nineteen:

5.9K 278 12
                                    

My supervisor called me earlier, pinapapasok na n'ya ako sa trabaho. He said na kapag hindi daw ako bumalik mapipilitan s'ya na ibagsak ako. I don't actually care, to be honest. My mom is more imporant, but then I remembered how my mom will not like it kung papabayaan ko ang pag-aaral ko lalo na at dahil sa kanya. She wants me to graduate with flying colors, kaya nga kahit hindi ko gusto ang mga taong nakapaligid sa akin nung high school hindi ko pa rin pinabayaan ang pag-aaral ko. Yes, I did a lot of things pero sinisiguro ko na nag-aaral pa rin ako kapag kailangan at nagpapasa pa din ako ng mga requirements na kailangan sa pagcompute ng grades. Though hindi naman talaga after si mama sa awards and honor, gusto nya lang talaga na maayos ang mga grades ko. Kaya kahit ayoko, napilitan akong pumasok sa OJT ko.


Nakausap ko ang kuya ko kahapon, nakapagpabook na daw s'ya ng ticket pauwi. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kay mama at ang sinabi ng doktor, pero gustuhin man n'ya na mapaaga ang uwi n'ya wala s'yang magawa dahil marami pa s'yang dapat ayusin bago s'ya makauwi sa Pilipinas.


I feel better. I'm not fine,  but at least I feel better than the last time. Carlo promised me that he will do his best to help, and that surely helped a lot to make me feel at ease. 


I am on my way to work and I'm trying my best to paste a big smile on my face kahit na ang bigat-bigat ng loob ko nang makarinig ako sa radyo ng isang balitang nakapagtanggal ng pekeng ngiti sa labi ko, "Everybody was shocked with the sudden turn of events with the Villanueva Group of Companies. Nagkagulo ang lahat kahapon sa balita na ang Villanueva Group of Companies ay nasa bingit na ng pagkalugi. Walang sinuman ang nag-akala na ang isang kumpanyang kagaya ng  VGC ay mahaharap sa bankruptcy. Ayon, sa aming nakalap na impormasyon ay ang posibleng ang magtake-over sa VGC ay ang MS Holdings na pinamumunuan ni Mr. Ray Tristan Benette Gallego, anak ng mga business tycoons na sila Sheryl Vega-Gallego at Edmond Gallego at apo ng ating dating senate president...." 


Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Bakit hindi ko agad napagtagpi-tagpi? Bakit ko hinayaan na umabot sa ganito? Na pati ang pamilya nila Carlo ay nadamay? Sinong isusunod n'ya? Alam kong hindi s'ya titigil hanggang hindi n'ya nakukuha ang gusto n'ya, pero hindi ba't parang sobra naman yata ito? Hindi n'ya kailangang mandamay ng ibang tao. Hindi n'ya kailangang makasira ng buhay ng iba. Kung anumang problema namin, sa amin lang dapat iyon. Kami lang dapat ang involve.


I know he will stick to his words, pero hindi ko inakala na aabot s'ya sa ganito. Na sasaktan n'ya pati ang pamilya ko at ang mga taing nakapaligid sa akin. 


Madj! I know, he won't stop at ang pamilya nila Madj ang isusunod n'ya.


NO!!! THIS NEEDS TO STOP!!! I can't let him do this. Hindi ko pwedeng hayaan na ipagpatuloy n'ya pa 'to.  I need to stop him.


Dali-dali akong bumaba sa FX na sinasakyan ko at mabilis akong pumara ng taxi papunta sa opisina ng taong minsan kong minahal, ngunit ngayon ay hindi ko na kilala. 


I'll stop him. I'll do everything to stop him. 


---------------------------------------

limalec: 150 votes ulit pag hindi umabot next week ulit :)



Can't Let You GoWhere stories live. Discover now