fifty:

6.2K 210 44
                                    

Kasabay ng pag-alis ni Tristan ay ang ang pagkabasag ng puso ko. I was left shattered and devastated. Gusto ko s'yang habulin o kaya'y tawagin pero wala ni isang parte sa katawan ko ang kumilos para gawin 'yun. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa manginig ang mga labi ko at mawalan ako ng lakas. Napadausdos ako sa sahig at doon ko pinagpatuloy ang walang humpay kong pag-iyak.

Wala s'yang sinabi na iiwan na n'ya ako—hindi pa sa ngayon. Ang sabi n'ya ay bigyan ko s'ya ng oras para masanay tapos papakawalan na n'ya ko—tulad ng kung ano talaga ang gusto ko.

I should be happy, right? I am expecting this from the start. This was what I really want, but I am not.

Because unconsciously, I let myself fall deeper that I already am. Unconsciously I let my heart trust him again. Unconsciously I gave my heart to him—the very thing I was trying to protect from him.

Matagal na nawala si Tristan. Wala akong ideya kung saan s'ya pumunta, kung saan s'ya tumutuloy, o kung sino ang kasama n'ya. Ang alam ko lang ay ginagawa n'ya ito para iwasan ako, and each day that I don't see him I feel my heart break.

I miss him that's for sure.

Hindi ko alam kung handa na ba akong ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya. Paano kung saktan n'ya ako ulit? Anong laban ko? Hindi ko na kakayanin ang mabasag ulit. Wala ng matitira sa akin.

My heart was heavy when I woke up a few days after. Wala akong ganang gumising ni wala akong ganang kumain. Kung tutuusin ay kumakain na lang naman ako dahil pinipilit ako ng mga tao ni Tristan. 'Yun daw kasi ang kabilin-bilinan n'ya, 'wag na 'wag daw nilang hahayaan na mapabayaan ko ang sarili ko. And when they told me that, I broke down.

Miss na miss ko na si Tristan at sising-sisi ako sa mga ginawa ko sa kanya. Nagsisisi ako na ilang beses ko s'yang nasaktan at nagsisisi ako na ilang beses ko s'yang hindi pinahalagahan.

Nasaan na kaya s'ya? Sana umuwi na s'ya.

Ilang beses akong kumurap nang marating ko ang hapag kainan dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nandun s'ya nakaupo at prenteng kumakain. Hindi s'ya nagtaas ng tingin sa akin na para bang hindi n'ya ko napapansin. Pero wala akong pakialam dahil ramdam na ramdam ko ang saya sa puso ko.

He's here.

He's finally home.

Humakbang ako palapit sa kanya kasabay ng pagtawag ko sa pangalan n'ya, "Tristan--" Pero hindi pa man ako nakakalapit sa kanya ay tumayo na s'ya para umalis.

Nilagpasan n'ya ako ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin at dire-diretso s'yang naglakad palabas.

Nang makahuma ako ay agad ko s'yang hinabol, "Tristan" sigaw ko pero hindi n'ya ako pinansin.

Mas binilisan ko ang paghabol sa kanya at nang maabutan ko s'ya ay agad ko s'yang hinila sa braso paharap sa akin.

"Tristan..." I said not finding the right words to say to him.

Tinaasan n'ya ako ng kilay at para akong napahiya sa inaakto ko. Pero anong magagawa ko? I am desperate.

"May sasabihin ka ba? Nagmamadali na kasi ako. I have a meeting in a few minutes and I will surely be late sa pagpigil mo sa akin." Seryoso n'yang sabi.

Napahiya ako sa sinabi n'ya at unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanya, "G-ganun ba? Sige, ingat ka."

Nilagpasan ko s'ya at naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Bakit ganun? Bakit ang sakit sakit? Alam ko na nagdadahilan s'ya, at 'yun ang masakit—halata na iniiwasan n'ya ako. Hindi man lang s'ya nag-effort na itago. Hindi ko alam kung sinasadya n'ya na iparamdam sa akin na cold s'ya pero either way nasasaktan ako.

At the back of my mind I was hoping na pipigilan n'ya ako, pero hindi n'ya ginawa—which hurt me more.

Hindi ko alam kung paano lumipas ang araw. Tapos na ako sa OJT ko kaya wala akong pinagkakaabalahan. Gusto kong may makausap pero wala akong mapuntahan. I feel so lonely and I realized how much Tristan invaded my life.

My mom was sick and her condition is still fragile hindi ko pwedeng sabihin ang mga nangyayari dahil baka kung mapaano s'ya sa pag-iisip. Carlo has a problem of his own. And Madj, I just don't know how I'll start with her—we drifted apart dahil sa kagagawan ko at hindi ko alam kung paano ko pa maayos ang relasyon namin. The gap is too big na parang ang hirap ng ayusin nito.

Just like every other night, I fell asleep with a very heavy heart. I let myself cry because somehow seeing him just added to the pain that I am feeling. Nandyan naman kasi s'ya pero parang ni hindi ako pwedeng lumapit sa kanya.

So near yet so far.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang mainit na pagdampi ng labi sa noo ko. Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o totoo pero nandito si Tristan sa tabi ko at hinahaplos ang buhok ko.

"Tristan..." Tawag ko sa kanya.

Matagal bago s'ya sumagot na naisip ko na baka nananaginip lang talaga ako pero nang sumagot s'ya ay labis ang saya na nararamdaman ko, "Sleep, Jer. I'm just here."

His words are so hypnotizing that I just felt myself drifting again to sleep. It was the happiest sleep I ever had for a long time maybe because he is here beside me. And for the first time in a week I slept with a smile on my face.

Nagising ako sa sinag ng araw at wala sa sarili kong kinapa ang katabi ko pero wala akong nakapa kung hindi ang kama ko.

The space beside me is empty. Was I just dreaming? Pero alam ko nandito s'ya hindi ako pwedeng magkamali. He was here. He alept beside me. Pero nasaan s'ya?

Bumangon ako sa higaan at wala sa sariling napakagat ako sa labi ko. Nasaan s'ya? Wala pa ako sa wisyo at nahihilo na ako kakaisip kung saan s'ya nagpunta at kung totoo ba talaga ang nangyari o panaginip lang nang makita ko ang isang sobre sa mesa sa tabi ng kama ko.

Agad ko 'yung pinuntahan at dinampot,

"To the woman who made me believe in forever. Thank you for making me happy. It was short-lived, but it was the happiest moment in my life. Sorry for hurting you. Sorry for ruining everything you've worked hard for. Sorry for being desperate for your love. I'm sorry that I love you so much. I'm letting you go together with all the secrets and betrayal that I did to you. I love you."  It said on the cover.

And I found myself crying on bended knees.

Can't Let You GoWhere stories live. Discover now