forty-two:

5.5K 209 15
                                    

All eyes on me when I stepped out of the car. Napahinto ang lahat sa kani-kanilang ginagawa nang mapansin nila ang pagdating ko, kahit ang mga hindi nakapansin ay siniko ng kanilang mga katabi para lang ipagbigay-alam na nandun ako. There are some who can't help themselves and still whispered sa mga katabi nila.

Napabuntong-hininga ako. Why am I not surprised?

Somehow I expected this. Ano pa nga ba? This is inevitable, but somehow I still feel uncomfortable. I don't like the attention, I don't like everybody looking at me--cautious--as if with one wrong move I will ruin their lives.

I smiled at the people around--trying to be as friendly as possible. Pumunta ako sa reception at agad akong sinalubong ng magandang ngiti ng babaeng nandoon. She's the same woman nung nagpunta ako nung nakaraan para sugurin si Tristan, and unlike the last time she's welcoming me like an old friend.

Napailing ako sa isip ko, look at what money can do. Nung huling nagpunta ako halos paalisin n'ya ako nang sinabi ko na si Tristan ang gusto kong kausapin. She was being hostile, until I said who I am.

Jeraldine Carmel Vizconde. Bakit ba parang may magic ang pangalan ko nung binanggit ko yan dito?

Agad ko ding winala ang tanong na 'yun sa isip ko, dahil kahit naman walang direktang sumagot nun ay alam ko na ang sagot. Inihabilin ako ni Tristan, he knew that I'll go here kapag nalaman ko ang ginawa n'ya.

"Hello, Mrs. Galliego, welcome back!" Masiglang bati n'ya. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko dahil sumagi na naman sa isip ko ang pagiging rude n'ya nung huling akong nagpunta dito. Hindi ko alam kung napansin n'ya dahil dire-diretso pa din ang pagiging lively n'ya.

Sinilip ko ang nameplate n'ya at nakita kong Bettina ang nakalagay doon, "Bettina, I need to go up. Bibisitahin ko ang asawa ko." Muntik ko ng bigyan ng emphasis ang asawa ko, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong magpakababa.

Para s'yang natauhan at natataranta s'yang may hinanap, "Oh of course! For a moment ma'am." Umalis s'ya sa kinauupuan n'ya at lumapit sa akin, "Allow me to assist you, Mrs. Galliego." Natataranta n'yang sabi bago ako igiya sa elevator.

Hindi naman na kailangan yun. Marunong akong pumuta sa elevator mag-isa, pero hinayaan ko na lang s'ya. She pressed the floor kung nasaan ang opisina ni Tristan bago s'ya umalis sa loob ng elevator, "Have a good day, ma'am!"

Tipid ko lang s'yang nginitian bago tuluyang sumara ang elevator.

Plastic. Ugh!

Napatingin ang secretary ni Tristan sa elevator na sinasakyan ko nang bumukas iyon. Matamis na ngiti ang isinalubong n'ya sa akin, "Hi ma'am! You're looking for Mr. Galliego?"

It is a different girl. She's nice and welcoming di kagaya nung babaeng naabutan ko dito nung nakaraan na malamang e pinaalis ako kung hindi lang lumabas si Tristan.

I smiled back, "Yes. Is he there?"

"Opo. Kaso may kausap pa po s'ya sa loob." Nahihiyang sabi n'ya.

Tumango ako, "Business meeting?"

She bit her lower lip in neevousness. Bahagyang umangat ang kilay ko sa kinilos n'ya pero hindi ako nagsalita, "Uhm... Hindi ko po alam, ma'am. Wala naman po kasing appointment si Miss Fritzie sa kanya. Basta na lang po s'ya nagpunta at nagpumilit pumasok."

Her words dropped like a bomb in front of me. Parang bigla iyong sumabog sa harap ko at nabingi ako. Wala akong marinig kung hindi ang paulit-ulit na Fritzie. She said something else but my mind was too occupied, nakita ko na lang ang secretary ni Tristan na tumayo at umalis.

I numbly stood up and went to the door going to Tristan's office. The door was slightly ajar and I saw them, frustrated na nagpapalakad-lakad si Tristan sa harap ni Fritzie habang nakayuko naman si Fritzie na nakaupo sa couch.

"I'm sorry. I just... I just love you so much kaya ko nagawa 'yun." Umiiyak na paliwanag ni Fritzie.

Galit na humarap si Tristan sa kanya, "Love?" He uttered the word with so much disgust, "No, Fritzie, you did not do that because of love, you did that because of your selfishness. You are selfish. I already told you that whatever's between us is already over, pero ayaw mong makinig. Ayaw mong sumuko. Jer's already here, ano pa bang hindi malinaw sa'yo?! I love her."

Nagtaas ng tingin si Fritzie, "Jer?! Jer naman?! Tristan, nung walang-wala ka. Nung wasak na wasak ka, sino bang nandyan para sa'yo, diba ako?! Pero bakit yung Jeraldine pa din na 'yun ha? BAKIT?" Punong-puno ng galit nyang sinabi.

"Dahil s'ya ang mahal ko at s'ya lang ang mamahalin ko! Umalis ka na." Madiin na sabi ni Tristan bago s'ya tumalikod.

Hinabol s'ya ni Fritzie at niyakap sa likod, "That's not true. You chose me over her. Mas mahal mo ko kesa sa kanya." Humahagulgol n'yang sabi.

Hinarap s'ya ni Tristan na puno ng pagtitimpi ang mga mata, "You know why! I--" Pero hindi na n'ya iyon natapos dahil siniil na s'ya ng halik ni Fritzie.

Tumalikod ako. Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari. Hindi ko nakita kung sinuklian ba ni Tristan ang mhga halik na ibinibigay n'ya. Hindi ko nakita kung inamo ba s'ya ni Tristan at pinatahan. Hindi ko nakita. Wala akong nakita. Tumalikod na ako dahil hindi ko na kaya.

Ang sakit. Ang sakit-sakit pa rin. Bakit ganun? Akala ko wala na. Akala ko tapos na. Akala ko nakamove-on na ako at balewala na lang ang ganito. Pero, tangina shit, ang sakit pa din. Apektado pa rin ako. Nasasaktan pa rin ako.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong magpakita sa mga tao na ganito ang itsura ko--durog at nasasaktan. Kilala nila ako, malalaman nila na may hindi magandang nangyari sa pagitan namin ni Tristan. Pag-uusapan nila kami at pagpipyestahan. Ayoko nun.

Sa restroom ako dumiretso at doon ko hinayaan na bumagsak ang mga luha. I-dinial ko ang number ni Carlo, pero hindi ko s'ya ma-contact. Nakapatay ang cellphone n'ya.

Kanino ako pupunta?

Madj. But I immediately removed her from my thoughts, we drifted apart at hindi ko alam kung pwede ko pa ba s'yang abalahin sa mga ganitong bagay.

I cried and cried and cried hanggang sa feeling ko ay naubos na ang luha ko. I composed myself and practiced how to smile in front of the mirror.

I'll go back to Tristan but I won't confront him. We're married but our relationship is long over. Kung anuman ang gusto n'yang gawin ay hahayaan ko s'ya, hihintayin ko lang s'yang magsawa at mapagod. Hihintayin ko s'yang hiwalayan ako at piliin muli si Fritzie, and after that I'll have my peaceful life back.

I was walking towards his office nang mapahinto ako sa corridor na kinatatayuan ko. There I saw Fritzie crying her hearts out. Nakasalampak s'ya sa sahig habang yakap ang mga tuhod n'ya at nakasandal sa pinto ng opisina ni Tristan.

Mukhang naramdaman n'ya ang presensya ko at nag-angat s'ya ng tingin sa akin, she didn't look surprised when she saw me at marahas n'ya lang na pinunasan ang luha n'ya bago tumayo. Diretso n'ya akong tinignan at buong loob na lumapit sa akin, "Noong pinakiusapan kita na ibigay mo na lang sa akin si Tristan at umalis ka papuntang Florida akala ko magiging okay na ang lahat sa aming dalawa, pero bakit ganun kahit wala ka na ikaw pa rin? Bakit kahit wala ka na hindi pa rin kita matumbasan? I tried, but no matter how hard I try he cannot look at me the way he looks at you, he cannot love me the way he loves you, bakit? Ginawa ko naman lahat, pero bakit ikaw pa rin? Ano bang meron ka, Jeraldine?"

Saglit akong napahinto at hindi nakasagot million things are running inside my head. Binalik ko ang tingin ko sa kanya pero binalewala n'ya ako at dire-diretso s'yang naglakad paalis. Naglakad ako patuloy sa opisina ni Tristan. Binuksan ko ang pinto at naabutan ko si Tristan na nakaupo at nakayuko sa mesa n'ya.

"I know you heard everything." He said without raising his head.


I was shocked as I saw his devastated face.
























Can't Let You GoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora