thirty-one:

5.7K 244 23
                                    

Naalimpungatan ako sa pagsasalita ni Tristan, pinakinggan ko iyong mabuti para mabosesan ang kausap n'ya pero wala akong narinig. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko s'yang palakad-lakad sa paanan ko habang may kausap sa telepono.


"No, she's still sleeping. But don't worry I already arranged everything. The only thing you need to do is file a leave and be here. Jeraldine needs you."


Agad na napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Marahan akong bumangon at humawak sa braso n'ya para kunin ang atensyon n'ya. Saglit na bumakas ang gulat sa mukha n'ya before he visibly relaxed, "It's your brother." Paliwanag n'ya habang tinuturo ang telepono, "Would you like to speak to him?"


Hindi agad rumehistro sa akin ang sinabi n'ya, marahil ay dahil sa gulat. Tumango ako at ibinigay n'ya sa akin ang telepono, "Hello..."


"Gosh, Jer! Ano na bang nangyayari? Kamusta si mama?" Tanong n'ya na halatang may halong frustration.


" Ah...O-okay naman." Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya tumikhim ako, "Kakatapos lang ng operasyon n'ya, at maayos naman ang lagay n'ya. Babalik kami ni Tristan mamaya sa ospital."


I heard him heave a sigh of relief, "That's good. I'll file a leave--nakabalik na nga pala ako sa trabaho ko and I got the promotion I was waiting for. Sinusubukan kitang tawagan nung ibinalik ako ng boss ko pero hindi naman kita ma-contact..." 


Hindi ko alam kung tanong ba yun pero wala akong maisagot.

  

"Anyway, pupunta ako agad d'yan pagka-file ko ng leave.  Tristan said you're in Sige na. Mag-iingat ka d'yan." He said then he hung up.


Hindi ko alam kung anong nangyayari at nakatulala lang ako sa kawalan pagkapatay ko ng phone nang himasin ni Tristan ang likod ko. "You okay?" Nag-aalalang tanong n'ya.


I nodded.


"Sorry kung tumawag ako sa kuya mo without actually informing you, I just thought that it will be better if there's more people for tita and you."


I shook my head at him, "It's okay. You're right, mas makakampante ako kung mas maraming tao ang nandito para kay mama. Thank you, Tristan..." He looked up with my words, "For calling my brother. I didn't want to put more weight on his shoulders, because I know he already has a lot on his plate, but I guess, you're right. We need him here."


Nag-iwas s'ya ng tingin pagkasabi ko nun sa kanya. Napakagat ako sa labi ko bago ako napangiti at yumakap sa kanya, "Thank you."


When we went to the hospital the next day, my brother is already there. Papunta kami sa ICU habang s'ya naman ay nagpapalakad-lakad habang umiinom ng kape. Napahinto s'ya ng makita n'ya kami at ang mapanuri n'yang mga mata ay dumapo kay Tristan.


He was looking intensely at him na parang sinusukat n'ya sa tingin ang kasama ko. I suddenly felt awkward, so I jumped to him and hugged him tight to break his intense look to Tristan, "Kuya!!!"  I greeted.


Nabigla s'ya sa ginawa ko pero agad din naman s'yang nakabawi, "Jer! How are you?" He asked with a warm smile on his face, "The doctor dropped by earlier, pwede na daw ilipat sa private room si mama."


Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang dahil sa sinabi n'ya, "Talaga? That's good. How's your flight?"


"It was fine, long, but fine. Bermuda is kinda far from here, pero ayos naman. The flight was pleasant enough para hindi ko maramdaman ang pagod." Kwento n'ya. Dumako ang mga mata n'ya kay Tristan bago s'ya muling bumaling sa akin at alam kong sa tingin n'yang iyon sa akin ay nagtatanong s'ya.


Bumaling ako kay Tristan and saw how uncomfortable he is. Napailing ako sa isip ko, hindi ako sanay na makita s'yang ganito. I got so used to him being so high and mighty around other people that seeing him like this makes me realize that he is still human and he is not different from any of us. Hinawakan ko s'ya sa braso tsaka ko yun marahang pinisil, "Ahm...Kuya, si Tristan nga pala...ano...a-asawa ko."


My brother's eyes almost bulged with what I said habang si Tristan naman ay  mabilis at gulat na napatingin sa akin. I smiled at my brother without looking at Tristan.


"Are you kidding me, Jeraldine?" Hindi makapaniwalang tanong ng kuya ko.


Pero sinuklian ko lang iyon ng pag-iling habang nakangiti, "No. I'm serious, he is my husband."


"Jer..." I heard Tristan breathlessly said beside me.


I held his hand tsaka ko iyo pinisil bago s'ya tignan. He is my husband--that is a fact. He has been my strength and he has never left my side. Siguro naman ay tama lang na ipakilala ko s'ya bilang asawa ko sa kapatid ko, he, at the very least, earned that. He deserves that.









Can't Let You GoOnde histórias criam vida. Descubra agora