forty-nine:

6K 230 31
                                    

Nag-iwas s'ya ng tingin at batid ko ang pag-aalinlangan n'ya na makipag-usap sa akin. I raised my hand and held his face, pilit kong iniharap ang nakatungo n'yang mukha paharap sa akin, "Tristan... Carlo and I, we are nothing but friends..."


Pain wasimmediately etched on his face, bakas sa mukha n'ya na hindi s'ya naniniwala at nasaktan ako sa isipin na 'yun, gusto kong ipaliwanag sa kanya kung anong meron talaga sa amin ni Carlo pero hindi ko alam kung paano ko 'yun gagawin na maiintindihan n'ya at hindi s'ya masasaktan. Explaining to him the real score between Carlo and I will open the wounds that I've been trying to ignore. The old wounds caused by him and his choices.


"Friends? You care for him more than you care for me and you expect me to believe that you are nothing but friends?" His tone was edgy while trying to maintain his calm.


"Tristan... He needs me. He is so broken right now that he needs someone to stay by him and keep him afloat. Tristan, nung iniwan kita, nung wasak na wasak ako, nung hindi ko alam kung saan ako magsisimula, nung hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng hindi umiiyak sa isang araw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, si Carlo 'yung nandyan para sa akin. Ngayon s'ya naman ang nangangailangan sa akin, at wala akong ni katiting na karapatan na tanggihan s'ya dahil kung hindi dahil sa kanya malamang wasak na wasak pa din ako dahil sa nangyari sa atin at hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta. When I left, the only thing on my mind was leaving everything behind--si mama, si Madj....ikaw. Pero hindi ko naisip kung paano at kung saan ako magsisimula... and Carlo, he was there, guiding me, making me smile little by little hanggang sa matutunan ko na ulit tumawa at mahalin ang sarili ko. He kept alive what was left of me, and now that he needs the same support who am I to abandon him? Hindi n'ya ako iniwan, hindi n'ya ako pinabayaan nung mga panahon na kailangang kailangan ko ng suporta--nung panahon na pinili mo ang iba--nung panahon na pinili mo si Fritzie."


"Jer, I--" But his explanation was cut off by the ringing of my phone.


I looked at the screen and saw Carlo's name flashing on the screen. I looked at Tristan and saw him silently begging me not to answer and the pain I saw in his eyes was almost enough to convince me to ignore the call, but the continuous ringing of my phone with Carlo's name flashing on the screen made me do otherwise.


I answered the phone with my right hand and put it on my right ear, "Hello... Carlo..."


As I wait for his response, I saw Tristan got closer and my breath hitched when he held my hand and lift it slightly. Nagsusumamo ang kanyang mukha at naramdaman ko ang pagkabasag ng aking puso sa ipinapapakita n'ya.


"Jer... You left your engagement ring and your wedding ring on my sink... I'm--" He was saying something but it was suddenly blocked off when I felt Tristan touch my ring finger and abruptly let go of my hand.


Nanlamig ako at naramdaman ko ang paninigas ng aking katawan, "Where's your ring?" Mabagal at tila hindi makapaniwalang tanong n'ya, "Where's your ring, Jeraldine?" And the moment he repeated his words a tear fell down his face.


Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kirot na naramdaman ko dahil sa pinapakita n'ya.


Agad s'yang tumalikod bago n'ya hinilamos ang kanyang mukha at sinabunutan ang sarili, "Putangina! Ganito pala! Ganito pala 'yung nararamdaman mo nung paulit-ulit kitang sinasaktan gamit si Fritzie. Tangina, sobrang sakit pala! Ang sakit na nandito na ako sa harap mo handang ibigay lahat sa'yo pero sa iba ka pa rin nakatingin. Ano pa bang kulang, Jer? Sabihin mo lang ibibigay ko... Sabi mo magkaibigan kayo ni Carlo--magkaibigan lang--sige, puta, kahit masakit okay lang kaibiganin mo s'ya ng kaibiganin, samahan mo s'ya ng samahan kasi kailangan ka n'ya... pero paano naman ako? Kailangan din kita... Asawa kita e. Mahal kita--mahal na mahal--na handa kong ibigay lahat sa'yo. Sabi ko, sige huling subok na 'to, kung ayaw mo na talaga wala na kong magagawa kasi binigay ko naman na lahat. Ginawa ko na lahat ng pwede kong gawin...maliban sa pakawalan ka. Pero, tangina, 'yun na ba talaga ang gusto mo? Gusto mo na ba talaga na pakawalan kita? Hinubad mo na 'yung singsing mo e. Siguro nga wala na talaga, ako na lang 'tong gago na nagpupumilit ng sarili ko sa'yo. Pero, Jer, kung wala na talaga, pwede ba na 'wag muna? Hindi ko pa din kasi kaya na mawala ka, pangako, kapag kaya ko na ako na mismo ang lalayo sa'yo. Ako na mismo ang aalis sa tabi mo, at 'pag dumating ang panahon na 'yun 'wag kang mag-alala, wala ka ng poproblemahin, hindi na kita guguluhin. Hindi na kita babalikan para isiksik ang sarili ko sa'yo."


He is crying. He is letting me see this vulnerable side of him again. Ilang beses ko na ba s'yang nakitang ganito? Ilang beses na ba s'yang umiyak dahil sa akin?


I wanted to comfort him. I wanted to hug him, pero nung hahawakan ko na s'ya ay tinabig n'ya ang kamay ko bago s'ya umiling tanda ng pagtanggi n'ya sa akin.


"No... Let me. Hayaan mo kong masanay ng mag-isa. Hayaan mo ko na masanay na wala ka para kapag dumating 'yung panahon na kailangan na kitang iwan hindi na ko masyadong masasaktan kasi sanay na ko. Jeraldine, mahal kita--mahal na mahal--to the point na naging selfish na ako, pero hindi pa naman ako sobrang sama, gusto pa din kitang lumigaya, hindi pa nga lang sa ngayon. Bigyan mo lang ako ng panahon and I'll give you what you really want...


Nung panahon na sinasaktan kita at paulit-ulit kong pinipili si Fritzie sa harap mo, walang ibang nasa isip ko kung hindi ang gumanti. I wanted you to realize kung anong nawala sa'yo, gusto ko na marealize mo na hindi mo kayang mawala ako sa'yo, that way hindi mo na ko iwan. Kasi umpisa pa lang ako na ang naghahabol sa'yo, baka kasi kapag ikaw naman ang maghabol ikaw naman ang magbigay ng sobrang importansya sa relasyon natin. Okay lang na masaktan ka ng konti, basta sa huli mabibigyan mo na ng importansya ang realsyon natin at hindi mo na 'to basta-basta ibabasura. Nasaktan kasi ako, Jer, kaya akala ko okay lang din na masaktan ka ng kaunti, hindi ko naman inakala na ganito pala kasakit 'yung nararamdaman mo. Kasi, tangina, durog na durog na ko parang wala na yatang natira sa akin. I keep on giving you the power to break not only my heart but the entire me, and every damn time you make sure to grab every opportunity to break me. Ang sakit, tangina!" He broke down at panay ang hikbi n'ya sa bawat salitang binibitiwan n'ya.


Tinalikuran n'ya ako pagkatapos nun, pero kung akala ko ay durog na ako sa lahat ng sinabi n'ya, ay malaki ang pagkakamali ko dahil ang mga sumunod na sinabi n'ya ay parang bombang sumabog sa mismong harap ko,


"Fritzie and I we're nothing but a lie. We were never together." Tapos ay naglakad na s'ya paalis at palayo sa akin.

Can't Let You GoWhere stories live. Discover now