sixteen:

6K 280 15
                                    

Maganda ang araw ko at malaya akong nakikipagtawanan sa mga kasamahan ko dahil sa mga nakakatwa nilang kwento nang mag-ring ang telepono ko.


"Jer..." Sumisinghap na bungad sa akin ni mama pagkasagot ko sa telepono.


Agad na rumehistro sa akin ang pag-aalala dahil kahit kailan hindi naging ganito si mama. Siguradong may malaking dahilan kung bakit s'ya umiiyak.


"Tinanggalan ng trabaho ang kuya mo, pinapauwi na s'ya."


 "H-ha? B-bakit daw? Diba okay naman s'ya? For promotion na nga e. Anong nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong ko. 


Please, sana panaginip lang 'to! Alam ko kung gaano kahalaga sa kuya ko ang trabaho n'ya. Iyon na ang buhay n'ya at iyon lang din ang nataanging pinagkukuhanan namin ng pera. Kung mawawalan s'ya ng trabaho hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin.


"Hindi ko alam..."Tuloy-tuloy pa din ang paghikbi n'ya sa kabilang linya kaya putol-putol ang pagsasalita n'ya. My mind is running hundred miles per hour, iniisip ko kung anong pwede naming gawin. Iniisip ko kung anong posibleng dahilan sa biglaang pangyayari na 'to, "Jer-" My attention was caught nang marinig ko ang pag-iiba sa boses ni mama. Rinig ko ang paghihirap n'ya sa paghinga at wala akong ibang magawa kung hindi mag-panic lalo na nang marinig ko ang bigla na lang pagkalabog sa kabilang linya bago ito maputol.


Sinubukan kong tawagan ulit s'ya pero wala ng sumasagot. I was panicking, hindi ko alam ang gagawin ko. Masyadong malayo ang hotel sa bahay namin. Kahit umalis ako ngayon late pa rin ako makakarating. My mind run through the people na pwede kong macontact hanggang sa maalala ko si Madj. Matagal ko na s'yang hindi nakakausap sana nga lang hindi s'ya galit at sumagiot s'ya sa tawag ko.


Nakailang ring pa bago n'ya sinagot ang telepono n'ya pero agad akong nakahinga ng maluwag sa pagsagot n'ya. 


"Hello..." Malamig na bungad n'ya.


I felt shiver run down my spine because of the intensity of coldness of her voice. I don't like it and this is the first time she became like this to me. Kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ko sa kanya hindi s'ya kahit kailan naging ganito.


"Madj... Si Jer 'to..."


Pero bago pa ako makapagpatuloy, pinutol na n'ya ako, "Alam ko, anong kailangan mo? Diretsuhin mo na ako. 'Wag mo ng sayangin ang oras ko. Ano? May problema na naman kayo ni Tristan."


Napahinto ako saglit, yun ba ang pakiramdam n'ya? Na pinupuntahan ko lang s'ya kapag may problema kami ni Tristan? Pero agad ko din yang binalewala ng maalala ko si mama.


"No, Madj, pwede ka bang pumunta sa bahay para tignan si mama? Bigla na lang kasing naputol yung tawag. Nag-aalala ako, hindi kasi maganda yung binalita n'ya bago naputol yung tawag, baka kung ano ng nangyari dun. Please, Madj!" Pagmamakaawa ko.


I instantly felt her worry at agad kong narinig ang mabilis n'yang pagkilos bago n'ya patayin ang tawag. 15 minutes. That's how long it takes to go from Madj's hose to ours. And I think I just had the longest 15 minutes of my life. Nakaabang lang ako sa telepono habang paikot-ikot na naglalakad, hindi alam ang gagawin bago muling nagring ang telepono ko.  


Agad ko yung sinagot pero sa tono pa lang ng pananalita ni Madj alam ko na agad na hindi magandang balita ang dala n'ya.


"Inatake si tita, dadalhin na namin s'ya sa ospital."


And that statement shattered the little strength that I have at that moment.


-----------------------

limalec: Ganun po ulit 150 votes update agad, kapag hindi next week na. 



Can't Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon