forty-four:

5.6K 218 21
                                    

I tried to stay away. 

I tried. 

Pero paano ko nga ba naman gagawing lumayo kung sa bawat oras kasama ko s'ya. Kasama ko s'ya sa iisang bahay. Kasama ko s'ya sa paggising ko sa umaga. Kasama ko s'yang umalis at bumalik sa bahay. 

Bumalik ako sa OJT ko, I thought that would be a good chance para lumayo sa kanya at pigilan ang matagal nang hulog kong puso pero mali pala ako--wala akong lusot. He wakes me up every morning with a kiss on my forehead, a bright smile, and a good morning. He personally cooks breakfast for the both of us--nung mga panahon pala na wala ako ay kumuha s'ya ng short course sa culinary arts,

"I want to be able to serve you. I want to cook for you and make you smile through it. I want you to feel how special you are to me." Sabi n'ya minsan sa akin.

Natigilan ako sa pagkain at agad akong napatingin sa kanya. He was smiling from ear to ear habang masayang nakatingin sa akin. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin at binalik ang atensyon sa pagkain. Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun.

Kahit gaano pa ka-late ang pasok ko ay hinihintay n'ya ako para sabay kaming pumasok at maihatid n'ya ako. I know he's running an empire at kailangan n'yang ituon ang oras at atensyon n'ya doon but instead he focused his time and attention to me. Tuwing inihahatid n'ya ako sa umaga ay hindi nawawala ang paghalik n'ya sa akin sa pisngi bago sabihing, "I'll miss you."

Minsan napapansin ko na kapag hinahalikan n'ya ako hindi na sa pisngi kung hindi sa gilid na ng labi tumatama ang halik n'ya. Naeestatwa ako kapag ganun at kapag napansin n'ya ang reaksyon ko ay bigla na lang s'yang magba-blush, "Sorry I can't help it. Your lips just look so kissable." Madalas n'yang sabihin bago mag-iwas ng tingin.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Sinabi ko sa sarili ko na gusto kong lumayo, pero parang wala naman talaga akong ginagawa para layuan s'ya. Because I know deep inside, I'm happy that he is like this. I'm happy that he is showering me with so much love and attention kahit na pinipilit ko na 'wag suklian 'yun.

He ordered me to text him tuwing lunch break ko at maagap s'yang pumunta kahit na 15 minutes lang naman talaga kami nagkakasama dahil nanggagaling pa s'ya ng opisina n'ya. When my lunch break ends ay umaalis din naman s'ya agad dahil alam n'ya na gusto kong mag-focus sa trabaho.

Palagi n'ya akong sinusundo kahit na minsan ay inaabot na s'ya ng gabi sa paghihintay. Minsan dahil sa pagiging unpredictable ng dagsa ng tao sa hotel ay kinakailangan kong mag-OT at umaabot ng limang oras ang paghihintay n'ya. I tried to stop him dahil alam kong nakakapagod ang ginagawa n'ya pero muntik lang iyong mauwi sa pag-aaway dahil sa katigasan ng ulo n'ya, "I'm fine. It's okay, you're worth the wait." He said.

Tuwing maghihintay s'ya ay sa lounge na namin s'ya naghihintay. Magkatapat lang kasi ang lounge namin at ang front desk. Gusto n'ya daw doon dahil nakikita n'ya ako. Minsan hindi ko mapigilan at napapasulyap ako sa kanya and whenever I do nakaabang na agad ang mga mata n'yang nakatingin sa akin. He winked at me one time at hindi ko napigilan ang pagbablush ko, nahiya tuloy ako sa guest na kaharap ko nung oras na 'yun. I heard him laugh, but I tried to ignore him as I glare at him. He orders food na kadalasan ay hindi naman talaga n'ya nagagalaw  dahil ayaw daw n'yang kumain ng hindi ako kasabay. Kaya ipinapabalot na lang namin 'yun at ipinapamigay sa mga batang nadadaan namin. Alam ko na gusto na akong pagsabihan ng supervisor ko dahil kay Tristan, pero hindi n'ya magawa dahil isang Tristan Galliego ang maooffend n'ya.

Kapag natatapos ang duty ko ay sinasalubong n'ya ako sa colleague entrance namin at binibigyan n'ya ako ng napakahigpit na yakap na may kasamang paghalik sa noo na para bang napakatagal naming hindi nagkita.

I try as hard as I could not to respond to whatever he is doing but I just can't help it sometimes.

I was drifting off to sleep, magkatabi kaming natutulog, yakap n'ya ako habang nakaunan ang ulo ko sa braso n'ya nang halikan n'ya ako sa noo, "I love you. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na nandito ka sa tabi ko. It always feel like a dream, and every damn time, I thank God that it isn't. I love you so much, Jer. I hope one day, you'll be able say those words back to me. I hope." I heard him say.

I'm not sure if he thought I was already sleeping o sinadya n'ya talagang sabihin 'yun sa akin, pero isa lang ang nasa isip ko nun, "If you just knew, Tristan. Mahal pa din kita, pinipilit ko lang pigilan ang sarili ko."  

Can't Let You GoWhere stories live. Discover now