seven:

7.9K 236 23
                                    

Who would have thought na kakarating ko pa lang sa PIlipinas s'ya na agad ang makikita ko, at sa ganitong paraan pa?

Nakatulala lang ako sa kanya at halos hindi ako makapaniwala sa paglalaro ng pagkakataon sa akin nang bigla syang ngumisi--na nakapagpabalik sa akin sa katinuan.

"What the heck? Gooood Tristan! Kakadating ko lang kahapon tapos nasa harap na agad kita para guluhin ako? Ang bilis mo naman! Ano na naman bang kailangan mo?" I irritatedly asked.

He looked surprise with my outburst at halos hindi sya nakapagsalita, "I..uhm...I'm just..."

I rolled my eyes at him, "Ewan ko sayo! Tantanan mo na nga ako, pwede ba?" Tsaka ako mabilis na tumayo para iwan sya.

Pero bago pa man ako nakaalis ay nahablot nya na ang braso ko, "Wait, Jer. Can we talk?"

I stared at him incredulously bago ako nagkunyaring nag-iisip, "Hmm... What about no?"

"Jer, please..." He pleaded, which irritated the heck out of me.

"Tristan, look... Hindi ko alam kung bakit gusto mo pang makipag-usap. I mean, bakit pa? We're over. Matagal na tayong tapos at sobrang kapal na lang ng mukha mo kung nagbabalak ka na naman na guluhin ang buhay ko. Kasi tangina lang! Ilang taon akong wasak at kung kailan buo na ko tsaka ka na naman manggugulo. And hell! What did you say? You are ready to win me back? Gago! You can never win me back, dahil matagal ng walang namamagitan sa atin." I pointed.

Hurt flashed in his face, at akala ko makakaramdam na naman ako ng panlalambot ng puso, pero hindi. Wala na kong maramdaman. Hindi na ko naapektuhan.

"Jer..."

I looked at him straight in the eye, "No, Tristan... Look, tama na. I don't know what your intentions are pero kahit ano pa yan isantabi mo na lang yan dahil hindi ako interesado. Ayoko ng makonekta sa'yo sa kahit among paraan. Minahal kita. Sobra. Pero siguro naman tama na yung lahat ng pagpapakatanga ko. 'Wag na nating ipilit. Kasi sa tuwing nagpipilitan tayo wala na tayong ibang napupuntahan kung hindi sakitan."

Napatingin ako sa paligid ko at hindi na ako nagulat na naging sentro na kami ng atensyon. Ano pa bang aasahan ko e si Tristan ang kausap ko.

Mabilis kong inayos ang gamit ko tsaka ako umalis doon. Alam kong nakasunod sa akin si Tristan, ramdam ko. Pero mabuti na na kung mag-uusap kami sa wala na lang tao, dahil wala naman akong balak na pagpiyestahan ng iba ang buhay ko.

Huminto ako sa malapit na park tsaka ko sya hinarap. Hindi ako nagsalita, hinintay ko lang sya na sabihin ang gusto nyang sabihin.

"Jer, anong nangyari? Umalis ka lang tapos ganito na..." Gulong-gulo na pahayag nya. Tapos ay diretso nya akong tinignan bago seryosong tinanong, "Wala na ba talaga? Kasi, Jer, putangina! Mahal na mahal pa din kita!"

Napailing ako sa pahayag nya at hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha ko sa sobrang frustration na nararamdaman ko dahil sa nangyayari, "Tristan, ano ba? Tama na. Ayoko na. Saan ba nanggagaling yang mga sinasabi mo? Malinaw naman yung nangyari bago ako umalis, diba? Yun nga yung dahilan kung bakit ako pumayag na umalis e. Hindi ka pa ba napapagod? Paulit-ulit na lang tayo e."

"No, Jer. Hindi ako napapagod. Hinding-hindi ako mapapagod kung sa dulo naman ng lahat ng uto ikaw ang makukuha ko." Seryoso at puno ng pangako na sabi nya.

Umiling ako, "Siguro ikaw, hindi pa pagod. Pero ako, pagod na pagod na. At kung pwede lang, tigilan mo na. Kasi ayos na ko. Nakamove-on na ko at, oo, wala na kong nararamdaman para sa'yo. Kasi... Tapos. Na. Tayo. Matagal na."

"Jer..."

"Jer..."

Tristan and someone from my back called. Napalingon ako sa nagsalita at laking luwag ng pakiramdam ko ng makita ko si Carlo.

He is smiling but with worry hiding in his eyes. He knows Tristan, of course. Wala naman akong tinataho sa kanya, dahil sa panahong walang-wala ako s'ya ang naging sandalan ko.

He glimpsed at my back before he said, "Ano? Let's go?"

I risked a glance at Tristan at kita ko ang pagkatulala n'ya. He looks so helpless, but maybe this is what he needs-a slap of reality na talagang wala ng pag-asa. Na talagang wala ng kami.

I nodded at Carlo tsaka ko tuluyang tinalikuran si Tristan at naglakad palayo sa kanya, "Pinahiram lang kita sa kanya, pero 'wag kang mag-alala babawiin na din kita. Maghintay ka lang, babalik ka rin sa akin. Believe me, you'll come back to me, I promise."

His words gave me chills dahil alam kong wala pa s'yang binitiwang pangako na hindi n'ya tinupad. But I ignored him and his words, dahil kung magpapasindal ako babalik na naman kami sa umpisa. And besides, I've moved on. Wala na kong nararamdaman para sa kanya, ano pa bang ikakatakot ko?

Hindi naman n'ya ako mapipilit na mahalin s'ya ulit. Dahil gaya ng natutunan ko, walang ibang ay hawak sa nararamdaman ko kung hindi ako.

--------------------------
Limalec: Sorry guys, ang hirap hanapin ni Tristan e. But I'll try to update frequently, basta walang sched nakakapressure yun e.

Can't Let You GoWhere stories live. Discover now