14. #TheRevelation

9.2K 307 36
                                    

Comment po kayo. Replyan ko po lahat ng comments nyo. :)

Chapter 14

"Stephanie?"

Hindi naman sya nakapagsalita. Iniwas nya ang mga mata nya sa akin at napayuko. Halata sa kanya ang labis na kaba na nararamdaman.

"P-Pati ba naman ikaw?"

"K-Kien.."

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Ayaw kong umiyak sa harapan nya. Ayaw kong magmukhang mahina sa paningin ng babaeng nasa aking harapan.

"A-Anong ginagawa mo dito sa bahay ni Yvan?"

Muli syang hindi nakasagot.

"Di bale na. Si Yvan? Nandyan ba sya?"

Umiling sya at hindi pa rin magawang tumingin sa akin. "W-Wala sya.. baka mamaya pa sya uuwi dito."

Tinitigan ko sya habang hawak nya ang isang lagayan ng mga labahin na walang laman.

Bahagya akong natawa kahit gustong-gusto ko nang umiyak. "Bagay pala sayong maging katulong. Ganyan ka ba kadesperada agawin ang boyfriend ko?"

"H-Hindi Mary Kien.." Lalapit pa sana sya sa akin pero agad ko syang pinigilan.

"Wag ka nang lumapit Stephanie. Baka hindi ako makapagpigil. Baka masaktan lang kita."

Napahinto sya at muling napayuko. Hanggang sa unti-unti syang humagulgol sa pag-iyak.

"Wag ka ngang umiyak sa harapan ko. Hindi ako naaawa sayo." Tatalikod na sana ako para umalis nang pigilan nya ako at hinawakan sa braso.

"Sandali lang Kien.."

"WAG MO NGA AKONG HAWAKAN!"

Napahinto din naman sya agad.

"Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin na magkaibigan tayo, tapos ganito lang pala ang gagawin mo sa akin."

Patuloy namang humahagulgol si Stephanie sa pag-iyak. "M-Mali ka Kien...mali ang iniisip mo."

"Ganun ba? Eh anong gusto mong isipin ko?"

"Hindi mo alam ang totoo.."

"Bakit hindi mo sabihin sa akin ang totoo na sinasabi mo?"

"H-Hindi ako girlfriend ni Yvan. H-Hindi ko inaagaw sayo ang boyfriend mo. W-Wala akong gusto sa kanya.."

"Bakit? Sino ka ba sa buhay nya, huh, Stephanie?"

Pilit nyang pinatahan ang sarili at tumingin sa akin ng seryoso.

"SABIHIN MO SA AKIN ANG TOTOO!" Sigaw ko kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha.

Pero labis akong nabigla sa mga sunod na salitang narinig ko mula sa kanya. Sinabi sa akin lahat-lahat ni Stephanie ang totoo. Lahat ng katotohanan. Katotohanan na halos wasakin ang puso at pagkatao ko.

XXX

Sa isang park malapit sa school napili kong magkita kaming dalawa ni Yvan. Habang nag-aantay ako sa kanya, naramdaman ko nalang na may humalik sa pisngi ko mula sa aking likuran.

Nang lingunin ko ito, nakita ko ang mukha ni Yvan na may bitbit na malaking ngiti. "You missed me?" Tanong nya.

Pinilit kong ngumiti sa kanya.

Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Sorry if I haven't shown up on Dave's house blessing.

"Okey lang. Alam ko naman na busy ka eh."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now