Chapter 86

704 11 0
                                    

Thunder POV

Nandito ako ngayon sa harap ng mga magulang ni Jewel, after a week na hindi pa din bumabalik ang asawa ko at hindi ko pa rin siya nahahanap ay pinaalam ko na sa kanila. Gusto ko kasi na iwan muna si Storm sa kanila dahil hahanapin ko ni Kewel.

"Isang linggo na pala na nawawala ang anak ko at ngayon mo lang sinabi?" galit na wika ni Papa, ama ni Jewel.

"Akala ko kasi Pa na babalik siya pero pinapahanap ko na din siya at ngayon kaya nandito ako para makiusap kung pwede na kayo na muna bahala sa anak namin dahil ako na ang maghahanap sa asawa ko." ani ko.

"Be sure na maibalik mo ang anak ko Thunder kung hindi ay hindi mo na sila makakasama pa kahit ang anak mo kapag hindi nakita ang anak ko." anas ni Papa.

Mabilis naman na hinagod ni Mama ang likod ng kanyang asawa ." Calm down honey, narinig mo naman ang sinabi ni Thunder na hahanpin niya ang anak natin, hindi niya naman hahayaan na magulo na naman ang pamilya niya. Natural lang sa mag asawa ang mayroong hindi pagkakaunawaan."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bumaling siya sa akin. "Huwag kang mag alala iho at kami na muna ang bahala sa anak niyo, hanapin mo na ang asawa mo at pag usapan niyong mabuti kung ano man ang problema na meron kayo."

Tumango naman ako. "Salamat po Ma, pangako hahanapin ko si Jewel at ibabalik siya dito sa atin."

Hindi na din ako nagtagal pa o'n at nagpaalam na ako, pupunta pa kasi ako sa opisina dahil may mga kailangan pa akong tapusin para kahit na mawala man ako ng ilang araw ay walang maiiwan na tranaho sa kompanya.

Hindi ko alam kung saan nagpunta ang asawa ko dahil kahit sila ni Calliyah ay wala ding alam, hili niya na lang nalaman ng nagtanong ako sa kanya. At alam ko ay hindi din sila okay ngayon ni Dark dahil nalaman din nito na alam din pala ni Dark ang tungkol kay Jhazzy. Pero isa lang ang nasisiguro ko 'yon ay hindi ito pumunta ng ibang bansa dahil wala naman siyang record sa airport.

Pagpasok ko sa opisina ko ay naabutan ko si Cain at Monique na nando'n. Ano kaya ang ginagawa ng magkasintahan na ito dito?

"Bakit nandito kayo?" tanong ko.

"We miss ypu pare." saad naman ni Cain.

"Ulol! Tigilan mo ako Cain, hindi bagay sa'yo."

"We heard what happen Thun, kamusta kana? Alam mo na ba kung nasaan si Jewel?" tanong naman ni Monique.

Umiling lang ako. "Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag sinabi ko na okay ako kahit ang totoo ay hindi naman. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan ang asawa ko." pag amin ko.

"Ang galing din magtago ni Jewel noh?" anas naman ni Cain.

"Dapat talaga sisihin diyan ang babae na 'yon eh! Ang kapal ng mukha niyang ipaako sa kaibigan mo ang anak niya." inis na wika ni Monique.

"Ganyan talaga basta mga gwapo at mayaman babe, kaya huwag kana din magtaka kung isang araw may nagpanggap din na anak ko." sabat naman ni Cain.

Inirapan naman siya ni Monique. "Ano na pala ang balita do'n sa Jhazzy?" tanong nito sa akin.

"Si Dane na ang bahala sa kanya, afterall siya naman ang tunay na ama ng anak no'n. Hinayaan ko na lang na siya ang mag ayos dahil pinsan ko siya kasi kung ibang tao lang 'yon ay hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ang babaeng 'yon." galit na turan ko.

Hinayaan ko na lang silang dalawa na mag usap at dumiretso na ako sa table ko para tapusin ang mga gawain ko, mayamaya pa ay narinig ko na naman ang boses ni Monique.

"Thun we will order our food, may gusto ka pa bang idagdag sa bibilhin?" tanong nito sa akin.

"Nothing, kayo na ang bahala." sagot ko naman.

Sa kabilang dako naman ay nagmamakaawa si Jhazzy sa ama ng kanyang anak, dahil plano nitong kunin sa kanya dahil sa ginawa niyang kagaguhan.

Jhazzy POV

"Please Dane, nakikiusap ako sayo huwag mong gawin 'to sa akin." umiiyak na pakiusap ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Sa tingin mo ba gano'n lang kadali 'yon ha? Sinira mo ang pamilya ng pinsan ko, hindi kana nahiya?" galit na singhal niya sa akin.

"Binigay ko lang lahat sa'yo pero hindi ko akalain na hahanong ka pa sa ganito at pinsan ko pa ang dinamay mo sa kabaliwan mo!" dagdag pa nito.

"Parang awa mo na, bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon at magbabago na ako. Hihingi din ako ng tawad sa kanila Jewel." ani ko.

"Ilang pagkakataon na ang ibinigay ko sa'yo Jhaz! Pasalamat ka lang at dahil sa akin ay malaya ka dahil kung hindi ay tiyak na ipapakulong ka ni Thunder." kita ko sa mukha niya ang labis na gigil, kasalanan ko ang lahat ng ito.

Huminga pa ito ng malalim, kilala ko si Dane mahaba ang pasensiya nito pero kapag galit naman ay nag iiba.

"Mas mabuti pang humingi ka ng tawad sa kanila Jewel kapag nakabalik na ito, dahil ikaw ang may kasalanan kaya harapin mo sila. Naging mabuti sa'yo ang tao ng hindi niya alam na ikaw ang magiging lamat sa samahan nila ng pinsan ko. At pagkatapos ay sumama ka sa akin sa Canada kung gusto mong makasama ang anak mo." ani niya sa akin.

"Oo Dane, sasama ako sa'yo pabalik at hindi ko na uulitin ang ginawa ko." pangako ko sa kanya.

Tumalikod naman siya pagkasabi ko no'n kaya napasalampak na lang ako sa sahig, mahal ko si Dane at alam kung mahal niya din ako. Sadyang hindi ko lang alam kung bakit pumasok sa isip ko ang bagay na guluhin si Thunder. I know may nangyari sa amin noon no'ng hindi pa kami magkakilala ni Dane, isa ako sa naging fling ni Thunder at inamin ko na minahal ko siya kahit na alam kung pampalipas oras lang ako sa kanya. Hindi ko alam na magpinsan pala silang dalawa.

Alam ko na kahit pumayag si Dane na sumama ako sa kanya pabalik ng Canada at mahihirapan akong kunin ulit ang loob at tiwala niya dahil nasira ko ito, pero gagawin ko ang lahat para maibalik lang ito at maitama ang mga maling nagawa ko. Hindi dapat ako nanira ng pamilya kung mayroon naman din ako.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon