twenty-nine:

5.8K 285 25
                                    

I was thinking so hard na nararamdaman ko na ang pagpalpitate ng utak ko dahil sa pilit nitong pag-iisip kung anong meron sa 2011, when it suddenly struck me. 


2011 was the year of pain, hardships, and agony. It was the year when I broke up with Tristan, when I left him without even explaining myself and the year when he found Fritzie. But why was he buying me clothes that year in spite of what happened between us? Could he have been waiting for me all those time? Could he have been waiting for me to come back to him?


NO. That's impossible. Bakit naman nya gagawin yun? He has Fritzie. Bakit naman n'ya ko hihintayin?


Urgh! I don't know what to think anymore. 


 I thought I really know what happened back then pero bakit sa mga nakikita ko ngayon parang wala pala akong kaalam-alam sa totoong nangyari? 


Tristan had Fritzie, but why was he buying clothes for me, waiting for me to come back? I don't know. Hindi ko na alam. I am so confused right now and I need answers, kung hindi baka bigla na lang sumabog ang utak ko. Pati ang puso ko hindi mapalagay sa mga nangyayari ngayon.


Mabilis akong nagbihis before I rushed downstairs to look for Tristan, pero ang naabutan ko lang sa dining room ay ang malamig na tasa ng pinag-inuman n'ya na kape--wala na s'ya. Bumagsak ang balikat ko pero nagbakasakali pa rin ako ng may pumasok na kasambahay doon,


"Uhm... Manang, alam n'yo po ba kung nasaan si Tristan?"


Natigilan ang kasambahay sa tanong ko bago n'ya ako tinitigan na parang hindi s'ya makapaniwala na nasa harap n'ya ako at kinakausap s'ya, "Ma-ma'am Jer..." Ilang beses s'yang lumunok ng laway na ikinakunot ng noo ko bago s'ya nakahuma, "A-ano po... Umalis na po si sir. Kaaalis lang po. Hindi ko po alam kung saan nagpunta pero narinig ko mag-aayos daw po ng papel sabi sa kausap n'ya kanina."


Marahan akong tumango sa sinabi n'ya at nang nakita n'ya ang reaksyon ko ay agad na s'yang lumabas.  


"Te-Teka...." Pero hindi ko na s'ya nahabol para itanong kung bakit n'ya ako kilala at kung bakit ganun ang reaksyon n'ya ng makita ako.


Nakatulala pa rin ako sa mesa habang nag-iisip sa nangyari nang may tumikhim sa likod ko. Agad akong napalingon at isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin, "Miss Jeraldine," He nodded in my direction as if to acknowledge me, "It is extremely nice to see you here again."


"Richard," I nodded hesitantly.


He smiled politely at me, "It's been a long time, Miss Jeraldine. I'm glad you're back not just here in the mansion, but in master's life."


I do not know how to respond to him so I stuttered and even failed to form a single coherent word, "Uh...Uhm..."


He smiled dearly at me, "By the way, Miss, ipinagbilin ka sa akin ni Master kaya kung may kailangan ka, 'wag kang mahiyang magsabi. It is my job to cater to everything you need."


Tumango lang ako dahil hindi ko mahanap ang dila ko, at nakangiti s'yang umalis sa hapag kainan. Napahinga ako ng malalim pagkaalis n'ya at agad akong napatingin sa mesa na puno ng kung anu-anong pagkain. Parang wala yata akong ganang kumain dahil sa mga gumugulo sa isip ko kahit gaano pa kasarap ag itsura ng mga pagkain sa harap ko.


Nakaupo ako sa hapag habang nakatulala at nag-iisip ng mga nangyayari nang mag-ring ang cellphone ko, agad ko 'yung sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.


"Hello?"  Walang gana kong bungad sa kausap ko.


"Good morning, Jer! Have you eaten your breakfast already? I'm sorry hindi kita nasabayan, inaasikaso ko pa kasi ang mga papeles ni tita. But, I promise, I'll go home as soon as matapos ko 'to." Seryoso pero may halong lambing na sabi n'ya.


"Tr-Tristan?" I uttered dahil sa gulat na naramdaman ko sa pagtawag n'ya.


"Hmm?" He hummed in a very cheerful tone.


"Ah...uhm...wala."  Natataranta kong sagot. Hindi ko alam kung bakit pero parang naumid ang dila ko at hindi ako makapagsalita ng maayos.


"Are you okay, Jer? You don't seem fine to me. Kumain ka na ba?"  His tone suddenly turned wary.


"Ha? Ah...hindi pa."


He tsked, "It's late, bakit hindi ka pa kumakain? You should eat. I'll go home as fast as I can. Kumain ka na, okay?"


"Ha--?" Pero hindi pa man ako nakakahuma ay narinig ko na ang pagkausap ng kung sino kay Tristan tungkol sa pinapaayos n'ya.


"I have to go. I'll see you later, okay?" He urgently said. I was about to drop the phone when I heard him say, "I miss you already, Jer."   


------------------------------------------------

limalec: Dapat yata magrequire talaga ako ng Votes and comments. Ang baba kapag hindi e.  


150 and 20 ulit tayo. :)


Can't Let You GoWhere stories live. Discover now