forty-one:

5.6K 199 9
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa pagdampi ng mainit na labi sa noo ko. It was Tristan.


"I'll be going. I'll see you later, okay?" Paalam n'ya na tinugon ko naman ng marahan na pagtango bago ako bumalik sa pagtulog.


Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Pagkatapos ko kasing kausapin ang mama ni Tristan ay agad akong dumiretso sa tabi n'ya. Nakatagilid s'ya sa paghiga at nakatakip ang mga mata ng kamay pero alam ko na hindi pa s'ya natutulog. Humiga ako sa tabi n'ya at niyakap ko s'ya mula sa likod. Hindi ako nagsalita, basta niyakap ko lang s'ya ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya na tama ang ginawa n'ya at hindi s'ya nag-iisa.


He tensed and it took a moment before he relaxed under my touch. Bigla ay humarap s'ya sa akin at sumiksik sa dibdib ko. "Thank you for being here Jer. I love you." He gently whispered


Hindi ako sumagot sa halip ay hinaplos ko lang ang buhok n'ya hanggang sa nakatulog na s'ya. I didn't question what I was doing. Sinusunod ko lang kung anong nararamdaman ko, at ito ang sinasabi nitong dapat kong gawin.


Nang tuluyan na akong nagising ay alas diez na ng umaga. It's almost lunch and I suddenly had this urge to cook lunch for Tristan and surprise him.


Bumangon akong may ngiti sa labi dahil sa idea na naglalaro sa isip ko. Hindi naman ako nahirapan dahil puno ang fridge namin ng kung anu-ano at lahat ng kailangan ko ay nandun na. I'm not much of a cook kaya simpleng pagkain lang ang niluto ko.


Inilagay ko yun sa tupperware at inayos sa lalagyan na dadalhin ko. Nang lumabas ako sa bahay ay nakaayos na ang driver na parang kanina pa ako hinihintay.


"Kuya, punta po tayo sa office ni Tristan." Nakangiti kong sabi sa kanya.


Agad naman s'yang tumango sa akin at ipinagbukas ako ng pinto. Pumasok ako sa loob tapos ay sumakay naman s'ya sa driver's seat. I am in a very good mood, pero hindi pa man kami nakakaandar ay tumunog na ang cellphone ko.


It was my supervisor at agad ko iyong sinagot. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko ay halos mawala na sa isip ko ang OJT ko. Tristan filed a leave for me at hindi ko alam kung hanggang kailan yun. Kaonti na lang naman ang araw na kailangan kong irender dahil halos patapos na din naman ang kontrata ko. Ang hindi ko lang alam ay kung pag-eextendin nila ako dahil sa tagal kong nawala.


"Hello, sir..."


"Hello, Ms. Vizcond--or should I address you as Mrs. Galliego?" Saglit na natigilan ang supervisor ko sa tanong n'ya.


Hindi ko alam ang isasagot kaya iniba ko na lang ang usapan, "Uhm... Bakit po kayo napatawag, sir?"


"Wala naman, hija. Gusto ko lang sanang itanong kung kailan ka babalik? Malapit na din kasing matapos ang kontrata mo pero kulang ka pa ng ilang oras sa school requirement mo. Nag-aalala lang kasi ako baka madelay ka pa sa pag-graduate."


Napakunot ang noo ko sa tono ng boses n'ya. Para s'yang nakikipag-usap sa bata at parang takot na takot s'ya na ma-offend ako sa sinasabi n'ya. Don't get me wrong, mabait naman ang supervisor ko. He's professional, not like this.

Can't Let You GoWhere stories live. Discover now