twenty-three:

6.1K 272 39
                                    

Every damn thing was planned and well-prepared, because the moment he realized that I already raised my white flag he started executing everything. He kept on calling a lot of people na hindi ko na nasundan kung sino ba ang kausap n'ya at para saan. Basta ang alam ko lang lahat ng pinag-uusapan nila ay tungkol sa kasal. 


I am still in his office and he's on the phone talking to somebody asking that person toprepare all things necessaryand to deliver something as soon as possible. Fifteen minutes later he is still on the phone seriously talking to a different person glancing at me from time to time, when someone knocked on the door. He opened the door and let the person in. It is a woman carrying a big white rectangular box. Tristan said something to her and he pointed at me and the woman nodded bago s'ya lumapit sa akin habang si Tristan naman ay pumasok sa isang pinto sa opisina n'ya.   


The woman smiled warmly at me and introduced herself, "Hello Ms. Vizconde, I'm Sasha Herrera. I designed and made your wedding gown, and I am here to personally deliver it to you." She cheerfully said.


Bumakas ang gulat sa mukha ko at marahil ay napansin n'ya yun dahil parang napahiya s'ya sa sarili n'ya.


"Don't worry ma'am, siniguro ko po na magugustuhan n'yo ang gawa ko. Pinag-isipan ko po'ng maigi ang wedding gown n'yo at siniguro ko po na maganda ang pagkakagawa nito. Ayaw ko po'ng mapahiya sa inyo, lalo na at isang Gallego ang mismong kumausap sa akin para dito. Marami ang manunuod at makakakita sa kasal n'yo at wala akong balak na sirain ang pangalan ko sa harap nila." She defensively stated.


I shook my head in my embarrassment. Wala akong balak na maliitin s'ya. Sasha Hernandez is one of the best designers in the whole world, she's known not only in the Philippines but also in Europe, U.S.A, and Asia. She's the most sought after designer at base sa mga narinig at nabasa ko ay napakahirap n'yang makuhang designer dahil sa sobrang busy ng schedule n'ya at kung talagang s'ya ang gusto mong makuha na designer you would have to tell her a year before the actual event para makasingit ka sa sched n'ya. That's the reason why I was so shock, hindi ko lubos maisip kung paano s'ya nakuha ni Tristan. Naglalaro sa isip ko kung talaga bang matagal ng nagpadesign si Tristan sa kanya para sa gusto n'yang kasal o talagang malaki lang ang ibinayad sa kanya para pumayag dito.


"S-sorry if it rubbed you the wrong way, hindi iyon ang ibig kong sabihin, nagulat lang ako napapayag ka n'ya para dito." Nahihiyang paliwanag ko.


She shook her head in amusement as if remembering something funny, "Well, it's a Gallego we're talking about and no one can say no to his charisma and tenacity." Natatawang sabi n'ya.


Payak lang akong ngumiti sa kanya and something flashed bubt she easily covered it up with her radiant smile.


"Stand up, susukatan kita para malaman ko kung may necessary adjustments sa gown. And I promise, I'll make you look like a princess just the way you deserved to be."


Tumayo ako gaya ng sinabi n'ya at nagsimula na s'yang sukatan ako. Nagpaalam din s'ya agad pagkatapos nun dahil aayusin n'ya pa raw ang gown na isusuot ko. Gusto n'ya na raw sanang ipakita yun sa akin kaya n'ya dinala pero ayaw daw n'yang ipakita yun na hindi pa maayos ang lahat.   

The moment she left the office, I was left alone with a very heavy heart. Kaya ko ba 'to? Kaya ko bang magpakasal kahit na labag sa puso ko?


I was alone thinking and feeling worst and worst, when Tristan entered the room. 


"Are you ready? Everything is set and in just a few hours you'll be Mrs. Jeraldine Carmel Vizconde-Gallego." 


And with those words I felt like I was hit by a mack truck. 


Later I'll  get married to the man who hurt me over and over.


----------------------------------

limalec: Merry Christmas! Pasko na pero ang buhay ni Jer magulo pa rin. Salamat sa walang sawang pagsama sa buhay ni Jer na parang roller coaster. 

Hindi pa natin nami-meet yung 100 votes and 50 comments pero nag-update na ko, early Christmas gift tsaka kasi aalis ako mamaya, pupunta kami sa bahay ng mga pinsan ko para magcelebrate ng pasko kaya if ever na mamaya pa mareach yung hinihingi ko baka hindi ako makapag-update agad. 

Hindi din ako magseset ng votes and comments ngayon kasi wala ako bukas kaya hindi talaga ako makakapag-update, ayoko naman na magalit kayo sa akin kasi hindi ako tumupad sa usapan, kaya yung vote and comment na ibibigay n'yo sa akin ngayon voluntary. 

Thank you po sa inyong lahat! Mahal ko po kayo! <3 



Can't Let You GoWhere stories live. Discover now