thirty-five:

5.5K 233 13
                                    

Palaging nasa bahay si Tristan. Doon s'ya dumidiretso pagkagaling n'ya sa trabaho, kung minsan pagkagising ko pa lang nandoon na s'ya at may nakahanda ng almusal para sa amin. Palagi n'ya ding kinakamusta si mama at sinisiguro n'ya na hindi s'ya napapabayaan. He kept on doing things na hindi namin inaasahan hanggang sa nasanay na lang kami na palagi s'yang nandyan--na kung minsan kapag nawawala s'ya  si mama na mismo ang naghahanap sa kanya.

Hindi ko alam kung nakakatunog na ba si mama tungkol sa amin ni Tristan dahil wala naman s'yang sinasabi. It's been weeks pero hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang kahit ano na tungkol sa amin ni Tristan--which is kinda impossible. Pero siguro nga walang imposible sa impluwensya at pera na meron ang pinakasalan ko. Minsan tuloy pakiramdam ko kayang patigilin ni Tristan ang mundo kung gugustuhin n'ya.

It's 6:45 p.m. and Tristan will fetch me at 7:00. I'm all set and made up at s'ya na lang ang hinihintay ko. I am in the kitchen washing my hands nang samahan ako ni mama doon.

Napalingon ako sa kanya ng may nakahandang ngiti sa labi, "Bakit, ma?" Tanong ko. 

Linapitan ko s'ya at ginabayan para maupo pero marahan n'yang hinawi ang mga kamay kong nakahawak sa kanya, "Anak... Kailan mo balak sabihin sa akin?"  Tanong n'ya habang nakangiti.

Napatulala ako sa tanong n'ya at agad na rumehistro ang panic sa sistema ko, "Ma--"

Pero sa halip ay inilingan n'ya ako at hindi ako pinatapos, "Don't lie. I know the truth. Nagkasakit lang ako sa puso, hindi ako naging tanga. Whatever your decision was, naiintindihan ko, kung hindi ko man maintindihan sa  ngayon, alam ko na di magtatagal maiintindihan ko din. Alam mo kung anong hindi ko maintindihan?" She softly asked, but I know that that question wasn't supposed to be answered, "Yung hindi mo pagsasabi sa akin. Yung paglilihim mo. Ganun ka ba kawalang tiwala sa akin at hindi ka nagbalak na magsabi sa akin?"

Mabilis akong umiling sa tanong na yun, "Hindi sa ganun, ma. It's just that natakot ako na baka may mangyaring masama sa'yo. Kabilin-bilinan ng doctor na  dapat naming iwasan na makaranas ka ng extreme emotions dahil baka makasama sa'yo."

"I know. Pero sa tingin mo ba yung paglilihim mo nakabuti sa akin? Hindi, Jer, nasaktan ako. I can handle myself better than you think. Trust me, I'm your mom." 

Her words struck me like a lightning and somehow tears find their way to my eyes. Napaiyak ako sa sinabi n'ya, siguro dahil nawala ang bigat ng paglilihim sa kanya sa puso ko. I've been holding that weight simula ng gumising s'ya at walang araw akong nagising na hindi ko naisip ang bigat na dinadala ko. I can't even look straight to her eyes dahil natatakot akong makita n'ya ang totoo.

Pero siguro totoo ngang, "Mother knows best." Dahil kahit anong lihim pa ang gawin ko nalaman at nalaman pa din ni mama ang totoo.

"Tristan and I--we got married when you were sick." Tears are freely flowing from my eyes while I confess the truth to my mother.


She shook her head in understanding, pero bago pa s'ya makapagsalita ay may malakas ng bumusina sa harap ng bahay na nakapagpahinto sa pag-uusap namin ni mama. Tristan joined us shortly in the kitchen and worry and panic took over him the moment he saw me crying.

"What happened?" He asked me worriedly, "Tita... please let me explain. It wasn't Jer's fault. It's my fault, and my fault alone. Please don't blame her. Don't get mad at her." Dire-diretso n'yang sabi pagkabaling n'ya kay mama.

I don't know what took over me, but I can't help but smile with the way Tristan si clearing my name for me.

"I'm not mad. I was just hurt that you kept it. Matatanda na kayo. You're old enough to know what's right from wrong. You chose that, then,  bravely face the life that you chose--the married life." Napakagaan ng pagkakasabi ni mama na para ng balewala lang ang nalaman n'ya, "So, Jer, as much as I hate to say this, you have to get out of this house...and live with your husband. Because, that's how married people are supposed to live. They should share one roof, one bed, and one table. Hindi ibig sabihin na gusto ko na ulit si Tristan para sa'yo, pero nagpakasal kayo at nawala ang lahat ng karapatan ko na pumagitna sa inyo dahil s'ya na ang bago mong pamilya."

Kulang ang salitang nagulat para i-describe ang nararamdaman ko sa mga sinasabi ni mama. Napatingin ako kay Tristan at gaya ng reaksyon ko ay halata din ang pagkabigla sa mukha n'ya.

"So what are you waiting for? Get out people." Mataray n'yang biro.

 Nakangiti s'ya sa aming dalawa ni Tristan habang patuloy pa din ang pagbabuffer sa utak ko ng mga nangyayari. 

  

Can't Let You GoWhere stories live. Discover now