thirty-two:

6K 261 25
                                    

Mabilis ang naging recovery ni mama, pero sa tuwing pumupunta kami sa ospital ay madalas s'yang tulog at nagpapahinga. I am very thankful for her speedy recovery, but somehow I dread the moment that she'll be completely fine. Don't get me wrong, it's not that ayoko s'yang gumaling--dahil gustong-gusto ko--hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya na kasal na ako, at hindi lang sa kung sino kung hindi kay Tristan. 


Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na hindi s'ya mabibigla. Ang sabi ng doctor dapat daw ay iwasan muna naming makaramdam ng sobrang emosyon si mama para sa ikabubuti n'ya. Kaya isang araw ay pinakiusapan ko si Tristan.


He was in the kitchen, preparing our breakfast, nang lumabas ako ng kwarto--nag-isang suite na lang kami ni Tristan na dahil useless kung maghihiwalay pa kami dahil gusto ko na kasama ko s'ya sa pagtulog habang nasa ospital pa si mama. His presence comforts me so much. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi n'ya nang makita akong nakatayo. He looked at me warmly and I felt something tug in my heart. I walked towards the dining table habang s'ya naman ay bumalik sa ginagawa n'ya. Inilapag n'ya sa harap ko ang niluluto n'ya nang makaupo ako tapos ay inilatag n'ya ang napkin sa mga hita ko bago s'ya umupo sa harap ko. 

   

Tinignan ko s'ya sa mata habang s'ya ay nakatitig sa akin na parang kinakabisa n'ya ang bawat sulok ng pagkatao ko bago s'ya banayad na ngumiti. Payak kong sinuklian ang ngiti n'ya bago ako nagsalita, "T-Tristan..." Tumikhim ako dahil sa panunuyo ng lalamunan ko bago ako nagpatuloy sa pagsasalita, "Ahm... Ano..." I looked at him and saw how he urges me to continue as if nothing can go wrong, "Mama's condition is fragile, the doctor said so, at ayoko sana s'yang biglain sa pagsasabi na kasal na tayo." Tumamlay ang ekspresyon n'ya pero pinili ko pa ring magpatuloy. Hinawakan ko ang kamay n'yang nakapatong sa mesa para bumalik s'ya sa akin bago ko tinuloy ang pagsasalita, "Mama knew what happened. I didn't say anything dahil ayoko din na pag-usapan ang lahat, but I know that she has an inkling of an idea of what really happened, and let's just say that that really put you in a very bad light. Hindi man n'ya sabihin pero alam ko na ayaw na n'ya akong mainvolve sa'yo dahil sa tuwing mapapag-usapan ka ng kahit sino sa paligid namin, mabilis n'yang pinuputol 'yun. Pwede bang huwag muna nating sabihin sa kanya?" I stopped for a moment and looked at him to ask for understanding.


His expression is stoic, as if blood drained from his face. Kuyom ang kanyang kamao habang pigil ang hininga n'ya. 


Hinimas ko ang kamay n'ya para kalmahin s'ya pero halos tumigil ang mundo ko nang nag-angat s'ya ng tingin sa akin. Pula ang gilid ng mga mata n'ya at kagat n'ya ang labi n'ya.


"T-Tristan..."


He shook his head, "I-it's okay. I understand. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko babaguhin ang pagtingin sa akin ni tita. Paano kung hindi n'ya matanggap? I know you'll always choose your family over me, your friends over me, Carlo over me. Ano pang laban ko? This is my last chance at kung mawawala ka sa akin sa pagkakataon na 'to wala na kong magagawa kung hindi ang pakawalan ka. Pero ayoko. Pwede bang huwag? Ayaw kitang mawala, Jer. Pero paano kapag tumutol ang mama mo? Ano ng mangyayari sa atin?" As he said those word I saw his body shake as if he's scared, and somehow in the most hidden depth of my heartI also felt scared.


"Everything's gonna be okay." I comforted him while holding his hand tightly.


Though his words keep swirling in my mind. I'll never choose him over my mom. I wouldn't, would I?


Nang mga sumunod na araw, tuwing pumupunta kami sa ospital hindi pumapasok si Tristan sa kwarto ni mama. Iniiwasan n'ya na makita s'ya nito at magtanong, maybe it is his own way of granting my request. 


Somehow I am thankful, pero hindi naalis sa akin ang pakiramdam na para akong napapagitnaan ng dalawang batong nag-uumpugan. Naiipit ako. I know that Tristan is hurting--at may parte sa akin ang nababagabag sa isipin na yun--but I can't also risk my mom.


Kaya nang minsan na dumalaw ako at nagtanong si mama tungkol sa mga bagay na na-miss n'ya habang nasa ospital s'ya ay halos hindi ko s'ya masagot,


"Ano bang nangyari? Paano tayo napunta dito--sa Cleveland?"


Natigilan ako sa tanong n'ya pero pinili kong maging honest hangga't maari dahil ayokong pagsinungalingan si mama, "Kinailangan kang operahan, Ma, pero medyo mababa ang chance of survival kaya inilipad ka namin dito."


Napakunot ang noo n'ya sa kwento ko, "Pero paano? Hindi naman sa pag-aano, pero alam ko na wala naman tayong malaking pera, anak."


Hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin, but I stick to something close to the truth, "T-tinulungan po ako ni Tristan..." Alanganin kong sabi.


"ANO?" She said almost hysterically. 


I already expected this from her pero ng marinig ko ang pagtataas ng boses n'ya ay nakaramdam pa rin ako ng matinding kaba kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya para kalmahin s'ya. 


"Ma, calm down. Masama sa inyong magalit." 


"Anong calm down, calm down sinasabi mo? Diyos ko, anak! Lumapit ka na naman sa taong yun, hindi ka pa ba nadadala? Ilang beses ka na bang nasaktan dahil sa kanya? Ilayo mo naman ang sarili mo sa sakit, hindi ka ba naawa sa sarili mo?"


"Kung kaya ko lang, Ma, matagal ko ng ginawa..." I muttered to myself. "Kung kaya ko lang...pero hindi. Mahirap layuan ang taong ginagawa ang lahat ng paraan bumalik at mahulog ka lang ulit sa kanya."


Mahirap. 

  

-------------------------------------------

limalec: 120 votes and 30 comments po. :)

Can't Let You GoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang