eleven:

6.9K 266 47
                                    

I felt deep, heavy eyes staring at me. I stirred, but I immediately felt how the world spins around me. Shit! I'm drunk--or rather I was drunk, and what I am feeling right now is a major hangover.


I slowly opened my eyes kahit na sobrang bigat ng pakiramdam ko and deep brown eyes greeted me. He smiled warmly at me, at kahit medyo disoriented pa ay napuno na agad ng pagtataka ang isip ko, why the hell am I here? Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nang mapagtanto ko na nakadantay ako sa lalaking kaharap ko habang mahigpit n'ya akong yakap ay agad akong kumawala sa kanya.


"Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?" Paghihisterikal ko.


He tried to calm me down by touching mo, pero hindi ko s'ya hinayaan, bagkus ay iniwasan ko lang ang kamay n'yang nagtangkang humawak sa akin. I glimpsed at his face at kitang-kita ko ang sakit na gumuhit sa mukha n'ya dala ng pag-iwas ko. I looked away at marahan lang akong tumayo palayo sa kanya.


"Tell me, what happened? I am quite sure that this is not my room, so what am I doing in your room, Tristan?" Diretso ko'ng tanong at mababakas sa boses ko ang kaseryosohan doon.


Napayuko s'ya, as if he is trying to word things in his mind properly before he blurt it out, "You... You were so drunk last night that you kept on knocking on random doors, I snatched you away before things get out of hand. You were disturbing the whole vicinity, at alam kong mapapahamak ka kung hindi kita kukunin kaya dinala na kita dito."


I felt embarrassed as I remember the things that happened last night, pero dahil sa pride ko na natapakan dahil sa katangahan ko kagabi pilit ko s'yang di pinansin at sa halip ay inirapan ko lang s'ya.


"By the way, your breakfast is ready. I cooked some bacon and omelet for you, alam ko kasi na masakit ang ulo mo pagkagising mo dahil sa hangover--medyo naparami kasi ang inom mo kagabi, mukhang naenjoy mo ng husto ang party--and I've read somewhere that greasy food can ease the pain. Nag-brew na din ako ng coffee for you... Wait, Ihahanda ko na, para paglabas mo kakain ka na lang." He said cautiously but with utmost sincerity.


Pero binalewala ko lang yun dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa relo. It's already 11:00 a.m., Shit, si Carlo! Siguradong nag-aalala na yun. I need to get out of here fast.


I immediately fixed myself and in just a few minutes I am ready to go. Dire-diretso akong naglakad papunta sa pintuan pero bago pa man ako makarating doon ay naharang na ako ni Tristan, "Hey! Where are you going?"

I faced him without any hesitation, "Aalis na." I said like I'm stating the obvious.

"Don't you like to eat first? I already prepared your breakfast." Pang-eengganyo n'ya.


Pero inilingan ko lang s'ya, "I can't. I have to go." I firmly said.


"Please... Just eat, Jer. I know masama pa ang pakiramdam mo, and the food that I prepared will help you feel better."


Napakunot ang noo ko sa pangungulit n'ya, "I said I can't, right? Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? I can't because I can't. It's already 11:00 a.m., siguradong nag-aalala na sa akin si Carlo, siguradong hinahanap na ko nun." Inis na paliwanag ko, pero agad ko ring napansin ang paghinto n'ya nang mabanggit ko ang pangalan ni Carlo. Saglit akong natigilan sa reaksyon na nakita ko, but I tried to ignore that at pinili kong dumiretso na lang sa paglalakad palabas ng hotel room n'ya pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay nahawakan n'ya na ako sa kaliwang braso ko para pigilan. Masama ko s'yang binalingan ng tingin pero seryos lang s'yang nakatingin sa akin, "Ano ba, Tristan, bitawan mo ko!" I harshly exclaimed.


For a moment he did not speak and he just looked at me intensely, "Carlo?" He uttered with clenched teeth, "Carlo na naman? Palagi na lang ba'ng s'ya Jeraldine? Palagi na lang ba'ng sya ang papagitna sa atin. Palagi na lang ba'ng s'ya ang una sa listahan mo? Paano naman ako? I'm doing everything for you. I'm doing everything para mapansin mo ulit ako, pero bakit ni ayaw mo akong tapunan ng tingin at nakatuon lang ang buong atensyon mo sa kanya? Paano naman ako, Jer? Ginagawa ko naman lahat, ah?"


I did not speak, I just looked at him fiercely. Letting him see how stupid his question was, "Kasi, Tristan...Tapos na tayo. Wala ng tayo. Kaya 'wag ka ng umasa na maitutuon ko ulit ang atensyon ko sa'yo, dahil wala ng tayo. Tapos na, matagal na." I stopped and looked at him intensely para maabsorb n'ya ang sinabi ko, "At pwede ba? 'Wag kang umasta na parang kasalanan ko ang lahat, dahil alam nating pareho na hindi yun totoo. I did everything to save us--the relationship we have--nagpakatanga ako--sobra pa nga sa sobra e! Habang ikaw, nasaan ka? Nandun sa piling ni Fritzie, kinocomfort s'ya at inaalagaan, dahil diba sa huli--sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sa'yo--para sa atin--s'ya parin? S'ya pa rin ang pinili mo. Kaya pwede ba, tama na? At please lang, 'wag mo kong baliktarin dahil alam nating pareho ang totoo."


Nagsukatan kami ng tingin pero s'ya na rin ang nag-iwas.


"Bakit si Carlo? Bakit si Carlo na lang palagi? Simple lang, kasi si Carlo palaging nandyan para sa akin. Kasi si Carlo, pinaramdam n'ya sa akin kung paano mahalin. Kasi si Carlo, naipakita n'ya sa akin na mahalaga ako. Kasi si Carlo, hindi ako sinaktan at hinding-hindi n'ya ako sasaktan. Kaya 'wag na 'wag kang magkakamal na ikumpara ulit ang sarili mo sa kanya. Dahil iba si Carlo, ibang-iba sa'yo!" Mariin kong binigkas ang bawat salita hanggang sa tumagos lahat ng nararamdaman ng puso ko sa kanya.


Nakita ko ang pagtakas ng luha sa kanyang mata, pero mas pinili ko'ng tumalikod na lang sa kanya gaya ng pagtalikod n'ya sa pangako n'ya sa akin noon. At kasabay ng pagbagsak ng pinto ay ang pagbagsak n'ya at ng kanyang mga luha sa sahig. Rinig ko ang mga hikbi n'ya sa likod ng nakasarang pinto. Ramdam ko ang mga hinagpis at pagsisisi n'ya. Pero huli na ang lahat. Hinding-hindi na ko babalik sa nakaraang pilit ko ng kinakalimutan. I already moved, and I will keep on moving.


Away from the past and away from him.


------------------------------------------

limalec: I know this is a very very late update. Sorry busy lang talaga with thesis, prelims, events management, and all that shit. Siningit ko lang talaga 'to dahil alam ko na naghihintay kayo. Enjoy reading! And, your vote and comment will be highly appreciated.


Can't Let You GoWhere stories live. Discover now