Chapter 78

576 6 0
                                    

Jewel POV

Kakarating lang namin sa bahay, tinulungan ko na ang asawa ko na dalhin ang mga pinamili ko para hindi na siya mahirapan pa. Sabay na kaming pumasok sa loob na dalawa. Inilapag ko muna ang mga bags sa sala namin dahil nakaramdam ako ng pagod gawa ng kakaikot kanina sa mall.

Mayamaya pa ay lumapit sa akin ang asawa ko at inilahad ang kanyang kamay na ikinataka ko. "Why?" tanong ko sa kanya at tumayo habang inaabot sa kanya ang kamay ko.

"Basta." yan lang ang sagot niya at saka tinakpan ang mga mata ko.

"Hoy Thunder ano na naman ito?" anas ko at tumawa lang siya.

Inalalayan niya ako na maglakad kung saan na hindi ko alam. "Dahan dahan lang ha." wika niya.

"Kapag ako nadapa malalagot ka talaga sa akin."

"Easy hon, hindi ko naman hahayaan na mangyari 'yon." sagot niya naman.

Hinayaan ko na lang siya sa kung ano man ang plano niya at sinundan ko na lang ang bawat sinasabi niya. Mayamaya pa ay huminto na kami, wala pa din akong alam kung nasaan na kami ng parte ng bahay dahil wala pa din akong makita.

Pagkatapos ng ilang segundo ay unti unti na niyang tinatanggal ang kanyang mga kamay na nakatakip sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay hindi ko mapigilan ang hindi mapasinghap sa tumambad sa akin.

Nilingo ko siya na nakangiti lang sa akin. "H-how?" bulalas ko.

"Habang nasa mall ka ay pinahanda ko na ito, napag isip isip ko kasi na dito na lang gawin sa bahay para hindi na hassle dahil galing ka din naman na ng mall. You like it?" anas niya.

"I love it!" pasigaw na sagot ko.

"So shall we have our dinner?" saad niya at inabot muna sa akin ang kanyang hawak hawak na rosas.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko at mabilis ko siyang niyakap at do'n na ako napaiyak. Alam kung madalas kaming lumalabas ni Thunder na kaming dalawa lang pero ngayon lang kasi ang unang beses na ganito ang ginawa niya.

"Hey what's wrong? Did I make you cry?" tanong niya ng kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

Mabilis naman akong umiling. "Masaya lang talaga ako." nakangiting sagot ko.

Iginaya niya naman ako sa upuan at pinaupo. May pagkain na din na nakahanda sa mesa na mukhang pinaghandaan talaga.

Nagsimula na kaming kumain, mukhang inoder ang mga pagkain na nakahain. Halos lahat ng paborito ko ay nandito. Hindi ko lang alam kung sino ang tumulong o kinontact ni Thunder para sa ganitong bagay gayo'ng nasa opisina naman siya.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo siya ay lumapit sa akin. "Can I have this dance to my beautiful wife?" wika niya.

Inilahad ko naman ang kamay ko at tumayo na. At dahil napakaromantic ng music ay nasasabayan namin ito ng pagsayaw.

"Thank you for this night don." mahinang turan ko habang nagsasayaw kaming dalawa.

"You don't need to say thank you, basta para sa'yo." sagot niya naman.

Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin. Hindi ko lubos maisip na ang dating magulo naming pagsasama na puro sakitan lang ay hahantong sa ganito kasayang pamilya.

Nagulat ako ng hinawakan niya ang mukha ko. "I love you Jewel, always remember that. No matter what happen ikaw at ikaw lang ang babaeng mahal ko at gusto kung makasama hanggang sa pagtanda. Kahit na nagkamali ako noon ay binigyan mo ako ng pagkakataon na makabawi at hindi ko 'yon sasayangin." seryosong turan niya.

"Alam ko naman 'yon. At lagi mo din tatandaan na nandito lang kami ng anak mo nakasuporta sa'yo. At tungkol sa nangyari noon ay nakaraan na 'yon at tapos na, ang mahalaga ay 'yong ngayon." ani ko.

Matapos kung sabihin 'yon ay niyakap niya ako ng mahigpit at gano'n din ang ginawa ko. Sana ganito na lang kami palagi 'yong walang problema.

Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw at ng mapagod kami ay bumalik kami sa pagkakaupo at nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa buhay namin noon at hanggang ngayon.

Jhazzy POV

Kakauwi lang namin ng anak ko sa condo na tinitirhan namin, nakakainis talaga 'yong kaibigan ni Thunder. Halatang ayaw niya sa akin dahil sa mga sinasabi niya kanina. Kung hindi lang siya kaibigan ni Thunder ay hindi ako magpipigil na sagutin siya.

Pero kailangan kung magtiis, mukha kasing naghihinala pa din siya sa akin at kailangan kung makuha ang loob niya. Kailangan ko din maging kaibigan ang kaibigan ni Thunder.

At ngayong magkaibigan na kami ni Jewel tingnan ko lang kung ano ang magiging reaksyon ni Thunder kapag nalaman niya ang bagay na 'yon.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga kasama sa plano ko ang agawin ang posisyon ni Jewel sa buhay ni Thunder, pero nagbago ang isip ko dahil mukhang maganda ang buhay ng isang Mrs. Alcantara.

I can't wait to see Jewel crying in pain. Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Thunder oras na malaman ng asawa niya ang totoo. Let's see how will they handle kapag unti-unting nasira ang pamilya nila.

'Mommy are you okay?" tanong sa akin ng anak ko.

"Yes baby, may iniisip lang si mommy. Gusto mo pa bang kumain?"

Umiling naman ito. "I'm still full mommy."

"Wala na bang masakit sa'yo?" tanong ko dito.

"Wala na po, I'll go to my room first to take a bath mom."

"Sure." ani ko.

Hindi ko ginusto na idamay ang anak ko sa plano ko pero ito lang ang alam kung paraan para mas mapadali ang plano ko, bago pa kami makita ng kanyang ama dahil alam kung hindi din magtatagal ay mahahanap niya kami.

"I'm sorry baby kung inilayo kita sa ama mo." - bulong ko sa aking isip.

Inilagay ko lang sa kusina ang ibang pinamili ko kanina sa mall, nag grocery din kasi ako dahil paubos na ang stock ng pagkain namin. Pagkataspo kung ayusin ang lahat ay pinuntahan ko na sa kwarto niya ang anak ko para tingnan kung tapos na siyang maligo.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang anak ko na nakaupo sa kanyang kama, mukhang tapos na ito dahil nakabihis na siya ng pantulog.

"Are you sure na hindi na masakit ang tummy mo?" pagtatanong ko ulit.

"Yes mommy, hindi na masakit."

"Okay, you go to sleep na." ani ko at saka siya kinumutan.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon