Chapter 57

866 13 2
                                    

Dalawang araw na ang nakalilipas ng makauwi sila galing sa kanilang bakasyon, pero hindi pa rin sila nagkakaayos na mag asswa. Ilang beses tinangka ni Jewel na kausapin si Thunder ngunit hindi siya nito pinapansin.

Madalas na din itong gabi kung umuwi dahil sa dami ng ginagawa nito sa opisina at kapag nasa bahay naman nila ay parang hangin lang siya sa binata, pasalamat na lang si Jewel dahil wala dito si Storm hanggang ngayon dahil isinama ng kanilang mga magulang sa bakasyon para na rin makalimutan ang nangyari sa bata.

Kagaya ngayon ay nakaupo lang ang dalaga habang hilot hilot ang kanya sentido, hindi niya na alam ang gagawin kung papaano kausapin ang asawa dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit naging gano'n ito sa kanya.

Habang nag iisip siya ay biglang sumagi sa isip niya ang nangyari bago sila umalis sa resort.

Flashback.....

Nagising si Jewel na wala sa tabi niya ang kanyang asawa, hindi niya alam kung bumalik ba ito noong lumabas o hindi dahil nakatulog siya sa kakaiyak. Nahagip ng mga mata niya ang kanilang gamit na nakaready na, marahin ay inayos na ito ng binata.

Mabilis siyang bumangon at dumiretso sa banyo para maligo at magbihis, halos 30 minutes din ang nilaan niya bago tuluyang lumabas.

Paglabas niya ay nakita niya ang kanyang asawa na nakaupo sa kama, agad siyang lumapit dito at akmang kakausapin ng bigla itong tumayo. "Kung tapos kana, tara na at kanina pa naghihintay sila Dark," sambit nito sabay bitbit ng kanilang gamit at dumiretso na palabas ng hindi man lang siya hinihintay.

Bumuntong hininga na lang si Jewel at kinuna ang kanyan maliit na bag at agad na sumunod dito.

Nakatingin lang siya sa binata habang nilalagay nito ang kanilang mga gamit sa sasakyan, maya maya pa ay namataan niya na papalapit sa kanilang pwesto sina Dark, Calli at Cain ngunit kumunot ang noon niya ng mapansin na wala si Monique.

"Nasaan si Monique?" tanong nito

"Nauna siyang umuwi Jew may emergency daw, hindi lang namin alam kung anong oras basta tumawag siya kanina," sagot ni Calli

Tumango naman si Jewel kahit sa isip isip niya ay hindi siya naniniwala na may emergency si Monique, alam niyang may kaugnayan ito sa kung ano man ang nangyari sa kanila ni Cain kagabi bago niya pa ito nakasalubong.

"Since maaga pa naman at malayo layo din ang byahe natin kaya kumain na muna tayo," suhestiyon ni Dark na sinang ayunan naman nilang lahat.

Sabay sabay silang naghanap ng makakainan at ng makakita sila ay umorder agad sila ng makakain. Mabilis lang na dumating ang kanilang inorder kaya kumain na sila para makaalis na rin pagkatapos.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng biglang magsalita si Calli. "Okay lang ba kayong dalawa?" tanong nito habang palipat lipat ang tingin sa mag asawa.

"O-oo naman, bakit?" sagot ni Jewel dahil mukhang walang plano sumagot si Thunder at tuloy tuloy lang ang pagkain nito na hindi man lang binigyan pansin ang tanong ni Calli

Napatigil naman sa pagkain sina Dark at Cain at napatingin din sa dalawa na animo'y naghihintay ng sagot.

"Kanina ko pa kasi napapansin na hindi kayo nagkikibuan eh. May nangyari ba?" pangungulit nito

"Kumain kana nga lang diyan, hindi kung ano ano ang napapansin mo," pinandilatan siya ng mata ni Jewel at agad niya namang nakuha kung anong ibig sabihin ng dalaga.

Pagkatapos nilang kumain ay agad silang bumyahe pauwi. Marami pa silang nadadaanan at paminsan minsan ay huminto din sila.

Sinusubukan niyang kausapin si Thunder ngunit mukhang galit talaga ito sa kanya kaya hindi na siya nag pumilit pa. Hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay ay walang imikan na naganap sa kanila.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon