Chapter 52

928 16 1
                                    

Mabilis na sinundan ng dalagang si Jewel si Monique ng umalis ito, alam niyang labis itong nasaktan sa mga binitawan na salita ng kaibigan, babae siya kaya alam niya ang pakiramdam pero naniniwala siyang mahal pa rin ito ni Cain.

Nang marating niya ang kwarto ng dalaga ay mabilis siyang kumatok. "Nique papasok ako ha," agad niyang pinihit ang pinto at nakita niyang nakatalukbong ito ng kumot pero mahahalata mong umiiyak ito sa pamamagitan ng pag galaw ng mga balikat nito.

Umupo siya sa gilid ng kama nito. "Hindi na kita tatanungin if you are okay kasi alam kung hindi naman, I want also to apologized dahil kung hindi kita pinilit na sumama ay hindi sana kayo nagkasagutan ni Cain," hinging paumanhin ni Jewel

Umupo naman ito at humarap sa kanya. "It's not your fault Jew, ginusto ko din naman ang sumama ayaw ko naman tanggihan 'yong pag aaya niyo ng dahil lang hindi kami okay ni Cain," ngumiti siya ng pilit

"Huwag mo na lang isipin ang sinabi ni Cain, alam mo naman 'yon. Sadyang ganun talaga 'yon magsalita pag galit."

"I know, it's just I feel ashamed. Okay lang naman sa akin kung gano'n ang tingin niya at kung ano pa ang sasabihin niya sa akin hindi ko lang na expect na gaganuhin niya ako sa maraming tao. Alam kung malaki ang kasalanan ko sa inyo ni Thunder at alam ko din na galit sa akin si Cain dahil sa nagawa ko sa inyo at dahil akala niya ay ginamit ko lang siya. Lalo pa 'yong nangyari kay Storm alam kung iniisip niya na may kinalaman ako doon pero I swear wala akong alam sa ginawa ni Marga," anas niya ay nagsimula na namang tumulo ang kanyang mga luha

Agad naman na hinawakan ni Jewel ang kanyang kamay. "We know na wala kang alam sa nangyari sa anak namin at nagpapasalamat kami sayo dahil sa tulong na ginawa mo, kung hindi dahil sayo ay baka hindi namin agad nakita si Storm. Alam kung malalampasan niyo rin 'yan ni Cain," pagpapagaan ng loob ng dalaga

Mas lalo siyang humagulgol. "I-i don't think so, kagaya nga ng sinabi niya kanina na hindi niya na ako m-mahal. Kitang kita ko sa kanyang mga mata na totoo ang sinasabi niya Jew. Mahirap ipanalo ang isang laro kung ang taong ipinaglalaban mo ay pilit kang pinapatalo. Alam kung maling mali ang nagawa ko, pero hindi ko siya ginamit. M-mahal na mahal ko si C-cain pero ang sakit lang kasing isipin na kung tratuhin niya ako ay parang ibang tao ako na parang wala kaming pinagsamahan. It hurts like hell na ang taong mahal mo ay halos isumpa kana, na halos palaging sinasampal sayo na nagkamali siyang nakilala at minahal ka."

Niyakap naman ito ng Jewel, ramdam niya ang sakit sa bawat salitang binibitawan ni Monique. Alam noya kung gaano kasakit na masabihan harap harap na hindi kana mahal dahil naranasan niya rin ito kay Thunder noon.

"Hush now, don't think that way. Magiging maayos din ang lahat, galit lang si Cain ngayon pero huhupa din 'yon. Magpahinga kana," aniya at tumayo na.

"Thank you Jew," sagot nito.

Tumango lang naman si Jewel bilang tugon at naglakad na palabas ng kwarto. Nakasalubong niya pa sina Dark at Calleigh. "Nasaan si Thunder?" tanong nito

"Pumasok na siya, baka nasa kwarto niyo na," sagot naman ni Dark.

"Eh si Cain?"

"Nasa labas pa siya best, kasama si Sophia baka siya na ang maghatid dun sa suite nila." wika ni Calleigh

"Sige." maiksing sagot nito at dumiretso na sa kanilang kwarto.

"Ang tagal mo." pagsusungit ng asawa nito 

"Kinausap ko pa kasi si Monique eh," sabi nito at humarap sa salamin para magsuklay

Tumayo naman si Thunder at niyakap ang kanyang asawa. "B-bakit?

"Wala, masama bang yakapin ang asawa ko? Namiss kita eh," paglalambing nito

"Magkasama nga tayo buong araw, ikaw talaga." aniya at humarap para yakapin din ito.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon