sigurado siyang hindi lamang ito naparito upang mamasyal. Kung totoo ang kaniyang narinig na ipinatapon ang dalawa rito sa kanilang mundo, mas lalong hindi sila dapat maki-alam sapagkat gulo lamang ang kanilang aabutin.

The Wandering PrinceWhere stories live. Discover now