ten:

7.7K 241 11
                                    

After that encounter, I walked out. Hindi n'ya ako hinabol and I thank him for that, because my mind, my heart, and my body need to rest. Nakakapagod. Every encounter na meron kami ay nakakapagod. I always feel so drain tuwing makakaharap ko s'ya and I think he feels the same way, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit paulit-ulit n'ya pa rin yung ginagawa.


We're over, alam ko na malinaw na yun sa kanya, pero bakit ba ayaw n'ya pa kong tigilan? Sadista ba talaga s'ya at ang makkita akong nahihirapan ang nakakapagpasaya sa kanya? He chose Fritzie over me, at sa hindi malamang dahilan ay nandito na naman s'ya sa buhay ko para guluhin ako. 


I don't know where Fritzie is, at wala na akong balak pang malaman at ungkatin ang nangyari sa kanila at kung nasaan na s'ya ngayon. S'ya ang dahilan kung bakit ako nagising sa katotohanan at hindi masama ang loob ko na pumasok s'ya sa buhay namin ni Tristan, dahil dahil sa kanya marami akong natutunan. At dahil sa kanya napunta ako sa Florida at nakilala ko si Carlo--isang bagay na palagi ko'ng ipinapagsalamat sa Diyos.


 It is my day off today and I'm cherishing every moment of it, dahil kailangan na kailangan ko'ng magpahinga at lumayo sa kanya. I don't know what he is thinking right now, but I hope I was able to set things straight to him yesterday. Nakakapagod din kasing paulit-ulit na sabihin at ipaintindi sa kanya na tapos na kami, kahit na dapat ay alam n'ya talaga yun. It was him who did not choose me, anyway.


"Jeraldine, will you come with me to my mom's party? It's her birthday. I'm sorry, she's insisting that you come with me." -Carlo


Napapikit ako bago bumunong-hininga sa text ni Carlo. I really want to have a peace of mind today. I really want to have some time alone today. Pero sino ba naman ako para tanggihan si Carlo? Sa laki ng utang na loob ko sa kanya parang nawalan na yata ako ng karapatan na tumanggi sa lahat ng hihilingin n'ya. Kaya kahit  medyo labag sa loob ko ay pumayag ako.


The party will be held in Fairmont Raffles--yes, the very same hotel kung saan ako nagtatrabaho. What a coincidence, right? At syempre sigurado na nandun s'ya. I wanted to back out nung nalaman ko kung saan gaganapin, pero parang hindi naman yata tama na mandamay ako ng ibang tao dahil lang sa personal issues ko. Isa pa, wala namang alam si Carlo at ang mommy n'ya sa nangyayari sa akin sa hotel na 'yun, ayoko naman kasi na madamay sila dahil, in the first place, wala naman tlaga silang kinalaman dun.


Carlo's family is powerful, but Tristan can destroy them in just a second, and I know that if they will meddle in my affair with Tristan, Tristan will  not hesitate to crush them. So it's better na hindi ko na lang isali ang pamilya ni Carlo sa gulo ko kay Tristan. 


I wore the black body-hugging gown with gold lining na ipinadala ni Carlo sa akin, pati na rin ang black na sapatos at ang mga accessories nito. It is simple, yet very elegant--just how I like it--Carlo really knows me very well. Naglagay ako ng kaunting make-up na bagay sa suot ko and then, I'm ready and good to go.


Ipinasundo ako ni Carlo sa driver nila dahil busy s'ya sa pagtulong sa party ng mommy n'ya. At nang dumating ako sa venue ay ibinigay agad sa akin ng receptionist ang key card ng kwartong naka-assign sa akin. 


"Pinapabigay po ni sir Carlo, gagabihin na daw po'ng matapos ang party at alam n'ya na kakailanganin n'yo pong magpahinga kaya chineck-in n'ya na po kayo sa kwarto." The receptionsit politely said na nginitian ko lang bago ko kinuha ang susi.

Can't Let You GoWhere stories live. Discover now