thirty-three:

5.6K 215 12
                                    

Hindi na nagulat si mama nang na-discharge s'ya at nakita n'ya si Tristan kasama ko. I guess she already expected this. Papalabas na kami sa ospital at masigla s'yang nakikipag-usap kay kuya habang halos hindi man lang n'ya tapunan ng tingin si Tristan. Paminsan-minsan ay kinakausap n'ya ko pero hindi gaya ng pagkausap n'ya kay kuya. Siguro ay dahil nasa tabi ko si Tristan at halata na wala s'yang balak na kausapin ang kasama ko. 


Napabuntong-hininga na lang ako sa inaasta ni mama. Naiintindihan ko s'ya pero naiipit ako na ganito. Nandito si Tristan at kulang na lang isampal n'ya sa mukha ni Tristan na hindi s'ya welcome dito. 


Sana lang maisip n'ya na kung hindi dahil kay Tristan, wala kami dito. Napabuntong-hininga ulit ako tuwing nang maalala ko ang sinabi ng doktor sa akin bago ma-discharged si mama. She explained how fragile mama is at kung gaano kami dapat mag-ingat. In-explain n'ya rin kung paano namin mas maalagaan si mama at ang lahat ng dapat naming malaman tungkol sa naging sakit ni mama.

Rheumatic Heart Disease daw pala ang naging sakit ni mama at matagal na s'yang meron nun. Nagtataka nga s'ya na hindi man lang nagpakita at nakaramdam ng sintomas si mama samantalang malamang daw na bata pa lang si mama ay meron na s'ya nun. Naging risky daw ang operation dahil yung pinakasugpungan ng puso ni mama ang nabarahan.


Sabi n'ya na kung hindi man ngayon inatake si mama ay sigurado na magkakaproblema pa din ito sa puso in the future kaya maigi na din daw na nadtect at naoperahan na si mama bago pa mas lumala ang lagay nito.


Kumain kami sandali sa isang restaurant at todo ang naging pag-iingat namin sa pagkain ni mama. Tahimik lang si Tristan sa tabi ko at halata ang pagkailang n'ya. Napangiti ako sa tuwa dahil sa pagtitiis na ginagawa n'ya kahit na hindi naman talaga n'ya kailangan na gawin ito dahil kung tutuusin ay pwede naman na mag-stay na lang s'ya sa hotel para magpahinga imbes na pagtiisan n'ya si mama ng ganito.


Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinisil iyon. I looked at him and saw how he raised his face to me. Halata ang gulat doon pero agad ko iyong sinuklian ng ngiti kaya agad din s'yang napangiti.


Magkahawak kamay lang kami buong oras na kumakain. Napatingin na lang ako kay mama nang maramdaman ko ang nanunusok n'yang tingin. Tinaasan n'ya ako ng kilay na sinuklian ko lang naman ng isang ngiti.


Kay kuya sumama si mama dahil matagal na silang hindi nakita at ayaw ni mama na makasama si Tristan papunta sa hotel namin. Dumiretso kami sa suite namin ni Tristan pagkadating sa hotel dahil gusto na lang namin na magpahinga sa sobrang pagod na nararamdaman namin.


Pinagbukas ako ng pinto ni Tristan at habang sinasara n'ya ang pinto ay bigla ko na lang s'yang niyakap, "Thank you for everything."


He froze for a moment bago n'ya ako hinarap, "No, it was all my fault to begin with."


Umiling ako sa sinabi nya kasama ang ngiti sa labi ko, "Hindi, you actually saved mama's life. It was bound to happen at kung natagalan pa ay mas lalo pa iyong lalala. Matagal na pa lang s'yang may sakit pero wala ni isa sa amin ang nakakaalam--kahit s'ya. Nagtataka nga yung doktor kung paanong walang nararamdaman si mama samantalang matagal na s'yang may sakit. So, thank you. You might think that you're the one to blame, and probably you're really the reason, pero kung hindi dahil sa nangyari ay may chance na mas lumala ang kondisyon n'ya. Malala na posibleng..." Napailing na lang ako dahil hindi ko na kayang ipagpatuloy ang sasabihin ko.


He hugged me tight tsaka n'ya hinimas ang likod ko, "It's okay. She's fine now. Thank you for not directing me the blame. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang relasyon natin kung sa akin mo isinisisi ang nangyari kay tita."


I shook my head to stop him, "It's not your fault. Not entirely at least." I joked to make things light.


Bukas uuwi na kami ng Manila, at hindi ko alam kung ano ang sasalubong sa amin doon. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin kay mama ang totoo na kasal na ako, dahil alam ko na pagdating namin doon ay imposible na naming maitago ang totoo. Kilalang personalidad si Tristan at s'ya ang laman ng balita kahit saan s'ya magpunta kaya siguradong malalaman ni mama ang totoo. 


At kailangan ko yung unahan bago tuluyang malintikan ang lahat. 


  



Can't Let You GoΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα