Chapter 87

716 11 1
                                    

Margaux POV

Nandito lang ako nakatayo sa gilid veranda kung nasan nakaupo si ate Jewel, kita ko sa kanyang mukha ang lungkot at pangungulila. Madalas ay ganito lang siya araw araw nakatulala o di kaya ay nasa kwarto lang. Hindi ko makita ang masiyahing babae na kilala ko.

Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko kahit ang sabi ko noon ay ayaw kung pangunahan si ate sa magiging desisyon niya, pero sa nakikita ko ay mukhang kailangan niya sa kanyang tabi si Kuya Thunder.

Noong isang araw ko pa kinuha ang numero nito sa phone ni Ate Jewel no'ng hiniram ko ito sinabi kung makikitext ako dahil nawalan ako ng load pero ang totoo no'n ay kinuha ko lang talaga ang kanyang number para madali ko siyang makausap. Alam kung magugulat 'yon kapag nalaman niya na buhay pa ako pero hindi 'yon ang mahalaga sa ngayon kung hindi si ate.

Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko, tatawagan ko si Kuya Thunder para ipaalam sa kanya kung nasaan si Ate, kailangan na nilang makapag usap at ng sa gayon ay magkaayos na sila. Ilang beses ko pang tinitigan ang phone ko bago pindutin ang call at mabilis naman itong sinagot ng nasa kabilang linya.

"Who are you?"

"Ahm, kuya Thunder." nahihiyang turan ko.

"Sino ka? At bakit ka tumatawag?"

"This is Magaux." pagpapakilala ko.

Saglit na tumigil ang sa kabilang linya. "Don't fool me, matagal ng patay si Margaux!" singhal nito sa akin.

"Alam kung mahirap paniwalaan kuya pero buhay talaga ako at alam ko kung nasaan si Ate Jewel." ditreso saad ko.

"Nasaan ka?"

"Magkita na lang po tayo sa Sm Baguio at dadalhin kita kung nasaan siya."

"Siguraduhin mo lang n ahindi mo ako niloloko dahil ipapahanap at ipapakulong talaga kita kapag hindi ko nakita ang asawa ko." banta nito sa akin at ibinaba na ang tawag.

Kahit kailan talaga nakakatakot at asawa ni Ate Jewel, mabuti na lang at natatagalan niya ito. Sabagay mahal nila ang isa't isa. Hindi ko alam kung tama ba nag ginawa ko pero ito lang ang tanging naisip ko para hindi na malungkot at umiyak si Ate.

Tumayo na ako para magpalit ng damit dahil tapos naman na akong maligo kanina, ayaw ko naman na paghintayin si Kuya ng matagal dahil sigurado ako na papunta na 'yon ngayon dito. Kaya kailangan ko ng makaalis.

Habang nagsusuklay ako ay biglang pumasok si Ate Jewel.

"Aalis ka?" tanong nito sa akin.

"Oo ate, may pupuntahan lang ako sa nakilala pero babalik din ako agad." sagot ko naman.

"Gano'n ba? Mag-iingat ka at huwag kang magpapagabi alam mo naman ang panahon ngayon maraming masasamang tao." bilin niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi naman ako magtatagal ate at uuwi din ako agad." sambit ko.

Thunder POV

Kakababa ko lang ng phone ko matapos makatanggap ng tawag mula kay Marga, hindi ko sukat akalain na buhay pa ito at sinabi pa na alam niya kung nasaan ang asawa ko, sana lang ay totoo na alam niya dahil kapag hindi ay matutuluyan talaga siyang mamatay sa akin.

Wala na akong sinayang na oras pa at umalis na sa opisina, sinabihan ko na lang ang sekretarya ko na may importante akong pupuntahan at ayaw ko ng istorbo.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho sa kung saan na lugar ang sinabi niya sa akin, hindi ko alam kung paanong nalaman niya kung nasaan si Jewel pero hindi na 'yon importante basta ang mahalaga ay makikita ko na ang asawa ko.

Habang nagmamaneho ako kay biglang nag ring ang phone ko at nakita kung tumatawag si Cain kaya agad ko itong sinagot.

"Bakit?" tanong ko.

"Nagyaya mag bar si Dark, hindi ka daw niya ma contact kanina."

"Hindi ako pwede ngayon, kailangan kung puntahan si Jewel." ani ko naman.

"W-what? Alam mo na kung nasaan siya?"

"Yes at papunta na ako do'n ngayon." sagot ko naman.

"Well, goodluck bro. Sana lang ay hindi ka mahirapan manuyo ng asawa." natatawang saad niya.

Agad ko naman pinatay ang tawag at nag focus na sa pagmamaneho, mukhang hindi pa nagkakabati si Dark at Calliyah.

Halos ilang oras din ang naging byahe ko at hindi 'yon biro dahil nakakapagod at masakit sa katawan pero wala ito kung ang kapalit naman ay makita ko ang asawa ko.

Pagkarating ko sa SM Baguio ay hinanap ko agad ang cafe na sinabi sa akin ni Marga, ang alam ko ay nandito na siya dahil nagmessage 'yon sa akin.

Nang makita ko ang sinasabi niya ay mabilis akong pumasok do'n, hindi naman ako nahirapan na hanapin siya dahil tanda ko naman ang mukha niya. Naglakad ako palapit sa kanya habang siya ay nakangiting nakatingin sa akin, ng makalapit ako sa kanya ay napansin ko na naka wheelchair sita.

"Hi Kuya Thunder, mabuti naman at nakarating ka." bati nito sa akin.

"What happen to you?" tanong ko dito.

"Ah ito ba? Dahil 'to sa aksidente na nangyari noon sa amin ni Ate Jewel, naipit kasi ang paa ko sa kotse kaya ayon, mabuti na lang at nakaligtas pa ako." paliwanag niya.

Umupo na ako sa bakanteng upuan na harap niya. Umorder muna kami ng pagkain dahil nakaramdam na din ako ng gutom.

"Siguro nagtataka ka kung bakit alam ko kung nasaan si Ate." panimula niya.

"Yeah, hindi ko lubos maisip na ikaw ang makakapagsabi sa aking kung nasaan siya." saad ko.

"Ang kumupkop kasi sa akin ay nakita si Ate Jewel na naghahanap ng marerentahan kaya inalok niya na lang ito na do'n sa amin tumira."

"So magkasama kayo sa bahay?" tanong ko.

"Oo magkasama kami, sa totoo lang ay ayaw kung ipaalam sayo na magkasama kami ni Ate kasi ayaw ko naman na siyang pangunahan pero kasi alam kung nahihirapan na siya. Halos araw araw siyang umiiyak at minsan naman ay tulala kaya nagpasya na akong tawagan ka, alam kung ikaw lang ang kailangan niya. Hindi niya nga alam na ikaw ang kikitain ko ngayon."

"Maraming salamat Marga sa pagtanggap niyo sa asawa ko at pag aalaga." ani ko.

"Wala 'yon kuya, kulang pa itong kabayaran sa mga pasakit na ginawa ko sa kanya at sa pamilya niyo."

Mayamaya ay dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain para makaalis na kami agad at hindi kami abutin ng gabi sa daan.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon