eight:

8.2K 248 14
                                    

"Are you okay?" Tanong ni Carlo nang makalayo na kami kay Tristan.


I nodded kahit na sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng panghihina, "I-I just d-don't know what he wants anymore. Matagal na kaming tapos pero bakit ginugulo nya pa rin ako?"


Umiling s'ya, tanda ng pag di sang-ayon, "Hindi ko alam kung anong gusto nya, pero, Jer, alam kong alam mo na hindi biro ang kakalabanin mo kapag tumaliwas ka sa gusto nya. Hindi birong kalaban ang isang Ray Tristan Benette Gallego, dahil kung gugustuhin nya kaya nyang bilhin ang buong Pilipinas kaya kahit anong takas at paglayo ang gawin mo wala kang mapupuntahan pagdating sa kanya."


Tumango ako habang malalim na nag-iisip, "Alam ko naman yun, at wala naman akong balak na taguan sya. Ang sa akin lang, ano pa bang kailangan nya? Bakit nya pa ako ginugulo? HIndi pa ba sya nakuntento sa pagdurog nya sa akin nung pinili nya si Fritzie kaysa sa akin?"


"We don't exactly know what happened. Hindi natin alam kung anong gusto nya, pero gaya ng sinabi ko sayo noon, Jer. Nandito lang ako. Sa tabi mo lang ako hanggang kailangan mo ako. Hindi ako aalis hanggang gusto mo na manatili ako."


Marahan akong tumango habang nangingilid ang luha ko sa pagkalito bago ko idinantay ang  mukha ko sa dibdib nya. Marahan nyan hinaplos ang likod ko habang pilit n'ya iniibsan ang nararamdaman ko. Ano pa bang kailangan ni Tristan sa akin? Ano pa bang gusto nya talaga bang hindi na sya titigil sa panggugulo ng buhay ko?

     

"Jer, he is not yet done with you. He wants you back, and he'll do everything to win you back. Nakita ko ang determinasyon sa mga mata nya at nasa sayo na lang kung magpapadala ka. Just be ready, because he will stay true to his words. He will win you back."


"How many chances does he expect me to give him? How many times does he think I'll let him into my life just to hurt me over and over again? I don't owe him anything, because I already gave him my everything back then, Carlo. Nakakainis lang na akala nya he can just waltz back into my life ng walang pakundangan. Nakakainis lang na akala nya bibigay ako agad. Nakakainis lang na akala nya pag nagpakita sya sa akin magiging masaya ako at masaya ko syang yayakapin. Nakakainis na ang kapal pa rin ng  mukha nya! Hindi ko na sya mahal, nakakainis lang talaga sya kaya ako nagkakaganito." Frustrated kong sabi habang nakayakap sa dibdib ni Carlo--this is where I find my comfort, this is my home. Carlo is my home--my comfort zone. I can be whatever I want to be with him. I can do whatever I want to do and say whatever I want to say.  I can be a child one moment and be a snobbish bitch the next without worrying what he'll think about me, because I know he will always be there for me.


"Shh... I know, tama na. Hindi mo na sya mahal, naiinis ka lang sa kanya. 'Wag mo na s'yang pansinin, okay? Nandito lang ako." Alo nya sa akin. Parang bata akong tumango sa kanya habang nilalamukos ko ang mukha ko sa dibdib nya. "Let's go, ihahatid na kita."


Tristan stayed true to his words at ilang araw lang ay nakita ko na sya sa malaking entrance ng hotel namin. Nakasuot sya ng puting long sleeves na nakatiklop hanggang siko, black pants at leather shoes. He looks great as usual, at alam kong alam nya yun base sa ngising naglalaro sa kanyang labi. He confidently walked towards me and I plastered the most professional smile I've mastered here at work, "Good morning, sir."


Napanguso sya sa pagpipigil ng ngiti at napataas ang kilay nya, "Sir?"


Can't Let You GoWhere stories live. Discover now