twelve:

6.8K 217 18
                                    

I'm tired. Tired and sick of dramas.


Ayoko na. Pagod na pagod na ko. Ayoko ng masaktan ulit. Pero bakit kahit anong pilit kong pigilan na masaktan, paulit-ulit pa rin akong nasasktan?


I'm not supposed to feel anything for him anymore. I'm over him—so over him. Pero nang bumagsak ang pinto kanina ay naramdaman ko rin ang pagbagsak ng puso ko at ang muli na naman nitong pagkabasag.


Bagsak ang balikat at nanlulumo akong umuwi sa apartment ko. Hindi na ko pumunta sa hotel room ko at hindi ko na rin muna pinuntahan si Carlo kahit na alam ko na nag-aalala na s'ya, dahil sa ngayon gusto ko na lang munang mapahinga—sa pagod at sakit.


But Carlo seems to know me so much na pagkatapat ko sa gate ng apartment ko ay nandun na s'ya—naghihintay habang nakasandal sa kotse n'ya.


"Where have you been? I've been looking for you all night. Are you alright?" Sunod-sunod na tanong n'ya at bakas na bakas sa mukha at boses n'ya ang pag-aalala.


"I'm..." Napahinto ako habang nag-iisip kung dapat ko bang ikwento ang nangyari, but I'm too tired right now to think about what happened earlier with Tristan, so I opted to just keep it with me for the mean time, "Fine. I got drunk last night kaya maaga akong natulog, tapos maaga akong nagising with a big hangover kaya umuwi na lang ako."


He stared at me as if he's buying what I was saying, but he didn't say anything and just nod instead. I know that he knows I'm lying but he understand. He always does.


"It's past lunch and you don't seem like you've eaten already. Tsk! Hindi ka na naman kumain, that's not healthy." Sabi n'ya bago nya mahigpit na hawakan ang kamay ko hilahin ako papasok ng apartment ko.


Ramdam na ramdam ko ang init na galing sa malambot n'yang kamay na nakahawak sa akin at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa magkahawak naming kamay. This is the comfort that I need—his warmth and understanding. Carlo is my haven.


He cooked omelet, bacon and fried rice, at hindi ko napigilan ang matigilan. Omelet and bacon. 'Yan din ang niluto kanina ni Tristan para sa akin. I can't help but remember how broken he was when I left him, at masakit mang aminin pero nadudurog pa din ang puso ko tuwing nasasaktan s'ya. Maybe, Tristan has really been a part of me at kahit ano pang gawin ko ay nakakatatak na s'ya sa pagkatao ko. He left me a scar that can never be removed no matter how hard I try.


Carlo looked at me with worried eyes nang mapansin nya ang pagkatulala ko sa pagkain na niluto n'ya tapos ay nilapitan nya ako at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Napatingin ako sa kanya, pero hinid n'ya na kako hinayaan na magsalita, "I know that you are not okay and I know that you are not telling me something, but no matter what's bothering you don't worry I'm just here for you. And I'll wait. I'll wait until you are ready to tell me what's bugging you, alright?"


I nodded tsaka ko wala sa sariling sumubo ng pagkain. He just watched me attentively, not uttering a single word, and I am thankful for his silence, because that's exactly what I need right now. Sinamahan n'ya ako buong araw at iniwan n'ya lang ako nanag nakatulog na ako.


I was having a cold feet the following day. Ayokong pumasok sa trabaho at halos gawin ko na ang lahat madelay lang ang pagpasok ko. I don't think I am ready to face him yet—no scratch that, I don't think I will ever be ready to face him. I don't wanna face him. I'm scared, though I'm not sure what I'm scared of—maybe it's the awkwardness that will envelope us when we see each other that I'm trying to avoid or maybe it's his face etched with pain that I don't wanna see.


Pero kahit ano naming gawin ko wala pa din akong cjoice kung hindi ang pumasok. There's no way to avoid it, because this is my job. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit iba ang pakiramdam ko sa trabaho bukod sa kabang nararamdaman ko na makaharap si Tristan.


Nang makapasok ako sa locker naming ay agad akong nilapitan ng supervisor namin na ipinagtaka ko, usually naman kasi wala s'yang pakialam sa akin basta maayos ang ginagawa ko. Pumalpak ba ako?


"Ms. Vizconde, kamusta si Mr. Gallego? Okay naman ba ang pakikitungo mo?" Mapang-usig n'yang tanong sa akin.


Napayuko ako at hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi maganda ang nangyayari sa amin ni Tristan, though it's because of our personal issues. Hindi ko nga lang pwedeng idahilan yun sa kanya, dahil kahit anong mangyari, ang trabaho ay trabaho. Posible kaya na isinumbong na ako ni Tristan? Pero may kung ano sa akin ang naniniwala na hindi ako ipapahamak ni Tristan. May kung anong tiwala pa rin ako sa kanya kahit papaano na hindi n'ya ako ilalaglag kahit anong mangyari.


"Mr. Gallego released you from your duties to him at hindi s'ya nagbigay ng dahilan, basta ang sabi n'ya lag ay wag ka ng papuntahin sa suite n'ya. May nangyari ba? Did you, in any way, offend him?" Nag-aalalang tanong n'ya.


Hindi ako sumagot habang mataman n'ya akong tinitignan, at nang napansin n'ya na wala akong balak na sumagot ay napabuntong-hiniga na lang s'ya, "It doesn't matter, wala naman s'yang sinabing masama yun ang mahalaga, sa ngayon balik ka muna sa duty mo sa front office." He said, then he walked away.


Napatulala ako habang paalis s'ya at naramdamanko ang panghihina ng tuhod ko kaya bigla akong napaupo habang nagsisink-in saakin ang sinabi ng supervisor ko, Tristan released me from my duty to him.Hindi ko na s'ya kailangang makita ngayon. Maiiwasan ko na ang kanina ko pa gustingtakbuhan. Pero bakit imbes na makaramdam ako ng saya ay parang may kung ano saakin ang nawala at nadismaya?"


Can't Let You GoWhere stories live. Discover now