Chapter 63

857 12 1
                                    

Ilang minuto na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ang dalawang dalaga at wala silang ka alam alam sa nangyari kay Monique.

"Halikana Marga, kailangan na natin makalabas dito bago pa tuluyang mahulog ang sasakyan sa bangin." anas ni Jewel

Umiling lang ang dalaga. "I can't ate," Marga answered.

"W-what do you mean? Kailangan nating makaalis dito." pamimilit niya

"Mauna kanang lumabas, susunod ako."

"No, hindi kita iiwan dito sabay tayong lalabas sa kotse." pamimilit ni Jewel

"Masasayang lang ang oras kapag pinilit mo pang hintayin ako ate. Kailangan ka pa ng pamilya mo lalo na ni Kuya Thunder at Storm."

Tiningnan ni Jewel ang kalagayan ng dalaga at halos manlumo siya sa nakita, kaya pala kanina niya pa napapansin na hindi masyadong gumagalaw si Marga ay dahil naipit ang paa nito.

"Marg," tawag niya sa dalaga

"I-im s-sorry ate for what I have done to you and for ruining your family, alam ko na kung buhay pa si kuya ay ikakahiya niya ang ginawa ko sayo. Please ate do me a favor, lumabas kana sa kotse bago pa tuluyang mamatay tayong dalawa. I can sacrifice my life to save you just like what my brother did." mahabang litanya ng dalaga

Ilang beses na umiling si Jewel habang tumutulo ang kanyang luha. "Matagal na kitang pinatawad, alam kung kinain ka lang ng galit mo. Kaya natin to Marg, pareho tayong makakaalis at makakaligtas." positibong saad nito

Biglang unti unting gumalaw ang sasakyan na animo'y konting kibot na lang ay mahuhulog na ito ng tuluyan.

"Go ate, go out now!" sigaw ni Marga habang tinutulak si Jewel

"Hintayin mo ako ha, huwag kang masyadong magalaw. Hihingi ako ng tulong para makalabas ka. Tandaan mo mahal ka ni ate." huling sinabi ni Jewel at dahan dahang gumapang papalabas para hindi gaanong magalaw ang kotse.

Nang akala ni Jewel ay nakalabas na siya ng tuluyan ay bigla naman siyang napatid kaya nahulog siya mabuti na lang at nakakapit siya sa isang kahoy, ngunit alam niyang pag tumagal pa siya ay hindi niya na din kakayanin ang pagkapit dahil mababali na din ito at malalaglag siya.

Halos maiyak na siya dahil hindi niya na alam ang gagawin, kailangan niyang makahingi ng tulong at mabalikan si Margaux pero paano niya magagawa 'yon kung pati siya ay nanganganib ang buhay.

'Thunder, nasaan kana ba?' mahinang sambit niya

Halos nawawalan na rin siya ng lakas gawa ng pagkakapit niya sa sanga. Maya maya pa ay makarinig siya ng ingay na nanggagaling sa sasakyan kung saan siya lumabas, halos mapasigaw siya dahil kitang kita ng dalawang mata niya ang unti unting pagkakahulog nito sa bangin.

"Margaaaaaaaaaa!" sigaw niya habang umiiyak

Maya maya pa ay nakarinig siya na parang may mga sasakyan na dumating kaya kahit na hirap na hirap na siya ay nagawa niya pa ring sumigaw.

Cain POV

Habang nagdadrive ako para hanapin kung nasaan sila Jewel ay may napansin akong parang may nagbanggaan, kaya mas binilisan ko pa ang pagmamaneho.

Nakarating kami malapit sa isang bangin kung saan may isang sasakyan na nabangga sa isang malaking puno, mas lalo pa akong kinabahan ng makilala ko ang kotse na 'yon.

"Monique," mahinang bulong ko

Mabilis akong bumaba ng kotse at lumapit sa sasakyan ni Monique, nakita ko itong walang malay kaya mabilis kung binuksan ang pinto ng sasakyan niya at binuhat siya.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon