twenty-eight:

5.8K 216 17
                                    

I was in deep thought habang nagpaulit-ulit ang sinabi nya sa akin na hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako sa harap n'ya. Nabalik lang ako sa reyalidad ng magsalita s'ya, 


"Let's sleep. I know you're tired. You need to rest. Halika ihahatid na kita sa kwarto." He calmly said tsaka n'ya ako iginiya paakyat ng hagdan.


I am not sure what to expect. We're married, and I am well aware of the fact that married couples are supposed to sleep together, especially on their wedding night--at hindi ko alam kung handa ba akong gawin yun.


Lumilipad ang isip ko sa dami ng bagay na tumatakbo doon kaya nagulat na lang ako nang huminto s'ya sa tapat ng isang pinto at binuksan iyon para papasukin ako. Marami akong iniisip, maraming tumatakbo sa isip ko, pero hindi sumagi sa isip ko kung saan n'ya ako dadalhin. He brought me in the old bedroom I used to sleep in back then.


Saglit akong natigilan habang kinakapa n'ya ang switch ng ilaw at nang bumukas iyon at iminuwestra n'ya akong pumasok sa loob ay wala na akong nagawa. Iniikot ko ang mata ko sa paligid at halos hindi ko lubos maisip na halos walang pinagbago ang kwartong iyon maliban sa kulay ng kurtina'ng nakasabit sa bintana noon.


"Is it okay if you'll sleep here, or would you like to stay in another room?" He interrupted my thoughts.


"Uhm...O-okay lang." 


Marahan s'yang tumango, "Okay, I'll just be in the room next to this if you ever need me." Tapos ay tumalikod na s'ya para umalis pero bago pa man n'ya mapihit ang door knob ay napigil na s'ya ng tanong ko.


"Won't you stay with me?" Kinakabahang tanong ko. 


Hindi ko alam kung bakit ko pa tinanong 'yun samantalang dapat ay maging masaya na lang ako na hindi ko s'ya katabing matulog ngayon.


Napahinto s'ya bago marahang humarap sa akin, "Believe me, I want to--so much. Gustong-gusto ko na makasama ka sa pagtulog, kahit matulog lang ng wala tayong ibang ginagawa, but I know that you are not yet ready even for that. At hindi kita pipilitin, I've forced myself to you way too much already na alam ko na konti na lang ay mas lalo ka pang mawawala sa akin." He sighed habang pinapadaanan ng kamay ang kanyang pagod na mukha. "This time, I'll wait. I'll wait until you are ready. I won't force myself to you. I'll respect you the way you deserve to be." He stopped and let a few passing moment to pass bago s'ya muling nagpaalam, "I better go and you better rest. I'll be in the other room. Puntahan mo lang ako kung may kailangan ka."


Tapos ay umalis na s'ya ng walang ibang sinasabi. Napaupo ako sa kama habang pilit na inaabsorb ang mga nangyayari. 


What exactly is hapening? Hindi ganito ang inaakala ko.   


Despite being tired hindi ako nakatulog buong gabi. Nakatulala lang ako sa kisame habang paiikot-ikot sa higaan at naisipan ko na lang na bumangon nang marinig ko ang pagbukas sara ng pinto sa kabilang kwarto na nasundan ng mga yabag ni Tristan.


Dumiretso ako sa bathroom para mag-ayos ng sarili at laking gulat ko na lang ng buksan ko ang closet sa tabi nun. Punong-puno iyon ng iba't ibang klaseng damit na parang matagal na ako noong hinihintay. Isa-isa kong tinignan ang mga damit sa loob nun at nang sinusukat ko na ang mga 'yun ay napansin ko ang iba doon ay maliit na sa akin. Iisipin ko na sana na hindi iyon para sa akin kung hindi ko lang nakita ang isang paper bag na may maliit na sticky note:


To MyJeraldine,

I'll keep on buying things that'll fit you, so when you decide to sleep here again you'll have something comfortable to wear. I miss you, when will you come back?


May kalumaan na ang papel at nagbabrown na ang puting kulay nito, kumalat na rin ng konti ang tinta ng ballpen na ginamit na pansulat dito kaya sigurado ako na matagal na 'tong naisulat. Hindi ko alam kung kailan eksakto o kung anong taon hanggang sa napatingin ako sa naka-emboss na print sa sa paper bag--July 2011 Collection.


Napakunot ang noo ko sa taon na nakita ko--2011? Ang tagal na nito ah? 


Anong meron sa 2011?


------------------------------------

limalec: votes and comments? :)




Can't Let You GoWhere stories live. Discover now