fifty-one:

6.2K 208 24
                                    

Walang humpay ang pag-iyak ko habang binabasa sa nanlalabong mata ang sulat ni Tristan. How could this be?

Nanginginig ang buong katawan ko sa paghagulgol at nang matapos kong basahin ang sulat ay wala sa sariling nabitawan ko ito. Napaupo ako sa sahig habang yakap ang mga tuhod at patuloy na umiiyak. How could this happen? Paanong nangyari na lahat ng pinaniniwalan ko ay puro kasinungalingan lang?

Tristan. He loves me so much to the point of selfishness but now that he is being selfless, am I willing to let him go? The answer is no.

He fought for me. Hard. And now it is my time to fight for him.

With new found determination I stood up and run downstairs.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang hanapin si Tristan. He said his goodbye to me at kung gugustuhin n'ya akong taguan ay talagang matataguan n'ya ako. Pero hindi ako papayag na mawala s'ya sa akin.

Mahal ko s'ya at ipapaglaban ko s'ya. Ilang beses ko na s'yang sinaktan. Ilang beses kong nilabanan ang nararamdaman ko para sa kanya not knowing na wala naman pala talaga akong dapat katakutan at ang tanging kalaban lang namin ay ang sarili ko.

My mind was close for a very long time at ngayon na alam ko na ang lahat ay parang huli na ang lahat.

No, hindi. Hindi ko dapat isipin 'yun. I'll save this relationship. Mahal ako ni Tristan. Mahahanap ko s'ya at papatunayan ko sa kanya na mahal ko pa rin s'ya. Ilang beses n'ya bang pinilit na isalba kaming dalawa? This time ako naman.

Nang makita ko ang driver ko sa garahe ay agad akong tumakbo papunta sa kanya, "Kuya, alam mo ba kung nasaan si Tristan?"

Nag-iwas s'ya ng tingin na para bang nasasaktan s'ya para sa akin, "Umalis na po... Ibinilin lang po n'ya na bantayan ka daw po namin at 'wag na 'wag ka daw po naming papabayaan."

Hindi ko napigilan ang pag-agos ng luha sa namumugto kong mga mata, "K-kuya, sinabi ba n'ya k-kung saan s'ya pupunta? Sige na po. Kailangang kailangan ko po s'yang makausap."

Hindi ko napigilan ang paghikbi ko at nakota ko ang pagpitlag nang driver dahil doon, "S-sorry, ma'am, pero hindi ko po alam. Wala po yatang kahit isa na nakakaalam. Basta lang po s'ya umalis pagkatapos ka n'yang ihabilin at sa tono po ng pagsasalita n'ya ay wala na po s'yang balak na bumalik. Sorry, ma'am."

Nagtuloy-tuloy ang ang pagtulo ng luha ko at naiilang man ay niyakap ako ni Kuya dahil sa awa.

I am so pathetic. Ngayon ko lang nakita ang halaga ni Tristan na walang iba akong ginawa kung hindi ang balewalain, kung kailan huli na, kung kailan iniwan na n'ya ako, kung kailan hindi ko na s'y makikita, kung kailan napagod na s'ya. Sana noon pa, pero dahil tanga ako ay hindi ko nagawa.

Hindi nagsasalita ang mga kasambahay tungkol kay Tristan pero kita ang awa sa mga mata nila, kakausapin lang nila ako para pakainin at kung magtatanong sila kung may kailangan ba ako.

Isang beses ay napagdesisyunan ko na puntahan ang opisina ni Tristan, nagbabakasakali ako na baka nandun s'ya. Nang makarating ako ay dire-diretso akong umakyat sa taas, nakaregister na ang finger print ko sa personal elevator ni Tristan kaya hindi na ako nahirapan, pinaregister n'ya 'yun para daw hindi na ko mahirapan tuwing pupuntahan ko s'ya-na napakadalang ko nang ginawa. Madalas kasi ay s'ya ang pumupunta at nag-eeffort sa akin.

Sa gulat na rumehistro sa mukha ng sekretarya ni Tristan ay nabuhayan ako ng loob. Halatang hindi n'ya inaasahan ang pagdating ko pumasok tuloy agad sa isip ko na baka nandyan nga si Tristan. Bakit ba hindi ko 'to ginawa agad?

"Mrs-mrs. Galliego..." Namumutla s'ya habang binabanggit ang apelyido ni Tristan.

Bahagyang tumaas ang kilay ko sa inasta n'ya, mukhang tinatago nga n'ya ang asawa ko.

"A-ano pong ginagawa n'yo dito?"

"Hinahanap ko ang asawa ko. Nand'yan ba s'ya?"

"W-wala po. Matagal na pong hindi nagpupunta si Mr. Galliego dito."

Nagpuyos ang damdamin ko sa sinabi n'ya. Hindi ako naniniwala, bakit ba n'ya kailangang itago ang asawa ko? Asawa ko 'yun may karapatan akong makita s'ya at ayusin ang lahat.

Nilagpasan ko s'ya at dire-diretso akong pumasok sa opisina ni Tristan. Sumunod ang sekretarya n'ya sa akin pero hindi n'ya ako pinigilan na buksan ang pinto doon.

Walang Tristan na humarap sa akin. Walang tao. Malinis ang opisina n'ya na parang ilang araw ng walang gumagalaw nun.

Nanghihina kong nabitiwan ang pinto at kulang na lang ay bumagsak ako sa sobrang panghihinang nararamdaman ko. Tinakasan ako ng lakas ko at hindi ko na alam kung paano ako tatayo.

"Ma'am, pasensya na po hindi na po talaga pumapasok si sir. Kaya nga po gulat na gulat ako na nandito kayo."

"Kung ganun, sinong namamahala sa kumpanya n'ya?" Tanong ko ng maisip ko na imposibleng tumakbo ang kumpanya nya ng wala s'ya.

"Hindi naman po kailangan na nadito s'ya, ma'am, para umandar ang kumpanya. Sa dami ng tauhan n'ya kayang-kaya nitong tumakbo ng wala s'ya. Approval lang naman po n'ya ang kqilangan para magpush-through ang mga kailangang gawin at pwedeng-pwede naman po n'yang gawin 'yun kahit nasa malayo s'ya." Simpleng sagot n'yq sa tanong ko.

Hindi ko alam na posible pala 'yun. Pero kung ganun ay siguradong alam n'ya kung nasaan si Tristan.

Agad s'yang nag-iwas ng tingin, "'Wag n'yo po akong tignan ng ganyan, promise, wala po talaga akong alam. Hindi ko po alam kung nasaan s'ya. Sinesend ko lang po sa email n'ya lahat ng kailangan n'yang asikasuhin tapos sinasagot n'ya lang po ako dun pabalik."

Marahan akong napatango sa kawalan ng pag-asa.

Tristan nasaan ka ba? Bakit kung kailan handa na kong ayusin ang lahat tsaka ka nawawala?

Tristan, bumalik ka na.

Can't Let You GoWhere stories live. Discover now