twenty:

6.1K 339 10
                                    

Sa totoo lang hindi ko alam kung nasaan ang opisina ni Tristan. Mabuti na lang at kilala s'ya at ang kumpanya n'ya kaya mabilis iyong lumabas sa search engine nung hinanap ko. It's in the heart of the business district at hindi na ako nagtaka nang makita ko kung gaano kalaki at kataas ang building na pagmamay-ari n'ya.


I tried to pretend that I am one of the employees para makalusot sa security ngunit nabigo ako dahil kailangan pa ng ID para bumukas ang elevator. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang dumiretso sa reception.


The receptionist smiled warmly at me when she saw me walking towards her, "Yes, ma'am? How can I help you?"


"Uhm..." Hindi ako makapagsalita, hindi ako sigurado kung makakapasok ba ako sa loob, sino ba naman kasi ako para pumasok sa loob? Ni hindi nila ako kilala para basta na lang ipakausap sa may-ari ng kumpanya na ito. Nilunok ko ang laway ko kasama ang panghihina ng loob ko, I need to do this. I need to talk to him, pangungumbinsi ko sa sarili ko habang tinutuwid ko ang tindig ko, "I need to speak to Mr. Gallego, is he here?"


Saglit na napataas ang kilay ng babaeng kaharap ko bago n'ya muling ibinalik ang ngiti n'yang praktisado na, "May I just ask, is he expecting you ma'am? Because, as we all know, Mr. Gallego is a very busy man. He can't just accommodate, every single person who wants to speak to him."


Tumaas ang kilay ko sa tono ng pananalita n'ya. Hindi alam ng babaeng 'to kung gaano kalaki ang atraso sa akin ng amo n'ya, "Is that so? Well then, tell  his secretary that Jeraldine Carmel Vizconde is here waiting for him, or better yet tell him personally."


Agad na namutla ang babae nang marinig ang pangalan ko at kitang-kita ko kung paano s'ya natulala, "Je-Jeraldine V-Vizconde?" Nauutal at hindi makapaniwala n'yang sabi sa hangin.


Mas tumaas ang  kilay ko sa inaasal n'ya, ano bang problema ng babaeng 'to? Ano bang meron sa pangalan ko at parang takot na takot s'ya?


"M-ma'am, uhm, sige po punta na po kayo sa elevator, nasa pinakataas po ang office ni sir bago ang penthouse. Ito po ang visitor's pass." Tulirong paliwanag n'ya habang natataranta sa paghahanap ng kung ano at nang makuha n'ya ang visitor's pass ay agad n'ya iyong inabot sa akin.


Sumulyap pa s'ya ulit sa akin bago ako tuluyang naglakad papunta sa elevator, I pressed the highest number at agad akong dinala nun sa pinakataas. A woman with raised eyebrow welcomed me pero di gaya ng receptionist sa baba, ay wala halata agad sa kanyab kung gaano n'ya ako kaayaw dito. Lumapit ako sa kanya at diretso kong sinabi ang pakay ko, "I need to speak with Mr. Gallego now, is he there?"


She looked at me from head to toe before addressing my question, "And, may I know who you are? He is engaged in an important conference call as of the moment, and he has no time for any unexpected visitor like you, ma'am. So, if you will just leave right now it'll be greatly appreciated." She rudely said, which fueled my irritation.


I was about to put her in place when I heard the phone from the other side of the door ring, distracting me momentarily. Ibinalik ko ang atensyon ko sa babaeng nasa harap ko at handa na akong magsalita nang bumukas ang pinto ng opisina sa likod ng mataray na babae.


Iniluwa noon ang gulat na si Tristan, na parang hindi makapaniwala na nandito ako, "Jer..." He said breathlessly.


----------------------------------------------------

limalec: 150 votes 'pag hindi next week ulit. :)

P.S. 'Wag po kayong magalit na 150 votes yung hinihingi ko para may update agad, kasi once a week lang naman po talaga yung update ko. Bonus lang yung next update kung aabot. Ayoko po ng bad vibes kasi madami na po akong iniisip, sana 'wag n'yo na pong dagdagan. Thank you po! Love, love! :)  


  



Can't Let You GoWhere stories live. Discover now