thirty-four:

5.6K 238 12
                                    

My heart was filled with worry when we arrived in the Philippines. Bukod kasi sa hinid ko pa nasasabi kay mama ang totoo ay mayroon din akong kakaibang kaba na nararamdaman--as if something bad is bound to happen.


Hindi ko alam kung saan kami didiretso. Ayokong humiwalay kay mama dahil alam ko na kailangan n'ya ako, wala din namang sinabi si Tristan kaya wala talaga akong ideya kung saan kami tutuloy.


Nakasakay na kami sa kotse ni Tristan at busy s'ya sa pakikipag-usap sa kung sino sa telepono. Kanina pa s'ya nakababad sa telepono n'ya dahil pagkalapag pa lang ng eroplano namin ay may tinawagan na s'ya agad.


Pareho kaming hindi nagsasalita ni mama, tahimik lang at nakikiramdam. Hinahayaan lang namin si Tristan na magsalita sa kausap n'ya kaya nung ibinaba n'ya ang telepono at bumaling sa amin ay nabaling ang buong atensyon namin sa kanya.


"Everything is arranged. Naikuha ko na si tita ng nurse na tutulong sa paggaling n'ya." Sabi n'ya sa akin pero paminsan-minsan ay sumusulyap s'ya kay mama.


I gratefully smiled at him na sinuklian n'ya din naman ng isang matamis na ngiti. Napatingin ako kay mama ng bigla s'yang tumikhim at nakita ko ang nagtatanong n'yang mga mata kasabay ng pagtaas ng kilay n'ya sa akin.


Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa pangingilatis ng mga mata ni mama na nakatuon sa akin. Hindi ko alam kung hanggang kaila ko kayang magtago kay mama. She knows me way too well at alam ko na kahit papano ay may ideya na s'ya na may itinatago akog sikreto sa kanya.


Dahil sa traffic ay inabot na kami ng tanghali sa daan kaya huminto muna kami sa isang restaurant para kumain at sinamantala ko ang pagkakataong iyon para makausap si Tristan ng wala si mama.


"Where are we going after this?" I asked ng makakita ako ng pagkakataon na kausapin s'ya.


"I'm not sure. I'm still waiting for your decision. I know that you want to be with your mom until she gets better and I won't stop you from doing that. Kaya kung gusto mo na tumuloy muna sa bahay n'yo ay ayos lang sa akin. I'll just wait at our home patiently until you decide to go to me. But if you decide to go home with your mom, hindi pwede na walang magbantay sa'yo. You are now my wife at mainit ka na sa mata ng mga tao lalo na't nakabroadcast sa buong Pilipinas ang kasal natin. Please allow me to give you some bodyguards. Kung naiilang ka na kasama sila, I can just ask them to blend in para hindi na din sila mapansin ni tita." He sincerely offered.


Nag-isip akong maigi pero hindi mawala ang pangamba sa akin, nasa Pilipinas na kami at hindi pwedeng hindi malaman ni mama ang pagpapakasal namin ni Tristan. Tristan saw the worry that I'm trying to hide, "What's wrong?" He asked.


I shook my head in response, "Iniisip ko lang kung paano ko sasabihin kay mama na kasal na tayo. Nasa Pilipinas na tayo at imposibleng hindi n'ya malaman at bago pa n'ya malaman sa iba ay mas maigi na kung sa akin manggaling."


He looked at me straight in the eyes as if trying to assure me that things are going to be okay, "I won't interfere with your decision. I won't pressure you. I'll just be by your side at kung kailan mo mapagdesisyunan na sabihin kay tita, nandito lang ako para sumuporta sa iyo. I will be there for you, always." He sincerely said and I felt something warm touch my heart.


Ngumiti ako sa kanya bilang pagpapasalamat na sinuklian n'ya rin ng isang matamis na ngiti bago n'ya ako hinawakan at dinala sa mesa na nakahanda para sa amin.


Sandali lang kaming kumain doon at nang matapos kami ay agad din kaming umalis. Inihatid kami ni Tristan sa bahay at ipinakilala n'ya ang nurse na hinire n'ya para kay mama. Halos kaedaran ko lang si Ida at mukhang napakabait n'ya, kakakita ko lang sa kanya pero napakagaan na ng loob ko sa kanya.


Hindi umalis si Tristan maghapon sa bahay, nandoon lang s'ya tahimik at madals ay nahuhuli ko s'yang nakatingin sa akin. Pero sa halip na mag-iwas s'ya ng tingin ay mas lalo n'ya pa akong tinititigan kaya ako na lang ang nag-iiwas ng tingin. Kaya nga lang nang umabot na ng alas-onse at tila wala pa ring balak na umalis si Tristan ay walang pasintabi na s'yang pinaalis ni mama.


"Aba Tristan, wala ka pa bang balak na umalis? Alas onse na ah? Mukhang kung sasabihin ko na dito ka na lang matulog e talagang hindi ka na mahihiya at dito ka talaga matutulog kaya hindi na ko mag-aalok nun kunyare. Hala! Sige, umuwi ka na. Gabi na. Tantanan mo na ang pagtitig sa anak ko at maghapon ka nang nakatingin d'yan. Konti na lang matutunaw na yan. Uwi na."


Mukhang napahiya sandali si Tristan sa sinabi ni mama pero nang nakabawi s'ya ay agad na din s'yang nagpaalam, "S-sige po, tita." Natataranta n'yang paalam kay mama tapos ay nilagpasan n'ya so mama para lumapit sa akin. Tumingin s'ya sa mga mata ko tsaka n'ya marahang hinaplos ang mukha ko, "I'll be back tomorrow." He said as if he is assuring me though it seems like he is saying that more to himself rather than me, "I'll miss you. I'll miss sleeping next to you. Parang hindi na ko sanay na matulog na wala ka sa tabi ko. And you know what?" Binitin n'ya ang tanong n'ya.


Napataas ang kilay ko sa sasabihin n'ya, "What?"


"I would kill to kiss and hug you right now, but your mom is already throwing daggers at me and I know you won't let me. Though I hope you will. Definitely hoping. One day... I'll be able to kiss you when I want to, and you will not hesitate to kiss me back. That day will happen, I hope it will. I love you, Jer. Bye, for now." Then he gave me a soft kiss on my forehead bago n'ya ko iwan na nakatulala sa loob ng bahay namin.


I blinked and looked around pero gaya ko ay tulala ding nakatingin sila mama sa akin.





Can't Let You GoWhere stories live. Discover now