forty:

6.3K 237 9
                                    

After scolding him for what he did, Tristan decided not go to work. He spent the day with me and did not leave my side. His phone kept ringing but he just ignored it until he finally decided to just turn it off. 

"Tristan, bakit hindi ka pumasok? Siguradong magulo ngayon dahil sa nangyari. Masyadong malaki ang mga Galliego at siguradong malaking problema ang pagbagsak ng negosyo nila." Nag-aalalang tanong ko nang mapansin kong wala na talaga s'yang balak na makialam sa mga nangyayari.

His stony face remained, "I warned them, didn't I? Sinabi ko na na wag nilang guluhin ang buhay ko, pero pinili pa rin nilang manghimasok. I just taught them a lesson, para sa susunod alam na nila na hindi ako magiging sunud-sunuran sa mga gusto nila--lalo na kapag ikaw na ang pinag-uusapan." seryoso n'yang pagkakasabi, "I knew this would happen and I prepared for this a long time ago."

Agad na naagaw nang sinabi n'yang yun ang atensyon ko, "My parents are cruel. Wala silang pakialam sa ibang tao, ang mahalaga lang ay ang sarili nila at ang yaman nila. They are miserable, and they want the people around them to be miserable too. I'm not stupid. Unang beses pa lang kitang nakita, alam ko na kung anong gulo ang pinasok ko. I know how much they would disapprove and how they'll do everything to break us apart. They are a product of fixed marriage--they left the people they really love for the sake of money--and they expect me to do the same. But I'm not blind, I know that money isn't everything. It can even ruin you, if you let it control you. And I don't want that. What I only want is you, Jeraldine, because you showed me what happiness really is."

His words struck me, and fear suddenly gripped my heart. Paano kung lahat ng ito ay pagkakamali lang? "Tristan, paano kung lahat ng 'to ay akala mo lang. Paano kung hindi mo lang ako mabitiwan kasi akala mo ako lang ang makakapagpasaya sa'yo? What if you just became obsessed with the idea that the only way you'll be happy is if you'll be with me?"

Saglit din s'yang natigilan tila pinapakiramdaman kung ano ang totoo sa puso n'ya. Mas lalong sinakal ng takot ang puso ko. What if he's just in love with the idea of being with me and not really me?

He then shook his head, "Nobody can define what I feel towards you. Even I, can't, because even the word love will not be enough to describe this. I love you, yet those words will never be enough to tell you how I feel. I'm not just in love with the idea of being with you, but rather I'm in love with you. Your whole being. You made this world beautiful. You changed how I looked at it. And ever since you came, my life had a different meaning and that is making you happy."

Natahimik ako and somehow bitter memories started flooding my mind. Iniangat n'ya ang baba ko at pinilit akong tumingin sa kanya, "I'm sorry. I know I did a lot of things that hurt you so much, but believe me, I did all that because I thought that that will be for the best. Because I thought that somehow the result will be worth all the pain."

Hindi na ako kumibo. Pinili ko na lang tumahimik. We spent the day in silence kahit na minsan ay nahuhuli ko ang mga mata n'yang paulit-ulit na sumusulyap sa akin. I don't want to talk. A lot of things are running inside my head at lalo lang gumugulo ang isip ko tuwing ibinubuka ni Tristan ang bibig n'ya para magsalita.

Every once in a while tinatanong n'ya ako kung gusto ko bang kumain, pero tanging pag-iling lang ang sagot ko. He got it, alam n'ya na ayokong magsalita at maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Pero nang dumating na ang alas dose ay hindi na s'ya nakatiis at hinila na n'ya ako papunta sa isang mamahaling restaurant. He did not bother to ask me what I want anymore because he knows that it would be futile. He ordered for me at hinayaan ko s'ya, bukod kasi sa wala naman akong gana dahil sa nangyari ay alam ko na alam n'ya kung ano ang gusto ko sa pagkain.

Nang dumating ang medium rare na steak sa harap ko ay dun ko lang naramdaman ang gutom. Its smell enticed me and I can't help but give in. Doon ko lang naalala na hindi pa nga pala kami nagbebreakfast dahil bago pa namin yun nagawa ay dumating na ang mama ni Tristan kasama si Fritzie.

Fritzie. Even her name pains me.

I waved it off and focused on the food in front of me. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Tristan sa akin habang kumakain s'ya ngunit hindi ko yun sinuklian. Uminom pa s'ya ng wine na parang balewala lang ang lahat ng nangyayari ngayon kahit na alam ko na nagkakagulo na ang mga tao. The Galliegos are a prominent family at hindi lang sila ang maapektuhan sa pagbagsak ng negosyo nila kung hindi ang maraming tao.

When we went home later that afternoon ay naabutan pa din namin ang mama n'ya sa bahay namin, ngunit 'di gaya kanina ay halata na sa mukha nito na marami itong iniisip. She ran towards us when she saw us at halos balisa s'yang lumapit kay Tristan.

"Stop it. Tigilan mo na, pigilan mo ang mga tao mo sa pagsimot sa mga negosyo ko." She frantically said.

But Tristan did not budge even a bit. Tumingin pa s'ya sa relo n'ya habang sinasagot ang mama n'ya, "Don't you think that's too late now? Kaninang umaga ko pa iniutos yun at malinaw kong sinabi na dapat ay matapos nila yun sa loob ng limang minuto. Did they fail to follow my order? Hmm... If that's the case I should probably fire a few people who cannot follow a simple instruction." Tapos ay diretso na s'yang naglakad papasok sa loob habang hawak ang kamay ko.

His mom is crying now, at hindi ko napigilan ang kurot na naramdaman ko sa aking puso. She may be ruthless, pero kahit anong mangyari ay nanay n'ya pa rin ito.

Dumiretso si Tristan sa sala at umupo sa sofa. Sinabunutan n'ya ang kanyang sarili at kita ko ang frustration sa kanya. He may look ruthless to other people, but he still has a heart. Alam ko na mabigat din sa puso n'ya ang pagpapasakit na ginagawa n'ya sa mama n'ya. He loves his mom, his just blinded with the pent up anger that was built through the years of suffering.

Nilapitan ko  s'ya, niyakap, at hinimas ang likod. Pinakalma ko s'ya sa pamamagitan ng paghaplos ko sa likod n'ya at nang maramdaman ko ang bagal ng hininga n'ya ay tsaka ako nagsalita, "You love her. You will always love her, because she's your mom. She may be cruel, but you love her. Bakit mo pinipilit na tiisin s'ya kung nasasaktan ka din sa ginagawa mo?" I softly said to him.

Marahan s'yang napatingin sa akin ngunit hindi s'ya nagsalita. Banayad ko s'yang nginitian at tinignan ng maigi sa mata, "I don't want you hurt, Tristan. If something's hurting you then you should do something about it. Do something to stop it from hurting. I'm not asking you to forgive your mother, alam ko na hindi mo lang 'to ginagawa dahil sa pinaghihiwalay n'ya tayo, matagal mo 'tong hinintay. Ginusto mong gumanti dahil sa lahat ng nangyari, pero masaya ka ba?" I let that question sink in bago ako nagsalita, "Hindi dahil nasasaktan ka din. So I'm asking you Tristan, not for me but yourself to just let go. Stop it. No matter what they did they are still your parents, they may not understand you, pero kung hindi ka nila maintindihan bakit hindi mo subukan na ikaw ang umintindi?"

He did not say anything at wala akong nagawa kung hindi ang yakapin lang s'ya, he needs this. He needs someone to show him that he is not alone. That everything will be okay. 

Walang sabi-sabi s'yang kumalas sa pagkakayakap ko at dumiretso sa labas. Sinundan  ko s'ya pero hindi na ako lumapit nang nakita ko ang pakikipag-usap n'ya sa mama n'ya.

"I'll stop. I'll give everything back, just, please, stop meddling with my life. Mahal ko si Jer at hindi ko kaya na mawala s'ya. Mahal ko s'ya higit pa sa pagmamahal n'yo sa pera at negosyo n'yo." Agad s'yang tumalikod pagkasabi n'ya nun at dumiretso sa taas paakyat sa kwarto namin.

Lumabas ako para puntahan ang mama n'ya pero matapang at nanlilisik na mata ang isinalubong nito sa akin, "What? Are you happy now that you get what you want? You wanted this, right? You wanted to prove to me that you got Tristan wrapped around your fingers." She said with so much hate.

But I just shook my head and smile gently at her, "Hindi po. Hindi ko kontralado kung anong gustong gawin ni Tristan, may sarili s'yang isip at alam na n'ya ang ginagawa n'ya." Maikling paliwanag ko bago ko sinabi ang gusto ko talagang sabihin, "Gusto ko lang po'ng magpasalamat kasi kung hindi po dahil sa inyo wala po si Tristan. Thank you for giving birth to him, ma'am." Tapos ay nginitian ko s'ya ng mas malaki bago ako tumalikod at iwan ang naestatwa n'yang mukha.

It's true. I'm grateful that Tristan is alive. I don't know why, but I'm thankful. Kahit na ialang beses n'ya akong paulit-ulit na sinaktan, masaya pa rin ako na nandyan s'ya.















Can't Let You GoWhere stories live. Discover now