one:

18.2K 332 16
                                    

Florida is different. Being alone is different. Everything is different. But maybe the difference is what I need.

It's not easy. Nothing is. Mahirap mag-adjust. Ang hirap lumayo. Ang hirap piliting magbago ng nararamdaman. But maybe everything will be better in time.

I'm alone. My eyes are still bloodshot. My heart-broken and torn into pieces. Hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula-maliban sa paglayo. But maybe, just maybe, getting away is the best decision I've made so far. I lost myself in loving him, so maybe I'll find myself in letting him go.

I'm in a fastfood, eating alone nang mapatingin ako sa relo ko at agad akong nataranta nang makita ko na malapit na kong malate sa klase ko. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at nagmadali akong umalis para makaabot pa ko sa class ko. Buti na lang pagdating ko wala pa ang professor namin.

I sat in the most secluded part in the room. Wala akong kaibigan dito, wala akong kasama o matatakbuhan, pero ayos lang dahil sa ngayon ang gusto ko lang ay mapag-isa.

Tahimik lang akong nakaupo habang naghihintay sa pagdating ng prof namin nang mapatingin ako sa katabi kong upuan dahil sa lalaking umupo doon. Hindi siya pamilyar sa akin at ngayon ko lang sya nakita dito, pero may kung ano sa kanyang parang pilit humahatak sa mga mata ko para tignan sya.

Kakasimula pa lang naman ng klase kaya pwede pang humabol sa pag-eenroll. Bakit ba ako naiintriga sa lalaking ito?

Nginitian nya ako nang mapasin nyang nakatingin ako sa kanya na nagpalabas sa mapuputi at pantay nyang mga ngipin. May matangos din syang ilong at misteryoso pero mapaglaro ang kanyang mga mata-and like a moth to a flame I can't help but be drawn.

I tried to shake myself off at isang simpleng tango lang ang ibinigay ko bago ako nag-iwas ng tingin.

Tahimik lang akong nakinig sa professor namin nang dumating sya at nagsimulang magdiscuss. Pero ang lalaking katabi ko ay wala yatang planong makinig dahil kanina nya pa ko kinukulit, "Miss... Miss..."

Bakit ba sya miss ng miss? Hanggang sa di na sya nakatiis at tinapik na nya ko. Ayoko sanang lumingon, pero hindi naman pwedeng magkunyare ako na hindi ko naramdaman ang tapik nya-hindi naman ako manhid.

"What?" Iritable kong sagot.

"Woah! I just want to know your name, no need to be mad, miss."

I rolled my eyes dahil sa ere ng lalaking 'to. Ang kulit na nga ang yabang pa.

I was about to talk nang idismiss na kami. Kaya hindi ko na lang sya pinansin at umalis na ko.

Sa bahay ako dumiretso. Nagligpit ako ng mga gamit ko at inayos ko ang bag ko nang mapansin kong wala ang cellphone ko. Kung saan-saan ko yun hinanap pero hindi ko talaga makita.

Saan ko ba yun nilagay? Tinanggal ko lahat ng gamit ko sa bag-nagbabakasakaling makita ko yun, pero bigo ako. Wala talaga. Pilit kong inalala kung saan ko yun huling nakita hanggang sa maalala ko na ginamit ko pa yun kanina nung nasa fast food ako.

Bumalik ako sa fast food. Malabo ko ng makita yun, alam ko -sa dami ba namang pumupunta doon, pero wala namang masama kung magbabasakali ako. Pinuntahan ko ang pwesto ko kanina, tinignan ko ang mesa kung saan ko naiwan ang cellphone ko pero nanlumo ako ng makitang wala na yun doon.

May nakapwesto na sa table na yun-nakatalikod sya sa akin-pero agad na natuon ang atensyon ko sa hawak nya. Parang cellphone ko at kinakalikot nya iyon.

Pinagmasdan kong maigi ang hawak nya at napakunot ang noo ko nang makumpirma ko na cellphone ko nga yun. Kung anu-anong pinipindot nya. Hindi ba nito alam ang salitang privacy?

Taas-kilay ko syang nilapitan tsaka ako namewang sa harap nya, "Excuse me, don't you know the word privacy? Aren't you aware that it is rude to fiddle other people's things? Huh?"

"Woah!" He exaggeratedly exclaimed habang nakataas pa ang dalawang kamay na humarap sa akin. Napahinto ako sandali nang makita ko sya, bakit sya na naman? "Chill! I'm just trying to see how I can return your phone to you. I'm actually looking for the person I can contact, it won't hurt to be thankful sometimes, miss."

I rolled my eyes, "As if. I'm not even sure if you are telling the truth. I mean, come on, I'm already here and you don't seem to have any plans of giving my phone back to me. And look," I said then pointed at my phone, "You're not in looking at my contacts, you are looking at my pictures."

He smiled playfully at me, "What a feisty little girl. Well, I was trying to see who this phone belongs to." He said, which made my eyebrow raise. But then, he had the nerve to laugh that made me much more irritated.

Bwisit! Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to. Ang hangin! Masyadong maere.

But what he did next is so unexpected, I yelped in surprise-he stood up, touched my face and straightened my eyebrows, "It's my first time to meet someone as beautiful and as feisty as you... Jeraldine," Then he raised my chin so I'll look straight in his eyes, "By the way, I'm Carlo."

And there it is again, the shiver I feel whenever I look in his eyes.

Can't Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon